Unang gabi sa Sitio Diego

2.2K 27 2
                                        


MAIREEH'S P.O.V


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



hindi pa ako makatulog, wala pa sa tabi ko si Santi.

nag usap pa sila ng kanyang ina.

hindi ko magawang maipikit ang aking mga mata.

namamahay nga ata siguro ako.


tik-tik-tik-ki-tik-tik-tik-ik-tiki-tik-tik


bigla akong bumangon sa narinig ko. mukhang tunog ng ibon na nagmumula sa bintana.


tik-tik-tik-ki-tik-tik-tik-ik-tiki-tik-tik


isinuot ko ang aking tsinilas at papalapit na sa bintana para buksan ito.

papalapit na papalapit na ako sa bintana,

papalapit na papalapit na ang aking kamay

hawak na ang bintana at i-sli-slide ko na siya..



"Huwag na huwag mong bubuksan ang bintana"

nagulat ako noong may nagsalita.

"Ina?" gulat kong sinabi


"huwag na huwag mong bubuksan ang bintana kahit ano man ang mangyari kapag gabi na"

"a... ee may tumutunog kasi" sagot ko


"Huwag na huwag mong papansinin kung ano man ang tumutunog na yan"

"mahamog, baka magkasakit ka pa"

"yung tumutunog po?" pangungulit kong tanong.


bigla na lang nawala ang tumutunog


"huwag mo nang pansinin yun, ganito talaga sa probinsya maraming mga kakaibang hayop na wala sa maynila"

lalabas na sana siya ng bigla niyang inihagis ang isang itim na damit sa akin.

"Yan ang suotin mo"

"eh ina? okay na ako sa suot kong pula"

"sinasabi ko na nga sa iyo, maraming kakaibang hayop dito. suotin mo ang itim para hindi nila makita ang tyan mo"

agad siyang umalis.

nagtataka ako.

magulo...

bakit?

"Oh? " biglang pumasok si Santi sa aming silid

"ipinasusuot ito ni Ina sa akin. para daw hindi makita yung tyan ko?" pagtatakang tanong ko.

"natatabunan naman nitong pula yung tyan ko ah at kahit ano mang damit"

"sundin mo nalang si Ina, alam mo naman ang nakakatanda. maraming pamahiin"

"Sige Mahal magpapalit lang ako ng damit ha"


sinunod ko na lamang ang iniutos ng ina niya kahit sobrang init ng kulay itim na damit.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon