Gerard's P.O.V
11PM:
"Pa, ano ba to? bakit kailangan andito talaga kami ni Marj?" pagtatakang tanong ni Calvin
"Mag iimpake pa kami para sa honeymoon sa Maldives"
"Manood lang kayo ha, baka sabihin niyong daya lang ito. nagsetup na rin ako ng panibagong camera para e-record ang bawat galaw ko." paliwanag ko.
"Sir, ano ba yun at pati rin ako ay nandito? maglalaro na sana kami ng GF ko ehhh, tumawag ka. nabitin tuloy yun" patawang sinabi ni Chui.
"Chui, On mo na ang camera natin"
matapos mag on sa recording ay kinuha ko na ang cap ko kanina na may GOPro na nakakabit.
doon ay kinuha ko ang USB cord at isinaksak sa PC.
hinanap ang video kanina sa pag subok kay santi.
<PLAY>
pinanood na namin.
Unang eksena ay ang pag akyat ko sa apartment, ipinakita ko ang hawak kong langis na kumukulo habang papaakyat ako ng apartment.
"Wait pa. Yan ba yung kapag may aswang mag ooverflow?" tanong ni Marj.
"OO Marj"
Pinindot ko muna ang Spacebar para i-pause
"Oo natatandaan ko kasi yan, yung sinabi ng lola ni Jill"
"Kapag daw may aswang kukulo daw yung langis. tapos magwawala daw yung aswang at makikipagbuno sa kung sino man ang may hawak ng langis kasi sinusubukan daw sila" paliwanag ni marj
PLAY
nang tumapat na ako sa pinto ay nag overflowed na ito hanggang tumakbo ako papuntang garbage bin at nagtago. sumunod doon ang paglabas ni Santi na nagkakamot ng kanyang katawan, Napalingon na lamang siya sa Garbage bin na pinagtataguan ko at naglakad papunta sa akin na nanlilisik ang mga mata.
"Oh my God!!!" tanging nasabi ni Marj.
Kitang kita ang mukha ni Santi habang papalabas ng pintuan ng apartment at sinugod ako.
"Bakit mo Ginawa sakin to?!!!!!!" sabi ni Santi.
hinawakan niya ang kwelyo ng polo ko at natulalang napatayo.
"Nasaan na si santi nito pa? bakit hindi na siya makita sa Video?" pagtatakang tanong Calvin.
Pinindot ko muna ang spacebar para mag pause."ang sumunod na pangyayaring ito ay nasa side ko na siya at pilit inilalapit ang labi niya sa tenga ko"
"Ewww Bakit?" mahabang tanong ni Marj
"Para mahawa ako sa pagka aswang niya" sagot ko
"Ano ba yan pa?" patawang sinabi ni Calvin
"Hindi mo pa nakita? nag ooverflowed ang langis, dahil aswang si Santi." sagot ko.
napatunganga lang si Chui na parang hindi makapaniwala.
Press ko ulit ang spacebar para mag continue."ANo ka ba? bakit ka ganyan?" sigaw ko
"nakikita na naman si santi sa video na galit na galit at nanlilisik ang mga mata pero maya' maya'y gugulo at umiba na naman ang angulo ng camera, kasi sinasakal niya na ako at pinipilit na dilaan ang tenga ko" paliwanag ko.
"ANO KA BA! BITAWAN MO AKO" sigaw kong nagpupumiglas sa VIDEO
"WALANG HIYA KA! SINABI KO NANG HUWAG NA HUWAG MO AKONG SUSUBUKAN EEEHHH" Habang sinasakal niya ako sa video.
"SANTI"
Boses yun ni Maireeh.
click ko na naman ulit ang spacebar para i pause ang video.
"Halaa papa!" pagtatakang sinabi ni Calvian sa akin.
"Omg! totoo ang tsismis?"
"bakit? nagalit lang naman siya..... bakit hindi naman nakitang umibang anyo siya ahhh" pagtatangol parin ni Calvin kay Santi
"Basta ako sir, naniniwala ako sayo" sabi ni Chui.
"Puntahan na natin si Mrs. Diego para balaan" yaya ni Chui.
"Teka!! sasama kami"
APARTMENT
pag akyat pa lang namin ng hagdanan ay nakita na namin si Maireeh na nasa labas ng pintuan, hating gabi na pero nasa labas parin siyag apartment
"Mai!" tinakpan ko ang bibig ni Marj ng sumigaw siya kay Maireeh
"Shhh"
Hinila ko silang tatlo para magtago at pagmasdan lang si Maireeh at ang aso.
"Di ko alam , may alagang aso pala sila" sabi ni Marj
"Napaka laki talaga no"
"Hindi aso yan. nag tigbaliw yan" sabi ko
"Tigbaliw?" pagtatakang tanong nila
Tumayo ka at tumuwad.
"ha???!" pagtatakang tanong ni Marj
"Tapos tignan mo sila ng nakatuwad, "

BINABASA MO ANG
ASWANG
TerrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...