TEASER

1.8K 40 13
                                    

RAIN.BOYS VII

[Teen Fiction|Yaoi|BXB]

"Walang perpektong tao sa totoong nagmamahal. Kapag natutunan mong magmahal ng totoo, kahit gaano ka pa katalino magiging tanga ka, kahit gaano ka pa katapang magiging duwag ka, kahit gaano ka pa kalakas magpapakahina ka, at kahit gaano ka pa ka-mature mag-isip magiging immature ka, dahil kapag magmahal ka gagawin mo ang lahat huwag lang mawala ang mahal mo, kahit na ibig sabihin pa no'n ay ang isuko mo na ang sarili mo sa kanya."

- Claude (Rain.Boys VII)

●○●○●○●○●○●

"Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na." Ang bulong ni Nick Patrick sa kanyang isip habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan mula sa loob ng sasakyan.

"Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng kapayapaan, pakiramdam ko umiiyak ang langit para sa akin, iniisip ko na sinasamahan ako nito sa pag-iyak at bumubuhos siya para hindi makita ng iba ang mga luha ko. Kasalanan ko bang maging ganito ako, maging isang bakla, pinipilit ko naman ang magpakalalaki, pinipilit ko, pero itong puso ko, ito ang problema eh, kasi alam niya na bubuhayin ko lang ang sarili ko sa kasinungalingang straight ako kahit na alam kong baluktot ako." Ang bulong ni Claude sa sarili niya habang nakaupo sa isang bench sa isang parke, at dahil sa ulan ay hindi mapapansin ang pagluha nito.

●○●○●○●○●○●

AUTHOR'S NOTE:

Ang kwentong ito ay ang ika-pitong libro ng Rain.Boys Series. At tulad ng mga naunang libro, ito ay likha lamang ng aking malikot na imahinasyon ang ano mang pagkakahalintulad sa mga totoong tao, lugar, pangyayari at iba pa ay pawang nagkataon lamang at hindi sinasadya.

Sincerely yours,

Adamant

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon