Bagong Kaibigan?

1.3K 24 8
                                    

Maireeh's P. O. V

5am Mang Jolo's House

Naalimpungatan ako, ang init.
Katabi ko si Marj na mahimbing na natutulog kahit ang init init na.

Sumilip ako sa maliit na butas ng dingding.
Maliwanag na.
Wala na bang ulan?
Tumayo ako at lumabas nang silid.
Doon natutulog si Mang Jolo sa salas na may naka sipit na bolo sa kaniyang beywang.
Lumabas ako nang bahay.

Masarap ang simoy nang hangin, kaya nag lakad lakad nalang ako.
Mabuti din to sa baby ko, ang sariwang hangin ng probinsya...
Mga puno, mga bulaklak at dahon ang tangi kong nakikita sa mga hardin ng mga kabahayan.

Hindi paman ako nakakalayo ay may natatanaw akong may umuusok,
Naamoy ko ang masarap na tapa.

Mukhang masarap ang niluluto niya.

Lumapit na ako doon.

May isang matandang babae sa loob ng tindahan.

"magandang araw magandang buntis, kakain ka?" tanong niya saakin

"oho lola, nagugutom ako eh, ano ba ang tinda niyo?" tanong ko sa kanya.

"ayan sa kaliwa mo may menu dyan. Mag order ka lang at lulutuin ko"

"isang mainit na tsokolate tska tapsilog ho" sabi ko.

"sige, maupo ka muna dyan at ipaghahanda ko ha."

Umupo naman ako sa bakanteng upuan.
Ako lang naman ang customer niya.
Maya maya ay lumabas na siya dala ang isang tray na naglalaman ng order ko.

Isa isa niya nang inilapag ang mga ito sa mesa.

"nako hija, iba na mukha mo. Manganganak ka na ata ngayong araw o sa susunod na araw" sabi niya saakin

"anytime na ho naman talaga ako sabi ng OB ko" sabi ko

"wag ka nang gumala gala kahit saan. Naku! Aalanganin ka niyan eh" sabi niya  sabay talikod sa akin dahil nakarinig siya nang may tumatawag sa kanya sa loob ng bahay.

Kumain naman ako ng tahimik.
Mabilis kong naubos ang almusal ko.
Nagbayad na rin ako sa matanda at babalik na ako sa bahay ni Mang Jolo baka hinahanap na ako ni Marj at Sir Gerard.

Tumayo ako sa kinauupuan ko nang biglang bumulagtang saakin ang pamilyar na mukha nang babae..

"oyy ikaw yung?"  gulat kong tanong

"oo yung kahapon yun" sagot niya sa akin.

"taga dito ka ba?" tanong ko

"hindi, pupunta sana ako sa talon dyan oh. Mamamasyal lang" sagot niya saakin

"maganda don" dugtong niya.

"ang aga mo naman" sabi ko

"nako ginagawa ko ito tuwing umaga," sagot niya sa akin

"diba sabi mo kahapon, papunta ka sa Sitio Diego?" tanong ko

"oo taga doon ako" masayang sagot nia sa akin

" talaga? Eh di kilala mo si Santi?" masayang tanong ko

" Oo si Uncle Santi?" sagot niya

"Uncle mo siya?" tanong ko

"Hindi, pag galang yun. Mas matanda siya saakin" sabi niya

"ha? Mukhang magkakaedad lang tayo eh" pagtatakang sagot ko.

"pwede mo ba akong dalhin sa kanya?" dugtong ko pa

"oo naman. Sasamahan kita" masayang sagot niya.

"hindi ko alam kung nasaan na kasi siya" malungkot kong tanong

"nandoon siya sa bahay nila" sabi niya saakin

"tara na!!!!!" masayang sinabi niya na para bang mas excited pa siya sa akin

"akala ko ba mamamasyal ka pa?" tanong ko

"hindi na sasamahan nalang kita" sabi niya sabay hatak sa akin

Sumigla ang pakiramdam ko.
Nandoon din kaya si Bella?
Natigilan ako at nakaramdam ng kaba habang hawak hawak niya ang braso ko.

Nagpumiglas ako bigla at tumigil sa paglalakad.

" wag na lang kaya" alinlangan kong sinabi

"BAKIT?"

Umiba ang tono nang kanyang pananalita. Ibang iba sa malambing na tono niya kanina.

"hahanapin kasi ako nang kasama ko" sagot ko

"bahala ka, mauunahan ka ni Bella" sabi niya sabay ang mahabang hakbang papalayo sa akin.

Hinabol ko siya nang marinig ko ang pangalan ni Bella.

"teka lang"

Hingal kong sinabi.

Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin

"sasama ka na?" malambing niyang tanong.

Tumango lang ako
Agad niya akong nilapitan at hinawakan ng mahigpit ang braso ko sabay kaladkad.

"nagmamadali ka ba?" tanong ko pero hindi niya na ako kinibo.

Sumakay kami sa tricycle nang makalabas na kami ng highway.
Tahimik lang siya at tulala sa daan habang hawak hawak ang braso ko.

"ano nga ba ang pangalan mo?" tanong ko

"Onna" matipid niyang sagot.

"ilang taon ka na ba Onna??" tanong ko

"kwarenta" matipid niyang sagot.

Napangiti lang ako sa pagtataka. Pinaglalaruan niya ata ako.

Kinalabit niya ang Tricycle driver nang matapat kami sa Waiting shed ng barangay Gorgo.

Pagbaba namin ay agad humarorot papalayo ang tricycle.
Hindi manlang siya lumingon sa amin.
Blanko na naman ako.

"Onna, totoo ba ang tsismis tungkol sa Sitio Diego?" tanong ko. Huminto kami sa tapat ng waiting shed

Napangiti siya.

"na barangay kami ng mga aswang?" tumawa siya ng malakas, nawala na naman ang kanyang pagkamahinhin

"Oh Come On Maireeh, dont tell me, naniniwala ka?"

"papa-ano mo nalaman ang pangalan ko?" pagtatakang tanong ko

"HELLO!!!!! Narinig ko kahapon sa usapan niyo, Remember??"

Umiba na naman ang istilo ng pananalita niya na para bang bagets na bagets.

"ARAAAAAY" sigaw ko. Nakaramdam ako ng pananakit ng tyan, manganganak na yata ako......

"Onna, masakit na ang tyan ko. Manganganak na ata ako" mahinahon kong sinabi.

"Bilisan na natin para maka abot tayo kina uncle Santi" mahinhin niyang sagot

"ANO????"

ASWANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon