Pagkatakam

1.8K 30 0
                                    

SANTI'S P.O.V


Mahigit tatlong buwan na rin magmula ng umalis kami ni Maireeh sa Sitio Diego. Maayos naman kaming dalawa na namumuhay sa Maynila, sapat naman ang kinikita ko bilang CA, 

8pm - 5am ang shift ko.

naiiwan kong mag isa sa apartment si Maireeh, marami naman kaming kapitbahay sa building kaya't hindi ako masyadong nag aalala sa kanya, at matapang naman si Maireeh.

pauwi na ako at papasok na sa pintuan namin,

tiyak natutulog pa itong mahal ko dahil alas sais palang nang umaga.

ang bango...

ang bango bango.....

nilalanghap ko ang napakabangong amoy mula sa aming silid ni Maireeh.

katulad ng amoy ng hinog na langka,


pumasok ako sa aming silid ni Maireeh habang siya ay mahimbing na mahimbing na natutulog pa ang laki na pala ng anak namin sa loob ng sinapupunan niya.

ngayon ko lamang napansin at nakita ito dahil palagi niyang suot ang itim na tela na ipinulupot niya sa kanyang tyan na ibinigay ni Ina at mayroon din siyang carmen palagi sa kanyang bulsa.

pero ngayon ay wala siyang pantakim sa kanyang tyan na ikinatatakam ko ngayon.

nandilim ang aking paningin at sumakit ang ulo ko.

ang amoy na iyon ay nang gagaling sa kanyang tyan. 

nag transparent na ang kanyang tyan,  nakikita ko ngayon ang aming anak sa loob ng kanyang tyan na mahimbing na mahimbing din ang pagkakatulog . 

naglalaway na ako at nagugutom...

parang mababaliw na ako sa aking naaamoy, 

matagal tagal na talaga noong huling makatikim ako ng batang sanggol sa sinapupunan at yun talaga ang aking pinaka paborito. 


gustong gusto ko nang tumalon sa harap ni Maireeh at punitin ang kanyang tyan,


nandidilim na ang aking paningin habang papalapit na papalapit na ako sa kanya.

mahimbing na mahimbing parin ang kanyang pagkakatulog.

parang mababaliw na ako at wala nang pakialam,

hindi ko na nakikita at naiisip pa ang aking asawa kundi isang pagkain,

papalapit na papalapit na ako sa kanya, yumuko na ako at nanlalaki ang mga mata habang naglalaway pa.

malapit na malapit na ako sa kanyang tyan at amoy na amoy ko ang bango ng sanggol.

humaba narin ang aking mga kuku para sirain ang kanyang tyan.


umangat na ang aking kamay at papalapit na papalapit na sa kanyang  tyan nang biglang sumipa ang bata sa kanyang sinapupunan at umiyak.


hinablot ko ang itim na kumot upang matakpan ang kanyang tyan sabay pagyuko ko.


Ano ba itong naiisip ko? ano ba tong naisip ko? muntikan ko nang mapatay ang aking asawa at anak. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon