MAIREEH'S P.O.V
Maaga niya akong ginising dahil aalis na daw kami sa Sitio Diego. Hindi ko alam kung saan kami pupunta o titira pagdating namin sa Maynila.
bakit pa bigla-bigla naman itong pag alis naming dalawa? alas syete palang nang umaga pero itong inang niya sinisigaw na umalis na kami at gagabihin kami sa daan.
bakit ba kasi kailangan kong ipulupot talaga sa tyan ko itong itim na tela? ang init init talaga...
nagkatinginan kaming dalawa ni Ina , pero umiwas din siya nang tingin sa akin.
Nag umpisa na kaming maglakad na tatlo kasama itong Mang Jolo daw.
"Taga Sitio Diego ka din ba?" Tanong niya saakin
"AY hindi ho, Sa Maynila ho" Sagot ko.
bigla siyang natigalan.
"Bakit ho?" pagtatakang tanong ko"A eehh Wala naman Hijah" pagpapatawang sagot niya.
nakakapagtaka, ano ba ang meron sa maynila at parang nagtataka talaga sila. -_-
Nakarating na Kami sa waiting shed sa labas ng Barangay Gorgo at nag aabang ng Tricycle papuntang Bayan ng biglang nag ring ang telepono ni Santi at lumayo muna saamin.
"Hijah! Huwag na huwag ka nang babalik sa Sitio Diego"
"Ho? Baki ho?" Pagtatakang tanong ko."Eto! Carmen! huwag na huwag mong ihiwalay iyan sa iyo."
may ibinigay siyang napakaliit na parang binalot sa telang itim.
"Bakit ho?"
"basta huwag mong ihiwalay sayo, ilagay mo sa bulsa o kahit saang parte ng damit mo basta at hindi siya nakikita""Pangkontra lang yan sa aswang Hija, para sa mga buntis"
"ay sus! Manong Jolo, naniniwala ba kayo doon?"
"Totoo sila, mabuti naman at binalot mo ng itim na tela yang tyan mo,"
napansin niya ang itim na tela sa tyan ko ng iniangat ko ang tshirt ko para ilagay sa bulsa ng pantalon ko ang CARMEN,
"Si Inang SOnja po ang nagpalagay nito" Sagot ko"Si SOnja?" Patanong na sinabi niya.
"Mahal? may trabaho na ako. " Biglang Nagsalita si Santi.
"Talaga Mahal? Mabuti yan!""ANdito na ang Tricycle Santi"
"Pagdating na pagdating natin ng Maynila maghahanap na tayo ng mauupahang bahay, Tara na naghihintay ang tricycle sa kabilang kalsada" Masayang sinabi ni Santi.
"Mag iingat ka sa kanya" nagulat ako ng biglang hinawakan ni Mang Jolo ang balikat ko.
"Salamat ho sa paghatid Mang Jolo"
sabi ko.SUmakay naman siya sa kanyang bisekleta papalayo saamin.
Ano tong Carmen? ano tong mag iingat ako kay Santi? bakit hindi na niya ako pababalikin sa Sitio Diego?

BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...