MARJ'S P. O.V
Wala na akong ibang ginawa kundi umiyak sa mga sandaling ito,
patay na ang asawa ko at wala manlang akong nagawa. kalat na kalat na ang liquid eyeliner ko sa mukha,
pababa na ako ng taxi,"Manong, tara"
"Maam, ayoko talagang mag witness sa nangyari, ayoko, bahala na kayo dyan"
hindi ko na siya napigilan pa na umalis.
pasikat na ang araw habang papasok ako ng police station
"Bakit ka nandito?" tanong agad ni Papa ng makita akong naka upo sa helpdesk area
"Si Calvin po.... si Calvin" nanginginig na boses ko.
"Bakit? nasa bahay ah. nagtataka nga ako kanina na hindi ka kasama eh . paalis na ko kaninang 4am nung dumating siyang mag isa, di na ako nakapagtanong dahil nagmamadali ako" paliwanag niya sa akin.
"Calvin" tanging nasabi ko.
"Ano ba nangyayari sayo Marj?" pagtatakang tanong ni Papa.
iniuwi ako ni Papa sa bahay.
doon nadatnan ko si Calvin sa terrace , nakaupo, malayo ang tingin at tulala.
"heto si Calvin . buhay na buhay, kung makaiyak ka dyan eh parang nawalan ka na nang asawa"
"babalik na ako sa police station Marj ha" sabay talikod ni Papa...
"Maam, ang weird ni Sir ngayon" siko saakin ni Bea.
"Hindi sya nagsasalita, hindi siya kumikisap, hindi siya nakakaramdam" dugtong niya.
"Anong hindi nakakaramdam?" tanong ko.
"kanina pa kasi siya kinakausap ni Madam, ang daming tanong ni Madam pero hindi siya sumasagot, ayun nagalit si Madam, binatukan siya, pero wala manlang siyang reaksyon.... ni hindi niya manlang nilingon o tinignan si Madam"
lumakas na ang kabog ng dibdib ko.
"teka lang maam haaa... naririnig kong tumatawag si Madam" paalam ni Bea.
"Hon!!!" tawag ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin.
"Hon" kinalabit ko siya na may halong takot pero hindi niya ako nilingon. naka distansya ako sa kanya. ang nakita ko kagabi. patay na siya... patay na siya...
humakbang ako palapit sa kanya.
"Hoy Hon!!!!!!" tawag ko.
"Ano na plano mo? flight na natin mamayang ala una ng hapon, naka upo ka lang dyan?" tanong ko na parang wala akong nakita kagabi.
hindi niya ako iniimik.
imposible, talagang nakita ko ang nangyari kagabi. patay na siya...pero andito si Calvin. buhay na buhay na naka upo sa harapan ko. pero hindi makapagsalita at tulala.
"Hon?" tawag ko ulit.
"Narinig ko kayo kagabi, siguro may nararamdaman ka pa doon sa babaeng yun no? niligiwan mo din pala sya" sabi ko.
"OO MAY NARARAMDAMAN PA AKO SA KANYA"
Nagulat ako nung bigla siyang magsalita...
"Anong sinabi mo?"
hindi niya ulit ako inimik.
"may nararamdaman pala ha..... ano to Calvin? arte lang pala yang pa tulala tulala mo dyan ha....
arte lang siguro yung kagabi.... " inis na sinabi ko.lumapit na ako sa harapan niya at pinagmasdan...
natigilan ako,
buhay na buhay nga siya dahil humihinga siya....
pero tulala siya at malayo ang tingin..
tinititigan ko siya at sinuri ang buong katawan niya,
wala siyang kahit anong galos o sugat..."Arte lang ba yun kagabi ha??? " tanong ko.
"tinatanong kita. bakit hindi ka sumagot" inis na sinabi ko sabay hawak sa dalawang balikat niya at inalog ang katawan niya na pinipilit siyang magsalita.
napa atras ako at agad binitawan ang ang balikat niya ng makita kong wala akong repliksyon sa mga mata niya.
natigilan ako...
lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ko.hindi parin maalis ang paningin niya sa malayo.
"MAAAM MARJ, TELEPONO POOOOOO" tawag sa akin ni Bea.
"hindi pa tayo tapos ha!!! "
iniwan ko siyang mag isa sa terrace.
tumawag si Mommy na naka base sa Maldives, tinatanong kong matutuloy pa kami...12AM
naalingpungatan ako at nagising .
nasa room ako ni Calvin ,
hindi kami natuloy ni Calvin sa aming honeymoon,
hindi ko alam, hindi ko matandaan, anong araw na ba?
gabi pa nga siguro.parang masikip na malamig.
bumaling ang ulo ko sa kaliwang bahagi.
"AHHHHHHHHHHHHHH"
napasigaw ako ng malakas.....
BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...