SONJA'S P.O.V
nawalan na akong ganang kumain ng hapunan dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
hindi ko inaasahang uuwi ang aking panganay na may dalang babae at asawa niya na ito.
at buntis pa ito. hindi ako pwedeng magkamali, buntis ang kanyang asawa dahil naamoy ko ito. hindi pa nila sinasabi sa akin ang tungkol dito. hindi pwedeng mangyari ito.
"Ina!" Boses yun ni Santi
"Nasaan na yung kasama mong babae?" Tanong ko"Hindi ko lang sya basta bastang kasama Ina, asawa ko na siya., andoon na sa aming silid" sagot niya
"Hiwalayan mo na siya habang maaga pa, Magagalit sina Amang at Inang kapag nalaman nila ito, marahil nga ay alam na nila"
"Hindi pwede ina, Magkaka anak na kami at buntis sya"
"Alam kong buntis na siya, alam mong hindi sya pwede dito. kung may awa ka pa sa kanya. hiwalayan mo na sya"
"Ina, mahal ko si Maireeh"
"pwes, hiwalayan mo sya, ibalik mo na siya sa maynila"
"Gusto ko nang normal na buhay ina. mahirap bang ibigay iyon?"
" alam mong hindi tayo normal, at hindi magiging normal kailanman, huwag ka nang mamilit pa santi" sagot ko,ipinararamdam niya sa akin na wala akong kwentang ina sa mga sagot niya dahil hindi ko kayang ibigay ang normal na pamumuhay na gusto niya.
"HINDI! mamumuhay kami ng normal dito"
"ikaw pwedeng mamuhay dito, ang asawa mo hindi."
"nakaya kong maging normal sa maynila ina. nakaya ko sana kayong lahat na nandito kakayanin rin, naniniwala ako ina"
"matigas ang iyong ulo Santi"
"Bahala ka ina! bukas na bukas ay kukumbinsihin ko ang ating mga kasama na mag bagong buhay na" sagot niya sa akin sabay alis.
"Hangal! wala na kaming pag asang mag bago."
kabiguan lamang ang aming pag uusap ni Santi. Ano ba dapat ang sasabihin ko para sundin niya ako?
ayoko ring mapahamak ang aking magiging apo dahil wala naman siyang alam dito, pero kung mangyari man ay wala na akong magagawa dito.
may kumakatok sa bintana kaya't binuksan ko ito.
"oh bakit napa katok ka?" Tanong ko"May naaamoy akong mabango parang nagmumula sa bahay mo"
"Baka nagkakamali ka?" patawang sagot ko"Baka ang kasama ng iyong Anak yung mabango Sonja"
"Sa amin ito, Huwag na kayong makialam at maghanap nalang kayo ng kakainin ninyo"
"Huwag mo nang patagalin yan sonja, kahit tira tira na lang o magpakain ka nalang sa labas. huwag maramot""umalis ka na nga at uumagahin ka pa! maghanap ka ng sa iyo" patawang sagot ko sa pinaka matandang aswang sa Sitio
Isinara ko na ang bintana upang umalis na siya."Yaan na nga ang sinasabi ko Abigor! kaya nating magtiis, pero ang mga kasama natin ay uhaw na uhaw na yan maka tikim ng sariwang tao"
biglang pumasok ang aking asawa

BINABASA MO ANG
ASWANG
TerrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...