Nasaan si Santi?

1.5K 26 0
                                    

A/N : Sorry for long long update. :) 



MAIREEH'S P.O.V

Pa ikot ikot ako sa kama. hating gabi na,
hindi pa bumabalik si Santi, Bakit siya nagalit saakin? nakita ko talagang sinasakal niya kanina si Senior Inspector Hoo, Pero sabi nilang dalawa ay may kinukuha lang silang insekto sa tenga ni Senior Inspector Hoo. 
Hindi na siya bumalik ng apartment, Baka dumiritso na yun sa trabaho, pero naka pangtulog lang siya kanina. 

naramdaman kong may nag vibrate sa ilalim ng unan.
naiwan niya pala ang cellphone niya.


nagtext si Beige. Kasamahan niya to sa trabaho. hindi ko pa siya nakikita sa personal pero na kwe-kwento niya sa akin ng madalas si Beige.



 hindi ko pa siya nakikita sa personal pero na kwe-kwento niya sa akin ng madalas si Beige

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Hindi nga siya pumasok. nasaan kaya si Santi?  paano ko siya ma cocontact? naiwan niya ang cellphone niya.
paano ko mahahanap ang asawa ko? kay tagal naman ata? naninibago na ako sa kanya magmula nang lumaki ang tyan ko.
umiiba na ang ugali niya, nagdududa na ako.


Teka? BELLA? diba na block ko na to? bakit nagtetext ulit sila? 


aksidenteng nakita ko sa Inbox niya.




Ano to? Niloloko niya ba ako? asawa niya ba talaga si Bella? hindi pwede yun, nag cenomar naman kami at talagang single siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Ano to? 
Niloloko niya ba ako? asawa niya ba talaga si Bella? hindi pwede yun, nag cenomar naman kami at talagang single siya. kung na proseso man ang kasal nila, eh di sana nakita yun sa Cenomar niya, wala ehh.. IMPOSIBLE ang pinagsasabi niya. nababaliw na tong si Bella kay Santi. ayaw niyang tigilan kahit may asawa na, ngayon sasabihing na proseso ang kasal nila.


Kumakabog na ang dibdib ko, hindi ko maipaliwanag bakit parang pakiramdam ko totoo nabasa kong text mula kay Bella.
hindi ko tuloy napigilang E-text siya. 




 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Ang kapal namang tawagin niya akong Kabit. ako pa ba ang kabit? legal na legal ang papeles na pinanghahawakan ko. paanong makakalusot ang fake sa panahon ngayon?
baka sa probinsya nila makakalusot pa.

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa nabasa ko. ang bilis bilis niyang magreply, akala ko nga tulog na siya dahil ala una na nang umaga.

NASAAN KAYA SI SANTI kung hindi siya pumasok sa trabaho? 

aabangan ko nalang siya sa terrace ng apartment, baka pauwi na yun.



Lumabas ako ng apartment at nagdala ng upuan, laking gulat kong may asong itim na nakahiga sa labas ng pintuan namin.
asong malaking malaki.
Hindi ko alam kung anong breed ito, napaka kapal ng balahibo niya at napakalaki niya talaga. mas malaki pa saakin. 
pinagmasdan ko lang siya ng tahimik ng biglang nagising siya.

napa atras ako ng tumayo siya at umupo sa harap ko na para bang tinitigan niya ako at dagdag pa yung nangungusap niyang mata..
hindi parin ako makapagsalita at makakilos sa harapan ng malaking asong ito. hanggang beywang ko ang taas niya nang makaupo siya. 


Pero ang cute cute niya. 

"Sino ka? kaninong aso ka?"  tanong ko.

pero umungol lang siya ng mahina.

hinimas himas ko siya sa ulo at nagustuhan niya naman ng biglang may napasigaw.


"MAIREEEEEEH! LUMAYO KA SA DEMONYONG YAN" 








ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon