MANG JOLO'S P. O. V
Nagising ako sa isang malakas na sigaw, hinang hina ako sa itinurok nilang pampatulog saakin.
Sumisigaw si Maireeh at namimilipit sa sakit ng tyan.
Nakatali parin ang aking mga kamay at paa dito sa sulok ng isang Silid.
Halos magsitayuan ang balahibo ng buong katawan ko sa nakikita ko ngayon.
Malakas na malakas na pwersa.
Karamihan ng taga Sitio Diego narito at kasama ko sa iisang silid.
Si Maireeh ay naka higa at nakaharap sa mga mahaharlikang aswang.
Pinamumunuan nina Azazel at Lilith.
Kasama ang kanilang anak na si Sonja at asawa nitong si Abigor at ang kanilang mga anak na si Samantha at ang naka tali na si Santi.
Mahinang mahina si Santi, maliban sa tali nito ay naka piring din ang kanyang mga mata.
"Ahhhhhhhhhh"
"Hindi ko na kaya!!!!!!"
"Sobrang sakit na ng tyan ko, dalhin niyo na ako sa hospital"
Nagsitawanan naman ang mga taga Sitio Diego.
"Katahimikan!!!!" sigaw ni Azazel.
"Kumadrona, tignan ang kanyang kalagayan" utos niya at agad naman itong lumapit kay Maireeh.
"Punong Azazel, Manganganak na siya" masayang masayang sinabi niya
"Sige, palabasin mo na"
"Sige umire ka"
Tanging sigaw lang niya ang naririnig sa buong silid.
Hindi nagtagal ay narinig na ng lahat ang iyak ng isang bagong silang na sanggol, kasabay non ang pagkawala ng malay ni Maireeh.
Isang mahaba at malakas na halakhak ang binitawan ni Azazel
"Sa wakas Makakapagpahinga na ako" masayang sinabi ni Azazel.
"Anong Ibig niyong sabihin Punong Azazel?" tanong ng isang pinaka matandang aswang sa Sitio
"Matagal nang panahon, nung namatay ang mga anak kong lalaki, Si Ferro at Samael. Isa sana sa kanila ang magmamana ng aking kapangyarihan at trono, ngunit namatay sila. Tanging si Sonja lang ang nakaligtas. Ngunit siya ay isang babae"
Kwento niya
"Nabuhayan ako ng loob ng magkaroon ng anak na lalaki sina Sonja. At iyon si Santi.."
"Pero akala ata nila hindi ko mahahalata"
Nagulat ang lahat sa mga huling sinabi ni Azazel.
"Anong Pinagsasabi mo Azazel" saway sa kanya ng Asawa
"hindi ko naman basta bastang ibibigay nalang kahit kanino itong trono ko, sa ibang aswang? Baka mawala na sa aming pamilya ang pamumuno dito." hindi niya pinansin ang asawa
Napalunok na ng laway si Sonja at Abigor sa sinabi ng kanilang Amang Azazel.
Blanko naman si Samantha at nagtatanong sa kanyang ina kung anong ibig sabihin ng kanyang Amang Azazel.
Si santi naman ay wala paring kibo at tila nanghihina.
Napatingin ako sa relo ko at lagpas alas sais na nang gabi ngunit wala paring tulong....
Nasaan na kaya sina Sir Hoo at ang mga kasamahan niya.
Baka namatay na rin sila habang papasok sila rito.
Nawawalan na ako ng pag asa na makamit ang hustisya para kay Lola Jane.
"Sa sanggol na ito, ay walang ibang pamilya. Walang ibang mag aangkin ng kapangyarihan kundi ang mga Diego parin sa buong Sitio. Ituturing siyang tunay na apo ko at sa kanya ko ipapasa ang kapangyarihan. Napaka swerte niyang bata"
Binuhat niya na ang duguang sanggol sabay itinaas, iyak ng iyak parin ang sanggol
"Palalakasin natin ang Pwersa ng ating Lahi sa pamamagitan ng Sanggol na ito. Matapos ang Seremonyas ay may bago na kayong Hari. Lalakas tayong lahat"
Lahat nagpalakpakan at kitang kita sa mga mukha nila ang kasiyahan.
Napayuko na ako at unti unting tatangappin ang aming katapusan.
Inilapag niya ang sanggol sa tabi ng walang malay na si Maireeh.
"pagkatapos ng Seremonyas ng pagsasalin ko ng kapangyarihan ko sa sanggol ay pagsasaluhan niyo itong babaeng ito at Si Jolo"
Nag palakpakan ang lahat at umpisa nang mag laway ang karamihan sa kanila.
Napapikit na ako at nag umpisang magdasal sa itaas, andon parin ang pananalig ko sa kanya kahit imposibleng imposible na.
"At Pagsasaluhan niyo rin ang aking apong si SANTI"
Laking gulat ng lahat sa sinabi ni Azazel.
"Amang! Huwag...." tumayo na si Sonja at lumuhod sa harap ni Azazel
"Amang. Ako nalang. Huwag na si Santi Amang"
"Tumayo ka dyan Sonja." Konting Sipa ng kanyang Inang Lilith.
"Ama, pigilan mo si Amang Azazel. Ano ba" natatakot na sinabi ni Samantha.
Nagkakagulo na silang magpamilya pero tahimik parin si Santi na nanghihina habang ang karamihan ay nagbubulong bulongan na at walang ka ideya ideya kung bakit nasabi iyon ni Azazel.
"Ama! Tulungan mo si Ina" ulit ni Samantha
"Punong Azazel, Hindi na ho Humihinga ang sanggol" Tarantang Sinabi ng Kumadrona.
"Ano?" pagkagulat niya.
"BOOOOOOOMMMM" MALakas na pagsabog ang narinig naming lahat
nataranta ang lahat ng marinig iyon.
"Punong Azazel, May mga Dayo at nilulusob tayo!!!!! "
A/N : sorry guise for the long long super long update.
Daming nangyari sa life.
Na preggy and nanganak sa second born ko last January 2020. ❤️
And tataposin ko na po ito soon mga 3-5 parts nalang. Basta as soon as posible para makapag publish naman ng bagong story.
Thank you so Much Readers ❤️❤️❤️
#StayHome
#StaySafe
#LetsPray
#GodBless
#Pandemic2020
BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...
