GERARD'S P. O. V
nakipag inuman sa amin si Santi.
tama daw ang anak ko, minsan lamang daw sila magkita, at espesyal pa na araw ito ng anak ko.
kanina ko pa siya pinagmamasdan pero naka yuko lamang siya at panay tingin niya sa pintuan na parang hindi mapakali.
wala din siyang imik habang nag kwekwentuhan at nagtatawanan kaming tatlo.nang biglang pumasok si Maireeh at nagtatakang nagtanong sa asawa.
"Akala ko ba aalis na tayo??"
"espesyal na araw ito ng aking matalik na kaibigan diba? dapat lang na nandito ako" sagot ni Santi
"pero hindi ka pinayagang mag leave Mahal, medyo malayo pa apartment natin dito, kung maabutan tayo ng rushed hour mamaya baka hindi ka makakaabot sa duty mo. tsaka umiinom kapa " mahabang salita niya.
"Mrs. Diego, Maupo ka nga muna, masyado kang nagmamadali eh. beer lang naman iniinom nyan" sabi ko.
"Bea, tanungin mo na kay Mrs Diego kung ano ang gusto niyang kainin" utos ko sa kasambahay namin.
sekreto ko silang tinititigan, sinisiko siya ng asawa at nagagalit na din ito.
talagang hindi ka makakalabas hanggat may walis ting2 dyan sa pintuan ko.
"May problema ba? " tanong ko sa kanila.
"Bigla ho kasi akong nahilo" sagot sa akin ni Mrs. Diego.
"Hanggang 3 days pa naman sina Calvin dito bago pumunta sa Maldives, pwede pa naman kayong bumalik eh" sabi ko.
"Oo nga Par, si Mai na kasi yung nahihilo baka makakasama sa future inaanak ko" sabi ng anak ko.
"Okay lang siya!! " matipid niyang sagot.
"Mahal, nahihilo na talaga ako promise, masakit nadin paa ko at likod" reklamo ng asawa.
"Sige na Par, kami nalang ni Marj ang pupunta sa inyo sa susunod na araw para di mapagod si Mai. kawawa naman eh"
"Oo nga naman Mahal, okay na naman pala kay Calvin eh" pangungulit niya.
"DITO LANG TAYO" matipid niyang sagot
lahat ay nagulat sa biglang pag alsa boses ni Santi.
natahimik ang paligid....
natulala kami ng matagal na nakatitig kay Santi lahat habang siya ay naka yuko lamang.binasag ng ring nang phone ko ang katahimikan at sinagot ko ito.
"Dad!!!! malapit na ako sa bahay ha. sekreto lang natin kay Kuya Calvin at Mom ha! seee youuuu" agad naputol ang linya.
parating na pala ang anak kong buntis.
dapat ay maka alis na sila bago pa makarating ang anak ko."Gina!!!" tawag ko sa isa pang kasambahay.
"Ginaaaaa!!!!!"
"Pa, si bea andito naman, bakit si Gina " pagtatakang tanong ng anak ko.
"Ginaaaa. iniwan ang walis ting2 sa pintuab oh. nakakahiya sa bisita" tawag ko at lumapit narin siya sa wakas.
"Bakit may walis ting2 dyan sa pintuan? ang pangit tignan" sabi ko
"Sa susunod ha, kung maglilinis ka, siguraduhin mo ring maitatago ang mga kagamitang panlinis mo."
"Nakakahiya sa ating mga bisita"
Agad namang sinunod ni Gina ang iniuutos ko.
Sa sandaling tinanggal ni Gina ang walis ting2 ay saktong tumayo din si Santi at umalis palabas ng pintuan na naiwan si Maireeh sa amin.
"HOY! Saan punta!!!" tanong ni Calvin
"Ang yabang talaga ng Santi na yan, sabi ko na sayo sir eh, kung pinayagan niyo lang ako doon palang sa apartment eh! " reklamo ni Chui.
"Mahal" tawag ni Maireeh pero di na siya nilingon ng asawa.
"Pagpasensyahan niyo nalang ho, ganyan talaga kung nag aaway kami. palagi siyang nag wawalk out! " sabi ni Maireeh .
"Sundan mo na siya" sabi ko.
umalis naman agad si Maireeh para habulin ang asawa.
"Sabi ko na sayo Chui eh" siko ko kay Chui.
"Yung ano Sir?"
![](https://img.wattpad.com/cover/177096654-288-k158323.jpg)
BINABASA MO ANG
ASWANG
TerrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...