Pagdududa ni Maireeh

1.7K 28 1
                                    

Maireeh's P.O.V

Iba ang kinikilos ni Santi nitong mga nakaraang araw. 
ayaw niyang ipahawak yung tyan ko sa kanya, ayaw niya ba sa baby namin? ayaw niya ba sa amin? ni hindi niya manlang ako masamahan sa OB gyne ko tuwing magpapa prenatal, kahit doon manlang marinig niya ang heartbeat ng baby namin, masarap na masarap yun pakinggan, nakakawala ng stress at problema.

lagpas alas dose na nang hating gabi pero gising parin ako sa kakaisip ko tungkol kay Santi ng biglang may tumunog.





Message tone yun ni Santi at nagmumula yun sa CR.
bumangon ako at tinignan, andon nga ang cellphone ni Santi, Naiwan niya pala.
may bagong message kaya't inopen ko na.



Nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa, Narinig ko na minsan ang pangalang "Bella" sa pagtatalo nila ni Ina, hindi ko lamang napakinggan kung tungkol sa ano yung kay bella dahil hinatak ako ni Samantha papasok sa kwarto, bawal daw makinig sa mga ganyang usapan.
at ano itong Nakalimutan niyang may naiwan siya sa Sitio? Mas lalong gumulo ang aking isipan, 

ano ba itong naiwan niya sa sitio? si bella ba ito? ano niya ba talaga si bella?  kaya't sinubukan kong magreply at magpanggap bilang si Santi .



ayoko nang magreply, nanghihina na talaga ako, ayokong malaman mula sa kanya kung ano man ang naiwan ni Santi, nagdududa talaga ako at malakas ang kutob kong hindi ito maganda.
Tatanongin ko ba si Santi tungkol sa bagay na ito? nakakatakot talaga kung ano man ang isasagot niya o hayayaan ko nalang? binura ko ang text message ni Bella at binilock list.


ALAS SINGKO

hindi parin ako nakakatulog, maya't maya ang pag gising ko. hindi talaga ako mapakali sa nabasa kong text messages mula kay Bella,
 maya-maya andito na si Santi at maaabutan niya akong gising pa.
mabuti pa bibili nalang ako ng breakfast sa isang fastfood na malapit lang dito sa amin para pagdating ni Santi Kakain nalang kami.

Lumabas na ako sa apartment , Madilim pa at mahamog sa oras na alas singko ng madaling araw. hindi ko nakakalimutang isuot sa bulsa ang carmen at magsuot ng itim na damit.

naglakad lakad na ako papalabas ng kanto, nakakabingi ang katahimikan sa kalsada.
malapit na ako sa labasan ng may nakikita akong may nakaupo sa ilalim ng poste,
may konting liwanag ang nagmumula sa poste ng ilaw.

papalapit na ako ng papalapit, nandoon parin ang naka upo na at nakatalikod ata siya., hindi naman bago yun sa lugar namin, maraming mga homeless na pagala gala.
habang papalapit ako don ko napagtanto nga tao nga talaga ang nandoon na naka upo.

napa atras ako ng konti ng makita kong maliban sa nakaupo ay may isa pang naka higa.
parang naka patong sa kanya ang nakaupo.
kinutuban na ako. lalo na at legs na babae ang nakikita ko, nirerape ata.

kumuha ako nga malaking bato at nilapitan na nga silang dalawa at nang matapat ako sa kanila, patuloy parin sila sa ganoong posisyon.
lumapit pa ako ng konti at doon ko nakita ang mukha ng dalagita at nagmamakaawa na tumingin sa akin habang umiiyak.

"TULUNGAN MO KO" 
Pabulong niyang sinabi, kita sa kanya na hirap na hirap na siya

nanlaki ang mga mata ko sa ginagawa sa kanya ng taong nakapatong sa kanya, duguan silang pareho.

"TULUNGAN MO KO"
inulit niya pa at medyo nilakasan ang boses.

Biglang lumingon ang taong nakapatong sa kanya,


"AAAAAAHAHHHHHHHHHHHHHHHHH"


ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon