Paghahanap kay Maireeh (Una)

1.4K 26 6
                                    

Mang Jolo's P.O.V

Papasok na ako sa gubat ng barangay Gorgo sakay ng bisekleta ko.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa pagpasok ko dito. 
Hindi ko inakalang aabot na ako sa puntong ito.
Matagal tagal ko nang gustong mangyari ito kahit hindi ko alam kong papaano. 
Alam kong malabong malabo ito pero susubukan ko at sa tulong na rin ni Sir Gerard at ang mga kasamahan niya.
Makakaya ba namin sila? barangay nang mga demonyo? Alam kong pwede kong ikamatay ito pero mas mabuti na yun kaysa wala akong ginawa para ipag higanti ang kapatid nang aking Lola Jane.
bahala na ang nasa itaas, alam kong hindi niya kami pababayaan.

pasado alas dyes na nang makarating ako sa Sitio Diego.
Walang Tao sa labas ng kanilang mga kabahayan.
walang nakatambay.
Nakakapagtaka, Sa tuwing pupunta ako dito ay maraming silang naka tambay sa labas nang kanilang mga tahanan at nakamasid sa pagdaan ko.


Diritso agad ako sa Mansyon. ikalawa sa pinaka malaking bahay dito sa Sitio na pagmamay-ari ni Sonja at Abigor Diego.
ang pinaka malaking mansyon ay pag aari naman ng magulang ni Sonja na si Lilith at Azazel Diego. Sila ang namumuno sa buong Sitio.
Sila ang pinaka malakas at makapangyarihang aswang sa buong sitio.

Nasa Balkonahe naka upo si Donya Sonja na nagulat ng makita ako.

"Bakit ka narito?" Masungit niyang Tanong  sa akin

"Hindi naman kita pinatawag" Dugtong niya

Pinagpawisan ako sa pagkatitig niya.

"Nandyaan ba Si Santi Maam?" Tanong ko

"At bakit mo siya hinahanap?" tanong niya sa akin

"Maam, Magtatanong lang ako tungkol sa gamot." Sagot ko

"Bakit hindi ka pumunta sa mga klinika o doktor sa bayan?" Sagot niya sa akin

"Masyadong Malayo Maam at wala ho kaming pera para makapag konsulta" sagot ko

"Nasa kanyang silid. Pumasok ka nalang"  Sagot niya sa akin

Mabuti nalang at may naging rason ako para malaman kung nasaan si Santi
Siya talaga ang pinupuntahan ko tuwing may kailangan akong gamot o magpapakonsulta.
Nag aral na siya nang medisina bago paman ang chemical Engineering.
Mas matanda pa si Santi sa akin kahit mas matanda ako sa pisikal na anyo.
Mas matanda siya nang 20 anyos sa akin.
malayong malayo sa makinis niyang balat at binatang mukha ang medyo kumukulobot kong balat kahit mahigit kwarenta palang ako at ang mukha kong matandang matanda na.
Kulubot na sa kahahanap buhay.



alam kong nag aaral siya tungkol sa kanilang kondisyon kung papaano niya masosolusyunan o magagamot ito.
alam niya namang wala naman silang pag asa.
pero pinipilit niya parin ito.
alam niya namang bandang huli ang kanyang Lola at Lolo naman ang masusunod sa ayaw at sa gusto niya.
wala naman siyang magagawa.

Pumasok na ako sa loob ng mansyon at diritso sa kanyang silid.

Kinatok ko siya at hindi nag tagal binuksan niya na ang pinto.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya

"Sobrang payat mo na, namumutla. may sakit ka ba?" Pagtatakang tanong

"Ano ba tong pinagtatanong ko. alam kong hindi kayo nagkakasakit" patawang sinabi ko

"Hali ho kayo sa loob" Yaya niya sa akin

Ni-lock niya ang pinto nang maka pasok na ako.

"Nagpagamot ako" pabulong niyang sinabi

"Kaya ganito, namamayat ako at nagkakasakit" dugtong niya

"Huwag mo akong Isusumbong kay Ina"

"Ano ka ba? Alam mo bang pwede mong ikamatay yang ginawa mo? saan ka nagpagamot?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Basta Mang Jolo, Ayoko na talaga sa buhay ko. ayoko nang maging ako.
ayoko na sa kapalaran ko"

"Isinuka mo na ba?" Pabulong kong tanong

"Isinuka ko na" Sagot niya

"Gusto ko din naman mamuhay nang normal na tao na katulad ninyo" 

"Gusto ko rin makasama ang magiging pamilya ko" napa upo na siya sa kanyang Kama.
Nanghihina na si Santi.


"Nanghihina ka na dahil wala ka nang kapangyarihan, baka naman kasi nanghihina ka naaayun sa edad mo santi" sabi ko sa kanya pero naka yuko parin siya.

"Paano mo maipagtatangol si Maireeh? ngayong mahinang mahina kana?" pahabol kong sinabi

Dahan dahan niyang iniangat ang kanyang ulo sa narinig

"Si Maireeh? Hindi ba at nasa Maynila siya? wala akong balita baka nanganak na siya. at sa oras na magaling na ako. uuwi na ako sa kanya at iiwan ko na ang buhay ko rito" 
Paliwanag niya.


"Sinundan ka ni Maireeh dito, Nandito siya sa Sitio Diego, Hindi ko alam kong nasaan siya dito"  Tarantang Sabi ko

Nagulat siya sa mga narinig niya sa akin pero napayuko siya kaagad.

"Hindi ko alam mang Jolo" tanging sagot niya sa akin

"Hanapin mo siya Santi sa Sitio niyo. Baka nasa Inang at Amang mo" kinumbinsi ko siya na halatang wala siyang gagawin.

"Tama ka naman kanina, anong magagawa ko? anong lakas ko?" tanging sagot niya sa akin

"May magagawa ka, Pamilya mo sila. Baka naman makumbinsi mo ang Inang at Amang mo" pangkukulit ko

"Wala akong lakas Mang Jolo, Hindi na ako aswang at hindi pa ako gumagaling" panghihina niyang sinabi sa akin

"Kung Ganon, Kami nalang ang maghahanap sa asawa at anak mo kung natatakot ka at kung magawa man namin yun at magtagumpay kami. kalimutan mo na silang dalawa"

"Patawarin mo sana ako Santi. dapat na talagang putulin ang mga sungay ng Buong Sitio"

Tumalikod na ako sa kaniya para lumabas na nang pintuan.

"Mang Jolo, Nakalimutan niyo atang Byernes ngayon Malakas ang pandinig naming mga aswang at malakas ang pwersa namin"  Pahabol niyang sinabi sa akin na ikinagulat ko.

Kaya nilingon ko siya.

"Ikaaaaaaaw?" 

Gulat kong sinabi nang Makita ko ang babae kahapon na kausap nina Maireeh at Marj na naka upo sa kama na kani-kanina lang ay si Santi.


"Nilinlang mo ko? nagpanggap kang si Santi!!!!!!"

"Sinasabi ko na nga ba, Mang Jolo may pinaplano kang masama sa Sitio. Lagot ka kay Donya Sonja"



Biglang nandilim ang Paningin ko.............. 

ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon