Gerard's P.O. V
"AHHHHHHHHHHHH"
Nagising ako sa isang malakas na sigaw.
si Marj ba yun? tanong ko sa sarili.isinuot ko ang Aking salamin sabay tayo sa kama.
naabutan kong nagsisiksikan ang mga kasambahay sa harap ng pintuan ng kwarto nina Calvin.
"Nasaan na ba ang susi? " tanong ko
"Etooo etooo naaa" sigaw ng aking asawa sa likuran.
binuksan na ang pintuan at agad nilibot ng aming mata ang buong sulok ng kwarto.
wala kaming ibang nakita kundi ang naka higa na si Calvin sa kama na natutulog lang.
isa isang umalis ang mga kasambahay sa likuran namin na nabulabog din ang tulog sa malakas na sigaw.
"Nasaaan si Marj? " pagtatakang tanong ng asawa ko.
lumapit kami sa kama at doon namin nakita si Marj na nakasiksik sa gilid ng kama.
nanginginig at natatakot."Anong nangyari Hija?" pagtatakang tanong ng asawa ko.
"si Calv...." nanginginig na boses.
"heto si calvin. natutulog"
sabay tingin namin kay calvin.
"Aaaaaahhhhh"
nahimatay na ang aking asawa at dali dali namang tumayo si Marj para alalayan siya.
napa sign of the cross ako....
HOO'S RESIDENCE (3PM)
Hindi mo makikita ang sakit at lungkot sa akin.
"Condolence!"
tumango lang ako nung lumapit ang aming kapitbahay.
naka upo ako sa harap ng kabaong ni Calvin.
nilapitan ako ni Marj at niyakap.
"Sana nasabi ko na kaagad pa" hagulgul niya.
"ano ba talaga ang nangyari Marj?"
Ikwenento niya sa akin ang nangyari nung gabing umalis si Calvin ...
"pupuntahan natin siya" sabi ko.
agad kaming umalis ni Marj...
TAKIPSILIM (6pm)
"nandito na ho tayo"
huminto kami sa tapat ng mataas na gate.
"Sa palagay ko nga Hijah, Kumukulo ang langis ko"
Nanlaki ang mga mata ni Marj nung makitang kumukulo ang langis.
"Pa, Bumubukas ang Gate"
"Palabas siya, dali. alis na tayo"
umaapaw na sa lalagyan ang langis na hawak ko.
pinaharurut ng driver ang sasakyan papalayo...
HOO'S RESIDENCE (9PM)
Dumating kami sa bahay. maraming tao na ang nakikilamay at may nagdadasal pa sa harap ng kabaong ni Calvin
pumunta agad ako sa kusina para kumuha ng asin.
"Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ng asawa ng makita niyang bubuksan ko ang kabaong ni Calvin
"Nakakahiya, na abala na ang mga nagdarasal Gerard" pandidilat at pagpigil ng asawa ko.
habang si Marj ay umiiyak lang at nakasiksik sa gilid.
"Marjorie! ano to? saan ba kayo nanggaling? " tanong ng asawa ko
nagsitayuan na ang mga taong nakikilamay at naki usyoso na sa amin.
"Hayaan mo lamang ako sa gagawin ko"
Nabuksan ko na ang kabaong ng Anak ko sabay saboy ng asin.
"Gerard!!!!!" sigaw ng asawa ko na nagulat sa ginawa ko.
nagulat ang lahat at natigilan, hindi nagtagal ay Narinig ko na ang bulong bulongan ng mga tao pero walang lumalapit sa amin.
"May I request Everyone to Leave this premises" mahinahon na sinabi ng isa ko pang anak na buntis.
isa isang lumabas ng tao sa tulong na rin ng mga securities sa bahay.
"nasaan na si Calvin?" Tanong ng asawa ko
"nasaan na si Calvin?" sigaw niya.
"Bakit naging banana trunk ang laman nung coffin? nasaan si kuya calvin?" pagtatakang tanong ng anak kong buntis.
"PINALITAN ANG KATAWAN NIYAAA" sagot ko
"Pa-paanong pinalitan? siya yung naka higa dyan kani-kanina lang"
"PINALITAN NG ASWANG"
A/N : SORRY LATE UP.
BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...