Takot sa sariling asawa

1.9K 28 1
                                    

Nagising si Maireeh nang maramdaman niyang may nagkumot sa kanya, inimulat niya ang kanyang mata ng dahan dahan, kanyang naaninag ang kanyang asawang si Santi na kinumutan siya at pumunta agad sa banyo
nanginginig siya sa takot ng ipinulupot niya sa kanyang tyan ang itim na tela..

"Mahal Mahal"
 

kumatok siya sa pintuan ng banyo.

"Mahal mahal"

naginginig parin siya sa takot.

"Oh bakit?" biglang lumabas si Santi sa Banyo at dali dali siyang niyakap ng kanyang asawa.

"Mahal, kanina kasi parang may ibang taong pumasok dito, parang mabaho yung amoy niya kaya't nagkunwari akong natutulog" 

salaysay ni Maireeh

"Ha?" patanong niyang sinabi.

"Oo Mahal, inidilat ko ng konti yung isang mata ko tapos nakita ko....."

"Shhhhh" 

"Tahan na Mahal"
hinimas himas niya ang likod ng asawa.

"Tapos mahal naglalaway siya Mahal" 

"Namukha-an mo ba?" tanong ni Santi

"Hindi kasi napapikit ako ulit at hindi na dumilat dilat pa, tapos naramdaman ko nalang may nagkumot sa akin at ikaw na pala yon mahal"

mabilis at maiyak iyak niyang sinabi.

"Doublehen nalang natin tong padlock ng pintuan. lokong magnanakaw yun buti nalang at hindi ka sinaktan, nakita niya naman sigurong wala siyang nanakawin yun"

"Hindi ata magnanakaw yun Mahal, naglalaway siya ehh at nanlilisik na mapupula ang mga mata"
sagot ni Maireeh.

"Baka naka drugs, drug addict nga siguro yun" 

"Hindi mahal eh.. eto ohhhh.."

Itinuro ni Maireeh ang sahig na may basa.

"laway niya to mahal"


sabi ni Maireeh.

"Drug addict nga yun!"  sagot ni Santi.

"Huwag ka nang mag alala mahal, sisiguraduhin ko na ang padlock sa pintuan. hindi ako makakapayag na may mangyari sa inyong masama ng baby natin ha?"


niyakap niya ang kanyang asawa.

"Tahan na Mahal, kalma na. andito na ako. huwag ka nang matakot"

hinimas himas niya ang likod ng asawa.

"Aswang yun Mahal eh"

"Walang aswang! ikaw na nagsabi niyan diba? nasa Maynila tayo" patawang sinabi ni Santi

"Aswang yun mahal, aswang yun..... hindi ko na talaga ihihiwalay tong carmen at itim na tela"

"Mabuti pa nga Mahal" sagot ni Santi.

"Araaaaay" 

Medyo tumaas ang kanyang boses ,


"Bakit Mahal?" pag -aalalang tanong ni Santi

"Sumipa lang tong baby natin mahal" pangiting sagot ni Maireeh

"Talaga Mahal?"

"Oo hawakan mo" 

kinuha ni Maireeh ang kamay ni Santi at ipinahawak sa tyan subalit pwersahan niya itong hinila papalayo sa tyan ni Maireeh. 

"Bakit Mahal?" pagtatakang tanong ni Maireeh

"ANO KA BA?! Huwag mo nang uulitin yun ha?"

alsa boses ni Santi.

natahimik si Maireeh at nagtataka.

"Pasensya kana, Pagod lang siguro ako"


Sagot ni Santi Sabay talikod at pumasok ulit sa Banyo. 




ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon