"Si Mang Jolo yang Kausap ni Sir" Bulong niya kay Marj
"Kilala mo siya?" tanong niya
Kasalukuyan silang nagtatago sa likod ng puno malapit kay Gerard at Mang Jolo.
"Hindi naman masyado basta siya yung pinagkakatiwalaan ni Ina" Sagot ni Maireeh
"Paano ba yan, Andito pala si Papa, Paano tayo makakapasok dyan sa Brgy Gorgo ng hindi tayo nagkikita-kita?"
"Sabi mo isang daanan lang yan eh" tanong ni Marj.
"anong pinagbubulungan niyo dyan?"
sabay silang napalingon ng may nagsalita sa kanilang likuran
Isang Babae
Maganda
Maputi
Kulot
mahaba ang buhok"Pupunta sana kami sa Sitio Diego" sagot ni Maireeh
"Tamang -Tama. Doon din ang punta ko. sabay na kayo?"
Masayang sagot niya sa dalawaMasayang Masaya ang Babae habang nakatitig sa kanilang dalawa lalo na kay Maireeh
"Pwede din." Sagot ni Marj na natulala din sa kanya
"Ang Laki Laki ng Tyan mo" biglang nasabi niya.
Aktong Hahawakan niya ang tyan ni Maireeh ng biglang nagsalita si Mang Jolo.
"Lumayo ka sa kanilang dalawa,"Tinitigan lang siya ng babae sabay alis
."Kilala niyo ba yun? ang ganda naman. para siyang artista"
manghang sinabi ni Marj"Oo nga. ang ganda niya"
paghanga rin ni MaireehMANG JOLO'S HOUSE
"Marj, Maireeh! anong ginagawa niyo rito?" Pagtatakang Tanong ni Gerard
"Bakit niyo ako sinundan?" Sunod niyang tanong
"Hindi ka namin sinundan Papa, Naawa din ako dito kay Maireeh, Hinahanap niya nga si Santi kaya Sinamahan ko siya" Sagot ni Marj
"Ano ka bang bata ka, bakit ka napunta dito? at pinayagan ka nung bus na sumakay? malapit ka nang manganak" suway ng Lola ni Mang Jolo
"Gusto kong hanapin si Santi Pati na rin ang Babae niya" sagot ni Maireeh
"Umuwi kana, Umuwi na kayo ng Maynila. kalimutan mo na yang Santi na yan" sagot ng Lola ni Mang Jolo
"Ako nalang ang pupunta doon bukas sa Sitio Diego, kung makikita ko doon si Santi, Sasabihan ko nalang siya. pwede ba yun Maireeh?" Tanong ni Mang Jolo
"Sasamahan na kita Jolo" Alok ni Gerard
"Eh di sasama na rin kami" sagot ni Marj
"Hindi ka maaaring Sumama doon Sir Hoo. at lalong hindi kayong dalawa" sagot ni Mang Jolo
"Malayo yun, mapapagod lang kayo, Maraming ligaw na hayop doon mapanganib. maraming insekto doon, mangagati lang kayo. maputik pa, Madudumihan lang kayo, Diba MAireeh?" Paliwanag ni Mang Jolo
"Bakit Hindi mo sabihing Barangay ng Mga aswang ang Sitio Diego?" Sabi ng Lola ni Mang Jolo
Nagulat ang dalawang babae at napanganga sa narinig nila..
"Lola, Tinatakot mo naman ang dalawang Babae" sagot ni Mang Jolo
"Dapat nga silang Matakot doon" sagot ng lola ni Mang Jolo
"Akala mo ba nakalimutan ko na ang nangyari sa kapatid kong si Jane na pinatay nilang lahat?"
"Kaya nga ako nandoon lola at pinag aaralan ang galaw nila para ipaghiganti yun" sagot ni Mang Jolo
"Kailan pa Jolo? Tumanda ka nang pabalik balik doon."
"LOla, hindi madali yun. isang barangay yun. hndi pa ako makakalapit don kapag gabi na. tuwing umaga lang at gising naman silang lahat. anong magagawa ko doon? at may mga napapatay naman ako sa kanila ah"
sagot ni Jolo"Ang Lolo at Lola ni Santi na si Azazel at Lilith Diego ang dapat mawala pero malabong mangyari yun" sagot ng lola ni Mang Jolo
"Kaya nga, Nawalan na ako ng pag asa na makakakuha pa ako ng hustisya sa pagkamatay ng aking kakambal na si Jane"
"Lola, Magtiwala ka lang. magkakaroon din ako nang pagkakataon sa kanila"
"Tutulungan kita Jolo, gusto ko ring ipaghiganti ang pagkamatay ng aking anak" sagot ni Gerard
"Marami sila, Maraming Marami. ang iba nakakasalimuha namin dito sa bayan nang hindi nahahalata. paano natin kakayanin yun?"
"Gagawa ako nang paraan Jolo. pag pla-planuhan ko yan. hindi naman ako aabot sa propesyon ko kung hindi ako marunong mag plano"
"Sa ngayon, Umuwi na muna kayo. bumalik ka nalang Sir kapag handa na" Sabi ni Jolo
Biglang bumuhos ang Malakas na Ulan kasabay ang kulog at kidlat
"Biglang Dumilim ang paligid, Paano ba yan?"
Naghintay sila buong maghapon sa pagtila nang ulan.
"Isang bagyo ang inaasahang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa loob ng 24 oras ayon sa state weather bureau PAGASA.Sa panayam ng DZWDD kay PAGASA weather forecaster Jake San Jose, sinabi nito na nasa labas pa ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) na posibleng maging bagyo.Sa taya ng PAGASA, alas sais ngayong hapon, nasa layong 1,620 kilometro silangan ng Luzon ang LPA.Ani San Jose, malaki ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang binabantayang LPA. Kung sakali, ito ang pang limang bagyong papasok sa bansa at papangalanang Elna.Samantala, isa pang low pressure area sa layong 435 kilometro kanluran ng Iba, Zambales ang binabantayan ng PAGASA"
."ay May low pressure pala "
Nakikinig na lang sila sa radyong de baterya dahil nawalan na nang kuryente sa lugar nila.
Inilipat ni Mang Jolo sa lokal na istasyon ng kanilang lugar
"Matinding pagbaha ang naranasan sa Bayan dala ng malakas na ulan buong mag hapon dahil sa LPA,Aabot hanggang beywang ang Baha at nahihirapan na ang ilan sa ating motorista na maka daan. Samantala sa Bus Terminal, STRANDED na rin ang ilang byahero,dahil wala nang bus ang bumabyahe papuntang Maynila at kalapit na bayan.............."
(biglang naputol ang linya)
"Paano ba yan Papa, Stranded tayo"
"Nagpasundo na rin ako kina Chui, Baka Maya Maya ay narito na sila"
"Imposible na yun Sir, Baha na po sa bayan" sabi ni Mang Jolo
"Wala tayong magagawa kundi magpalipas ng Gabi dito" sagot ni Gerard
"mas mabuti nang dito kayo magpalipas nang gabi dahil punong puno kami ng proteksyon laban sa mga lintek na aswang na yan" sabi ng lola ni Mang Jolo
"lola, malayo naman yung Sitio Diego" patawang sinabi ni Marj
"yun ang akala niyo"
BINABASA MO ANG
ASWANG
HorrorSi Maireeh , Umibig, Kontento at Masaya. nangagarap ng masayang pamilya simula nang mag bunga ang kanilang pagmamahalan ni Santi. walang ibang hiling kundi mapa buti ang kanyang magiging pamilya. walang ibang ginusto kundi ma iharap siya ni santi sa...