Maireeh's P. O. V
"Mahal, susunod pa ba tayo sa reception nina Calvin at Marj? " biglang natanong saakin ni Santi habang naghahantay ng masasakyan papunta sa bahay ng mga Hoo
"Magtatampo saakin si Marj, lalo na ang bestfriend mong si Calvin"
sagot ko"Eto na nga oh, heto na ang service papunta don" dugtong ko ng pumarada sa harap namin ang puting van.
nauna na akong sumakay.
"Mahal, halika na"
nakita kong natulala si Santi kaya't niyaya ko siya ulit na sumakay
"May problema ka ba? kanina ka pa di mapakali? " tanong ko sa kanya.
"kung si Senior Ins. Hoo lang naman iniisip mo, hayaan mo siya, di mo naman sinasadya na bastusin siya eh, di mo naman alam na tatay pala siya ni calvin and rights naman natin kung di tayo masasalita"
"maiintindihan nya yun mahal"
ngiti ko.
"hindi, masama pakiramdam ko, uwi nalang tayo" sagot ni Santi.
"andito na ho tayo" singgit ng driver.
"andito na pala tayo mahal ehh,, kakain lng tayo tapos aalis din tayo" sabi ko.
tumango lamang ang asawa ko tsaka bumaba nang van.
nag umpisa na ang program ng wedding na tumagal lang naman ng mahigit 2 oras.
nang matapos ang kainan at natapos nang lubutin ng newly weds ang mga table ay lumapit na sila saamin.
nasa pinaka dulo kami umupo."Calvin, magpapaalam na sana kami ni Maireeh" salubong niya.
"Ano? ngayon lang nga tayo nagsama Santi. gago to ah" pagtatakang tanong ni Calvin
"Bakit dito kayo umupo, diba may table para sa inyo doon sa harapan?" tanong ni Marj
"dapat ikaw ang bestman ko eh, kaso ayaw mo naman . bestfriend kita eh tapos andito ka sa likuran par" pagtatampo ni Calvin
"Tapos ngayon aalis kayo?"
"Masama pakiramdam ni Maireeh eh" nagulat ako sa naging sagot ng asawa ko.
"Ha? hindi naman mahal ah" sagot ko.
"Oh hindi naman daw pala! ikaw naman. gusto mo talaga parati ma solo tong si Mai eh" sagot ni Marj.
"Gusto ko pa nga makipagkwentuhan kay Mai, tips ba, paano mabuntis agad, ano ba, dapat dahan dahan lang?" pagpapatawang dugtong ni Marj.
"Oonga! gago. bakit ka naman nagmamadali ha? diba sabi ko mag leave ka at buong gabi tayo magkwekwentuhan tsaka mag iinuman? dto narin kayo matulog"
"ngee!!! paano honeymoon niyo?" bulong ko kay marj.
"Sa Maldives kami mag hohoneymoon next month" sagot saakin ni Marj.
"Wow!! congrats talaga haaa!!! ang bongga ng wedding tsaka sa Maldives pa mag hohoneymoon" pinisil ko kamay ni Marj.
habang si Santi naman ay di mapakali sa kanyang upuan.
"sa susunod nalang sguro par, masama talaga pakiramdam ko eh" biglang nagsalita si Santi.
"Oonga, mukha nga kanina kapa di mapakali eh" sabi ni Calvin.
"Eto nalang, sumunod ka nalang saakin at may ibibigay ako sa yo"
inakbayan niya ang kanyang bestfriend.
"ano yun? "
"Gago ka talaga ano? yung mga pasalubong ko sayo syempre, makakalimutan ko ba ang bestfriend ko???? " sabi ni Calvin
"a, ganon ba! sige" tugon ni Santi.
kakaiba ang kinikilos ni Santi mula pa kanina sa Simbahan.
Matatapos na nga lang ang misa, at magbebendesyon na ang pari lumabas pa kami,
anong sense ng pag simba namin, di naman kami na bless nung pari.sumunod si Santi sa Bestfriend niya papasok sa bahay ng mga Hoo at nakipagkwentuhan muna ako kay Marj.
di nagtagal ay nagpaalam din si Marj para mag asikaso sa mga natitirang bisita.
lumipas ang isang oras, di parin lumalabas sina Santi at Calvin, kaya't nilapitan ko si Marj na nakikipag usap sa kanyang mga kaibigan para tanungin,
pero di niya rin alam at nagtataka, akala niya daw naka alis na kami.
sinamahan niya ako sa loob ng bahay ng mga Hoo.nadatnan kong nakikipag inuman si Santi kay Calvin at kay Sir Hoo at Sir Chui.
BINABASA MO ANG
ASWANG
HororSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...