Gerald's P.O.V
"Ayan oh, Papasok na siya sa gubat"
Itinuro ko kay Chui, Marj at sa dalawa kong pamangkin na naghahanap din ng hustisya para sa kanilang pinsan, hindi ako pwedeng humingi ng tulong o back up sa station dahil walang maniniwala sa amin .
May Maliit na camera akong ikinabit sa kwelyo ni Mang Jolo para ma subaybayan ang pagpasok niya sa Sitio Diego, Hindi kami pwedeng sumugod na magkakasama. ayon kay Mang Jolo baka hindi na kami makakalabas ng buhay kung hindi namin ito pagplaplanuhan.
kailangan namin magmadali hanggat may araw pa, lalakas raw ang pwersa nila sa gabi lalo na at byernes ngayon.
Mabilis siyang nakarating sa Sitio Diego, Walang ka tao-tao sa paligid, dumiristo kaagad siya sa isang napakalaking bahay at doon nakita namin ang isang babaeng nakaupo sa balkonahe at mukhang nagulat ito kay Mang Jolo.
Maganda, Makinis at maputi, Sino ang babaeng ito?"Bakit ka narito?" Tanong ng babae sa kanya
"Hindi naman kita pinatawag" Dugtong niya
"Nandyaan ba Si Santi Maam?" Tanong ni Mang Jolo
"At bakit mo siya hinahanap?"
"Maam, Magtatanong lang ako tungkol sa gamot." sagot ni Mang Jolo
"Bakit hindi ka pumunta sa mga klinika o doktor sa bayan?"
"Masyadong Malayo Maam at wala ho kaming pera para makapag konsulta"
"Nasa kanyang silid. Pumasok ka nalang"
Pumasok kaagad sa loob ng bahay nina Santi si Mang Jolo,
Napakalaking bahay sa gitna ng gubat, mga antigo ang mga kasangkapan na para bang mga sinaunang tao ang nakatira lahat.
Dumiritso siya sa isang silid at kumatok, Hindi nagtagal ay may bumukas nito.
Bumungad sa amin ang isang napaka payat at namumutlang Santi.
"OMG, is that Santi?" Gulat na tanong ni Marj
"He Changed a lot talaga, Anong nangyari sa kanya?" dugtong niyang tanong.
"Shhh! manuod nalang muna tayo" saway ko kay Marj
"Mukhang isang bulate nalang Sir ang hindi nakaka pirma sa kanya ah" patawang sinabi ni Chui."Anong nangyari sayo?" tanong ni Mang Jolo sa kanya
"Sobrang payat mo na, namumutla. may sakit ka ba?" Pagtatakang tanong niya
"Ano ba tong pinagtatanong ko. alam kong hindi kayo nagkakasakit"
"Hali ho kayo sa loob"Niyaya niya na si Mang Jolo na Pumasok sa kanyang Silid.
Pumasok sila sa silid at pabulong niyang sinabi na nagpagamot daw siya.
"Anong nangyayari?" pagtatakang tanong ni Marj ng biglang nagloloko ang camera namin. nag puputol putol ang mga salita nilang dalawa at maya maya ay lumalabo nalang bigla ang video.
"Isinuka mo na ba?" Pabulong ni Mang Jolo
"Isinuka ko na" Sagot ni santi
Naputol at nagloloko ulit ang camera. biglang lumalabo.
"Anong isinuka?"
"Ano yun?"
"Ibig sabihin noon, Nagpagamot si Santi" Mahinahon kong sagot
"Pero ano ang isinuka Sir?" pangkukulit nilang tanong
"Yung Sisiw? di ko alam basta may isinusuka sila para mawala na yung pagka aswang nila" sagot ko
"Pwede ba yun?"
luminaw ulit ang monitor."May magagawa ka, Pamilya mo sila. Baka naman makumbinsi mo ang Inang at Amang mo"
"Wala akong lakas Mang Jolo, Hindi na ako aswang at hindi pa ako gumagaling"
Nanghihina si Santi, sa kanyang ipinapakitang galaw at mukhang kinukumbinse siya ni Mang Jolo na makipagtulungan sa amin.
At lumabo na naman ulit ang Monitor at wala na naman kaming naririnig.
"Salamat hindi na siya aswang" parang nabunutan ng tinik si Marj sa kanyang pagkakasabi
"Tangi! bakit nagpasalamat ka pa talaga ate? siya parin ang may kasalanan ng lahat dito" singgit ng Pamangkin kong si Josh
"Oo nga naman ate Marj. hindi porket nanghihina na sya ay kaaawaan na natin yan" pagsang ayon ni Tristan, ang isa ko pang pamangkin
"Shhh manahimik na nga muna kayo!" pagsaway ni Chui sa kanila.
Nang bumalik ang linya ng video ay pintuan na ang aming nakikita at mukhang paalis na si Mang Jolo sa silid ni Santi at bigo itong humingi ng tulong sa kanya.
"Mang Jolo, Nakalimutan niyo atang Byernes ngayon Malakas ang pandinig naming mga aswang at malakas ang pwersa namin"
Boses ng babae ang narinig naming lahat. Humarap si Mang Jolo sa kaniya at napa atras kaming lahat sa monitor ng makita naming naging babae si Santi.
"OMG!!!" sigaw ni Marj
"Sino yaaaaannnn?" tanong ni Marj
"Ikaaaaaaaw?" gulat na sinabi ni Mang Jolo.
"Siya yung babae kahapon Pa, Diba? yung nasa harap ng waiting Shed ng Brgy Gorgo?"
"WOW! napakaganda naman niyan Sir!"
"GANDAAAAA!!!!"
iba naman ang naging reaksyon ng mga lalaking kasamahan namin.
"Nilinlang mo ko? nagpanggap kang si Santi!!!!!!" sigaw ni Mang Jolo
tuluyan nang nag black out ang camera.
"Bakit ganyan ang camera? " Pagtatakang tanong ni Josh
"Kailangan na nating sumugod doon Sir" Aya ni Chui
"Maghanda na kayo!" Utos ko.
BINABASA MO ANG
ASWANG
TerrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...