Mang Jolo's P.O.V
Nagising ako sa isang mabaho at madilim na lugar, nakatali ang mga kamay.
nung iniangat ko ang aking ulo ay nakita ko si Maireeh sa kanan ko,
Namimilipit na sa sakit ng tyan.
"Mabuti at buhay ka pa"
"Mang Jolo, ang sakit na talaga ng tyan ko." sagot niya sa akin
"Magtiwala nalang muna tayo sa ngayon Maireeh, parating na ang tulong" sagot ko sa kanya.
"Ang sakit sakit na talaga, parang mawawawalan na ako ng malay, di ko na kaya" naghihina niyang sagot
"Nawalan na ako ng malay kanina, natatandaan ko nalamang ay may kasama akong babae" dugtong niya
"Bakit ka kasi sumama sa kanya?" tanong ko
"Sabi niya kasi dadalhin niya ako kay Santi" sagot niya...
"ABAAAAH!!!! Nandito na rin pala si Mang Jolo sa loob" biglang may nagsalita sa labas
Nakakulong kami sa isang maliit na selda. Mabaho at madumi.
hindi makagalaw dahil sa mga tali ko sa kamay at paa.
Binuksan niya ang selda at pinapasok ang isa pang babae at dumiritso siya kaagad kay maireeh..
Kumadruna ang babae.
"kamusta Manang?" tanong ni Bella sa labas
"Mamayang gabi pa ito Bella. Matagal tagal pa ang paghihirap nito" sagot ng babae
"Ikaw pala si Bella? , Nasaan ang asawa ko?" Biglang Imik ng nanghihinang Maireeeh
"sige... Balikan nalang mamaya yan"sagot niya sa kumadruna at isinara ulit ang selda.
"Teka! at may gana ka pa talagang Magsalita sa iyong kalagayan ha?" pagtatakang tanong ni Bella kay Maireeh
"Sagutin mo nalang ako, Nasaan ang asawa kong si Santi?" Ulit niyang tanong kay Bella
"Baka ang ibig mong sabihin ay ang Asawa ko?" sagot ni Bella
"Mga hayup kayoooo" sigaw ko
"Mang Jolo?" biglang may nagsalita at hindi ako nagkakamali boses yun ni Santi, hindi kalayuan sa amin
"Mang Jolo, alam ko.una palang na traidor kayo, ayaw kasing maniwala ni Donya Sonja ehhh... Nag aalaga nga siya ng ahas. Ano ba ang ahas? Diba hayop? " patawa niyang sinabi.
"Nasaan ka Santi?" hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Bella
"mauubos din kayo mamaya" sagot ko
"takot na takoooot ako Mang Jolo" patawa niyang sinabi
"kahit anong sigaw niyong dalawa dyan, walang tutulong sa inyo" dugtong niya
"Si Santi? Nasa kabilang Selda lang" Palakad lakad siya sa labas ng selda.
"Pagkatapos niyang iluwal ang sanggol mamaya, dadalhin agad ito kina Punong Azazel at Lilith. At kayong dalawa naman aaayyyy ipapakain ng buhay sa buong sitio, ang saya mamaya,parang mag fifiesta. "
"Salamat nga pala sa pa fiesta niyo ha!"
"At masasaksihan yun mamaya lahat ni Santi. Bilang parusa sa kanya" patawang sinabi niya
"Kawawa naman si Santi, ang tigas tigas kasi ng ulo"
"ako nalang!!! Huwag niyo nang idamay pa ang mag ina"sigaw ko
"talagang ikaw ang mauuna" patawang sinabi ni Bella
"Pakialamero ka kasi"
"Huwag niyo nalang silang idamay dito BELLA!!" sigaw ni Santi sa kabilang selda
"Hoooyyy! bakit walang takip sa bibig yan!!!" tanong ni Bella
"kahit may kasalanan pa siya, apo parin siya ng mga maharlikang aswang" lumapit sa kanya ang isang nagbabantay
"TANGA ka ba? Inutil! sundin mo ang utos ni Punong Azazel"
"turukan ulit yan nga pampatulog ha! mamayang gabi pa raw ito manganganak" utos ni Bella
Hindi siya sumagot, nakatayo pa rin siya sa harap ni Bella
"ANo pa ang hinihintay mo? gusto mo bang makarating kay punong Azazel? gusto mo bang sumama sa kanila?"
sabay silang tumalikod at umalis sa harap ng selda namin.
"Maireeehhh!!! Gising" sinipa ko ang kanyang paa ng makita kong natutulog siya
"Tibayan mo ang loob mo, Parating na ang tulong"
"Kampante na ako, nasa kabilang Selda lang si Santi" Nanghihina niyang sagot
"Ayoko nang magtiwala pa Maireeh, Baka patibong na naman yan ng mga demonyong mga iyan"
"Hindi Mang Jolo, nararamdaman ko si Santi na nasa malapit lang"
"Tibayan mo lang ang iyong Loob Maireeh, Makakalabas pa tayo rito ng buhay kasama ang anak mo" pinatibay ko ang loob niya
"Huwag ka lang matutulog"
Wala akong ibang magagawa ngayon kundi magtiwala kay Sir Gerard at sa mga kasamahan niya. Sana nga ay magtagumpay ang aming plano at mailigtas kahit itong sanggol na lang.
Ayoko nang magtiwala sa sinasabi ni Bella na nasa kabilang Selda lamang si Santi, Minsan na akong nalinlang ng mga demonyong ito . at ano pa ba ang magagawa niya?
A/N SORRY FOR THE LONG LONG UPDATE GUISE! DAMING NANGYARI SAKIN :) and thank you guise for reading and support :) Take care :)\/
i'll update soon ()
BINABASA MO ANG
ASWANG
TerrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...
