Police station

1.7K 24 1
                                    

POLICE STATION

"Misis,  maari niyo bang isalaysay ang iyong nakita? "

"Oho" sagot ni Maireeh

isang mahabang buntong hininga ang kanyang binitawan at nagsimulang magsalita.

"Naglalakad ho ako,  bibili sana ako ako ng agahan sa isang fastfood ng makita ko po ang krimen,  akala ko nga noong una ay ni-rerape yung dalagitang badjaw"

"Paano mo naman nasabing ni-rerape? " tanong ng pulis.

"nakapatong po kasi yung tao sa kanya" sagot ni Maireeh

"Tapos po nun,  kumuha ako ng bato para sana ipangpupukpok sa rapist,  pero po nung lumapit na ako sa kanilang dalawa..... " natigilan pa si Maireeh

"tapos?? "

nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba ang kanyang nakita.

napatingin pa siya sa pulis na nag ta-type ng blotter.

"tapos? anong nakita mo? sabihin mo na huwag ka nang mahiya"

"Mahal?????"

napatayo si Maireeh sa isang pamilyar na boses.

"Mahal"

lumapit sa kanya si Santi at nagyakapan sila.

"halika na at uuwi na tayo"
pagyaya ni Santi.

"Teka lang, kinukunan pa siya namin ng statement" sabad ng isang pulis na nagtatanong.

"kita niyo naman ang kanyang kalagayan , nagdadalang tao ang aking asawa, hindi ba at grabe namang stress ang inyong ibinibigay sa kanya?"

"Sir, siya lang ang tanging witness sa nangyari, hindi mareresolba yung krimeng ito at mahihirapan kami"

"Pansariling kapakanan niyo lang ang inyong iniisip, di manlang ninyo iniisip ang kalagayan niya"

"Sir,  yung asawa niyo mismo ang nagsabing magbibigay siya ng statement sa krimeng nangyari, naaawa siya sa biktima lalo na at menor de edad pa ito"

"Tsaka di namin sya pinilit" dugtong ng isang pulis na nagta-type

"Kung sariling seguridad po ang pag uusapan ay itatago namin ang kanyang pagkakilanlan"

"Sige na mahal, gusto kong makatulong.please"

"ganito nalang ho, ipapa sketch nalang natin yung suspect na nakita niyo misis, tapos pwede na ho kayong makauwi, maghahanap nalang kami ng ibang witness baka may ibang nakakita din ng krimen" paliwanag ng pulis.

"Sige ho"

wala nang nagawa si Santi sa kagustuhan ng asawang makatulong na ma resolba ang krimen.

pumasok na ang pulis na nag ske-sketch at nag umpisa na sila ni Maireeh...

nang matapos na ang pagske-sketch ay ipinakita na ito pulis na nag blo-blotter at pina uwi na si Maireeh at Santi.

napakamot ang ulo nilang dalawa sa kanilang nakitang sketch..

"ano to?" pagtatakang tanong niya.

"iyan ang inilarawan niya" sagot ng nag ske-sketch.

"Sigurado ka ba?"

"Nako naman Sir, ilang taon na ako sa trabaho kong ito,  ngayon pa ba ako papalpak? "

"tao ba ito? "

"mukhang tao naman sir,  naka long sleeves pa nga ho ehh"

"Baka naman kasi naka maskara itong taong ito para hindi siya makilala? "

"Baka nga ho Sir"

"Nagdududa talaga ako eh"

"bakit naman sir? "

"yung biktima kasi eh,  hindi nmn na rape,  kasi yung damit naka suot nman,  yung tanging tyan niya lang yung may wakwak ehh" pagtataka ng pulis.

"tapos itong sketch niya,  nahawig sa longsleeves nung asawa niya ehh"

"Sir,  kung sinasabi niyong nawakwak ang tyan ng biktima at kahawig ng longsleeves nung asawa niya eh imposible yun sir,  yung krimen nangyari bandang alas singko ng madaling araw,  lagpas alas sais palang po sir.. ang linis linis ng itsura at damit ng asawa niya" sabad ng isang pulis.

"isang malaking palaisipan ito,  mukhang hindi tao ang gumawa nito"

"sino naman ang matinong taong gagawa niyan?  winakwak yung tyan at pinagkukuha ang lamang loob"

"hindi talaga tao kundi aswang,  "

"Sir,  magkape ka muna,  antok lang yan" patawang sinabi ng isang pulis.

nagtawanan ang lahat.

"Paiimbistigahan ko parin,  lalong lalo na ang asawa niya"



A/N : Sorry late UD, nagkasakit baby ko ehh.. 🙏🙏🙏

ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon