Chapter 28

11 2 0
                                    

AMIRA'S POV

I'm just walking quietly towards his company. Sinadya ko talaga magpatagal dahil naiinis pa rin ako kapag naaalala ang ginawa niya kahapon!

Lumingon ako kay ace na nasa labas pa ng kotse niya habang nakatingin sa direksyon ko.

"Go inside~" sabi niya kaya napangiti ako.

"Ang init init tapos hihintayin mo talaga ako diyan sa gilid ng kalsada??"

"Amira??! Amira?!" mabilis akong lumingon sa tumatawag sa akin. Hindi ako makapaniwalang tinignan ang itsura niya.

"Tita??" hinawakan ko siya sa siko nang hawakan niya din ang braso ko. Parang nanggaling siya sa matinding nangyari! May mga sugat ang ibang parte ng katawan niya at dumudugo pa.

"Hija anak!!!" umiyak siya. Hinigpitan ko pa ang hawak sa kanya para hindi siya matumba.

"Tita dadalhin po kita sa hospital! A-ace!" tinignan ko si ace na nakalapit na sa amin. Tumulong din siya sa pagalalay.

"Anak wag na! Itago mo na lang ako! Anak! Hinahabol nila ako!"

"Sino po ang humahabol sa inyo? Saan??" alalang tanong ni ace habang nililibot ang tingin. Pareho kaming naaawa sa lagay ni tita. I haven't seen her these past few days.

"Ang m-mga pulis hija!! Pinapahuli kami ni linc sa mga pulis!!!"

"Ano po?!" dahan dahan kaming naglakad sa may kotse kaya agad na binuksan ni ace ang pinto sa likod. So kaya nagbakasyon si nat? Tama ba?!

"Hija ilayo mo ko!! Nagmamakaawa ako!!" hinawakan ko sa likod si ace para tumingin sa akin.

"Ace pwede ba siya sa atin?" tumango siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Sure, Ihatid ko na siya para magamot"

"Mamaya na lang tayo magusap"

"Okay, magingat ka" sumakay na sila sa kotse. Wala akong ibang magawa kundi ang tinignan ko silang paalis. P-pinapahuli??

Napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba. He's hunting us all. Kailan niya ako isusunod? Umiling ako at naglakad na ulit papasok ng kompanya. Forget it amira! Malalampasan mo din ang lahat.

"Huh?" pagsilip ko pa lang sa malaking salamin ng opisina ay wala na akong makitang tao sa loob. Napatingin ako sa nagiisang red rose sa mesa niya.

"Ma'am hinahanap niyo ba si sir? Wala po siya" gulat akong humarap sa babae. Maglalakad na sana ako palayo nang magsalita ulit siya "Nasa meeting po siya ma'am. Halos lahat napagalitan"

"K"

"CAN'T YOU GIVE ME ANY GOOD REPORTS?!! I CAN'T SEE ANY PROGRESS AT ALL!!"

"S-sir we are progressing better than last years" nakatayo lang ako dito sa tapat nang pinto dahil sa sobrang linaw ng boses niya at umeecho pa yun sa buong palapag.

"WELL IS THAT A PROGRESS FOR YOU?!! THAT'S NOT ENOUGH!! WE SHOULD DO BETTER!! UNDERSTOOD?!" yumuko ako at humawak na naman sa dibdib. I really got a bad feeling for this day matapos makita si tita ng ganun?

Nagulat ako dahil may bumangga sa akin. Halatang unti unting nawawala ang kunot sa noo niya at napapangiti na.

"Amare, you're here" hindi ko siya pinansin at naunang pumunta sa opisina niya.

"What now?!!"

"Huh?" takang tanong niya habang sinasara ang pinto. Inaayos pa niya ang necktie at lumapit sa akin.

"Anong binabalak mo?!! Ha?! Anong gusto mo?! B-bakit?" iniisip ko sina nat at tita.

"Amare, I don't know what you're talking about" alalang sabi niya. Umiwas ako bago pa niya ako mahawakan.

You're my special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon