AMIRA'S POV
"I really don't know what to do" sabi ko habang nakahiga sa braso ni ace. Matutulog na kami matapos ang mahabang araw.
"Nandito lang ako sa tabi mo amira, hihingi ako ng tulong kay dad"
"M-maraming salamat ace. Kung wala ka hindi ko alam anong gagawin ko" tumingin ako ng diretso sa kanya. Nilalaro pa niya ang singsing ko sa may tiyan niya.
"I called dunkan and we'll talk about transferring everything from your name to his'" hindi ko alam kung bakit ganito kabait ang lalakeng to sa akin. Kahit sa simula pa lang.
W-wala akong sinabi sa kanya. Hindi ko sinabi dahil hindi ako susunod sa gustong mangyari ng baliw na yun! I treasure ace that much and I can't afford to lose someone again who really and truly care for me.
"Thank you ace"
"Wala yun. Gusto ko lang tapusin lahat para makaalis na tayo dito at maikasal"
*BLAAAG*
"Ano ba?!!"
"Sino kayo?!!"
"Sir pasensya na po pero hindi po kayo pwede dito!!" napabalikwas kami ni ace dahil sa boses na yun. Sinuot ko agad ang robe dahil nighties lang suot ko.
"Manang anong nangyayari? Matutulog na kami"
"Halaaaa bestfriend sorry!!" bungad ni bea nang makarating kami sa tapat ng hagdan. Hindi ko sila pinansin dahil nakatuon ang atensyon namin sa lalakeng galit.
"B-bea? Bakit kasama mo siya dito?" napalunok ako at bahagyang hinarang si ace dahil takot lang ang nararamdaman ko sa mga tingin sa baba.
"Sorry ace, kapatid ko siya"
"K-kapatid? Paanong??--"
"This is also my place diba dapat lumayas na kayo? Malinaw na sa inyo yun diba!? Lalo ka na!!! Ayaw mo talagang maniwala?!" nagkatinginan muna kami ni ace bago bumaba ng dahan dahan.
Nakahawak na lang siya sa magkabilang braso ko dahil hindi niya ako mapipigilan sa pagharang sa kanya. Pareho kaming takot sa masamang tingin niya kay ace.
"Wag kang magalala aalis kami bukas!"
"BUKAS?! Pinagloloko mo ba ako?! Umalis na kayo NGAYON!!" may lumapit na lalake sa amin kaya umalerto din si ace para hindi makalapit sa amin.
"Base sa lahat ng ari arian, pati ito kailangan niyo ding ibigay sa pamilya ng de la vega kung ayaw niyo pong masampahan ng kaso" tinignan ko muna ang mga katulong na lumabas sa mga silid nila.
"Linc ano to?" takang tanong ni jayson na kakapasok lang ng bahay.
"I just want everyone to know that everything here is mine! Pagmamay-ari namin!" hindi na nakasagot si jayson. Lumunok muna ako at tinabi ng konti si ace na hinarangan ako matapos humakbang ni linc palapit.
"Nababaliw ka na" ngumisi lang siya.
"Tutal mabait pa ako kayo lang papaalisin ko habang yung iba dito pa rin"
"Kuya!"
*PAAK* sinigurado kong malakas ang pagsampal ko sa kanya kaya agad naman akong hinila ni ace palayo.
"Mabait ka pa sa lagay mong yan?!! Huwag kang magalala aalis ako!! Aalis kami!! Hindi mo makikita ang pagmumukhang to kahit kailan!!! Makakaasa ka sa gusto mo!!"
"NAALALA MO NAMAN SIGURO KUNG HINDI MO AKO SUSUNDIN?!!! HINDI KA AALIS SA BANSANG TO!!"
"Edi kasuhan mo ako! Kasuhan mo din si papá!! Si kuya!! Silang lahat para matahimik yang kalooban mo at kahit paano hindi agad mapupunta sa impyerno yang kaluluwa mo!!"
"You can stay in my place" tumango ako kay ace habang inalalayan niya akong umakyat pabalik sa kwarto.
*blag*
"Ahh!! I can't believe this!!"
"Let me pack your things" umupo lang ako sa higaan habang tulala sa sahig.
"He is evil. He is so mean. Noon pa sana hindi ko siya pinagkatiwalaan. Mali ang pinagkatiwalaan ko ng lubos"
"Hurry up. Let's go" inakbayan lang ako ni ace dahil nanginginig na naman ako. Hindi na kami nagpaligoyligoy pa at bumaba na.
"Sana naman m-malinaw na sayo ang gusto ko" dinaanan lang namin siya at tinungo agad ang kotse.
"Anak huwag kang maniwala sa kanya, bahay mo to, sa inyo to kaya wag kayong umalis" iniwan muna ako ni ace para ilagay sa likod ang gamit. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanilang dalawa ni bea.
"Bestfriend, huwag ka na umalis"
"Ayoko siyang sundin nay, aalis ako. Pasensya na sa ginawa ni papá sa inyo" sumakay na ako ng kotse para hindi nila makita ang umiiyak na amira.
"Bestfriend tawagan mo ako!!"
BEA'S POV
Nakatulala lang akong tinignan paalis ang sasakyan nila. Hindi ko siya maintindihan. Tama si bestfriend nababaliw na si kuya.
Tumalikod na ako at saktong siya ang nakita ko habang nakatingin din sa dinadaanan nina amira. Nakabagsak ang balikat na parang hindi inasahan ang pagalis ni bestfriend.
Napansin niya atang nakatingin din ako kaya umiwas siya at pumasok ulit sa loob.
"Kuya hindi ka ba nagiisip?!! Akala ko ba kukunin mo siya ulit?! Eh mukhang mas ginusto mo pang matuloy ang kasal nila sa ginagawa mo!! Nilalayo mo pa lalo ang loob niya imbes na kunin ulit ang tiwala niya sayo!!" hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang paakyat.
"She doesn't need me anymore so it's better to destroy their lives. Our lives"
***
Nandito ako sa mall kasama si emily. Makikipag kita ako kay ace dahil siya lang ang alam ko na parating kasama ni amira.
"Bea"
"Ace" binaba ko muna si emily at tumayo.
Nagulat ako nang makipagbeso siya sa akin. Hindi ko aakalaing hindi nagbago ang pakikitungo niya matapos malaman na magkapatid kami sa lalakeng gustong sumira sa buhay nila.
"Pasensya na nalate ako, kailangan ko pang patulugin si amira para hindi ako magalala kung maiwan ko muna siya saglit"
"Salamat sa pagdating ace" umupo na kami.
"Kamusta na kayo sa bahay?"
"Ayos lang kami pilit pa rin namin siyang kinakausap na tumigil na" tumango lang siya kaya inabot ko na ang calling card naming tatlo nina cj at jayson "Nakikiusap kami, balitaan mo kami sa mga nangyayari kay amira"
"I will, I will surely will" napangiti ako dahil sa kabaitang pinapakita niya. Mas mabuti ngang sa kanya si amira kesa kay kuya. Mabait siya at mahal niya si bestfriend.
"Tutulong kami sa pagalis ninyo kung gusto niyo, pangako hindi makakarating to sa kanya"
"Maraming salamat bea"
"Ayoko lang talaga ang ginagawa ngayon ni kuya, hindi ko alam saan aabot to pero hanggat maaga pa tatapusin na natin. Unti unti na siyang nilamon ng galit niya at ngayon ang kompanya niyo sa new york ang sunod niyang puntiryahin. Ang mga papel na binigay noon sa akin ni tito alejandro binigay din niya sa mga pulis para masiguradong mapasakanya ang pinaghirapan nina amira. Pati ang mga media binili niya para may kontrol siya. Lahat lahat ace, sinisiguro niyang masisira niya si amira-- kayo"
".."
"Pasensya na ace, hindi ko alam kung alin pa ang gusto ni kuya. Una ay yung makuha lang si amira pero ngayon ang masira na siya"
"T-try to convince him again to stop. I don't want my amir to get hurt" nagulat kami dahil may humawak sa magkabilang braso ko at binuhat si emily.
"Utos po sa amin na umuwi na kayo"
"Ano?!!"
"Sumusunod lang kami kay sir ma'am" tinignan ko muna si ace bago nila kami maipasok sa van.
"ACE TAWAGAN MO KO HA! YUNG NAPAGUSAPAN NATIN!"
"Aasahan kita"
BINABASA MO ANG
You're my special (COMPLETED)
General FictionSOMEONE'S SPECIAL BOOK 2 The 'pasta' or the 'carbonara'?