MARJ'S P.O.V
"Bakit nakatuwad?" tanong ko kay papa.
pero sinunod ko parin siya. tumalikod ako sa direksyon ni Maireeh at nakaharap naman kina Papa at Calvin,Yumuko na ako, spread my two feet and inunat ang katawan papuntang ilalim.
sa pagitan na ng dalawang tuhod ko ang aking ulo at tinignan sila.nanlaki ang mga mata ako at bumalik sa pagkakatayo.
"Ano nakita mo?" tanong ni Papa.
"Oh my god!" takot na takot na sinabi ko."Ano ngaaa?" tanong ni Calvin.
Bumalik ulit ako sa position kanina para tignan muli.
"Honeeeyyy!" sabi ko.
Tumayo si Calvin sa tabi ko at ginawa ang parehong position sa akin.
dali dali siyang tumayo at hinatak ako sa tabi, sa liko ng hagdaanan na pinagtataguan nina Papa at Chui.
"Naniniwala kana ba Calvin?" Tanong ni Papa sa kanya.
napa buntong hininga siya at tumalikod sa amin.
"Saan ka pupunta?" tanong ko
"May pupuntahan lang ako" sagot niya.
"Sasama akooooo" sabi ko.
"Dito ka lang" sabi niya saakin at agad umalis.
"MAIREEH, LUMAYO KA SA DEMONYONG YAN" sigaw ni Chui.
napalingon naman si Maireeh sa direksyon namin at parang ihip ng hangin na nawala ang aso sa harap niya. nakita sa mukha niya ang pagka gulat.
"Saan ka pupunta?" tanong saakin ni Papa
"Susundan ko si Calvin pa""Teka Marj!!!!!" sigaw sa akin ni Papa pero hindi na ako nakinig sa kanya...
Naglalakad lang si Calvin kaya naabotan ko siya.
pagdating sa Main Road ay pumara na siya ng Taxi at Ganon din ako.
Makalipas ng trenta minutos ay bumaba na si Calvin sa tapat ng lumang malaking bahay. isang liblib na lugar at wala masyadong bahay na nakatayo sa lugar. malayo din siya sa Main Road.
"Manong, Hintayin mo ako ha."
bumaba din ako at lumapit ng kaunti kay Calvin.
nasa tapat siya ng napaka taas na gate at nag doorbell,
nagtago ako sa mga hedges malapit sa gate.
Maya-mayay may lumabas na Babae, Napakagandang babae, Makinis at Maputi. parang hindi nasisinagan ng araw ang kanyang balat.
Sino to?
"Andito ba si Santi?" tanong ni Calvin
"May nakikita ka bang Santi Calvin?" patawang sinabi ng babae
may babae si Santi????
"Kailangan ko siyang makausap para maliwanagan"
"Kailangan niya ba talagang magpaliwanag sayo?"
"Alam kong alam mo kung ano talaga si Santi" sabi ni Calvin
"Anong alam ko?" pagtatakang tanong niya
"Bella, dati kang nobya ng Bestfriend ko. alam kong alam mo yun"
Si bella ang pangalan ng Babaeng ito,
"diba iisang lugar lang kayo? diba? diba? baka aswang ka rin"
"Nakakatawa ka Calvin, anong pinagsasabi mo? bestfriend mo sinisiraan mo?a tsaka diba nilagawan mo rin naman ako nung nalaman mong hiniwalayan at tinakasan ako ni santi sa kasal namin?" patawang sinabi ni Bella.
"Hindi ko nga sinabi yun kay Santi ehhh na nililigawan mo ko non kahit kami ni Santi ehhh. kahit sinabi ko nang naka tadhana kaming ikasal na dalawa dahil naaayon yun sa kasunduan ng aming mga pamilya, sinuportahan mo parin siya kay Roshane at kay Maireeh. pasalamat nga ang Maireeh na yan dahil wala ako dito nung ikasal silang dalawa at dapat wala na yang babaeng yan eh pero kababalita lang ng barrio na kailangan siya doon para lumakas ang pwersa ni Amang Azazel" paliwanag ni Bella.
"Huwag mo akong pagtatawanan Bella, Hindi ako nakikipagtawanan sa iyo" sagot ni Calvin
"isa pa, wala akong pakialam sa pwersa, pwersa niyo..... at lalong di ako nakikipag kwentuhan sayo"
"ANong ipinaglalaban mo?" pagtatakang tanong ni Bella
"Oh aswang si Santi, kontento kaana?"
Ngumise lang si Bella at tumalikod.
pero binato siya ni calvin ng bagay na nangaling sa bulsa niya
"Arayyyyy"
"Kinuha ko talaga yan kanina sa kusina dahil nagdududa na ako, hindi ako makapaniwala, pero yun ang totoo, isa ka rin pala" sabi ni Calvin
"Ayoko na sanang humantong tayo sa ganito Calvin, may pinagsamahan naman din tayo pero pinilit mo ko" sabi ni Bella sabay suntok sa dibdib ni Calvin na ikinaluhod niya.
lumalabas ang mga dugo sa bibig niya habang si Bella ay hawak ang puso ni Calvin.
aktong sisigaw ako pero may nagtakip ng bibig ko, si Manong Driver ng Taxi Pala.
"Alam kong May tao dyan sa likod ng hedge, Sample lang yan, baka isusunod ko kayo" sabi ni Bella.
hinatak ako ni Manong Driver kahit nagpupumiglas ako, isinakay niya ako sa Taxi.
"Manong, asawa ko yun"
"Patay na yun, hindi mo ba nakita. wala ka nang magagawa don , magreport nalang tayo sa pulisya"

BINABASA MO ANG
ASWANG
HorreurSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...