Chapter 31

11 3 0
                                    

AMIRA'S POV

I am now currently entering the elevator. Just this once. I left without a goodbye and besides ace left early so I took this chance to meet him without also telling ACE. Tita also left the house, maybe because of the silent atmosphere.

I am fully decided to go here. Ilang oras ko tong inisip ng maayos at hindi ako napapanatag ng hindi nakakathank you sa ginawa niya, at least at yung BAG ko naiwan ko dito. Alam ni ace na baka nandito pero yung pagpunta ko talaga ang hindi niya alam.

Hindi pa ako magaling mas lalong hindi pa ako maayos, pinilit ko lang ang sarili ko.

*ting* I immediately went to ava's place. Nagulat pa siya ng makita ako. Nataranta siyang tumayo at tiniklop ang mga gamit.

"Calm down, this is just me"

"I'm sorry miss, I'm shock seeing you here" sumilip ako ng konti sa malaking bintana ng opisina. Ni anino niya hindi ko makita.

"Ava? Do you know where he is?"

"Why miss?" binuksan niya ang tablet niya. I think she's checking linc's sched.

"I have something to say" tumango lang siya kaya tahimik lang akong nagantay dito "By the way ava, have you seen my bag here?"

"Miss he's taking his snacks and you're just in time. I saw him earlier holding your bag"

"Ahh in the canteen?"

"No miss but just follow this way and you will reach the door at the end of it" tumango lang ako at hinawakan muna siya sa kamay.

"I need a favor, please don't let anyone know that I am here okay? You know, they banned us for seeing each other but promise this is my last. I just want to say something to him and get my bag right away" naglakad na ako sa sinasabi niyang daan. Sinikap kong hindi makuha ang atensyon ng mga taong tutok sa mga trabaho nila.

Tumigil na ako sa harap ng pinto nang maabot ko ang dulo. Nilibot ko ang paningin, wala man lang napupunta dito.

Maingat kong binuksan ang pinto at napakunot lang ang noo. Unang nakita ko ay salamin lang, salamin, salamin, salamin! Paikot sa buong room!

*blag* muntik na akong matapilok dahil sa pagiwas ko nang makita siya. Humawak ako ng mabuti sa doorknob, l-lalabas ba ako??

"A-amare?" tumingin ako sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad.

Lumunok na lang ako at sinubukang ituon ang pansin sa nakapalibot na salamin--makikita ko pa rin!!! Wala siyang damit pang-itaas. Hindi pa nakabutones ng maayos ang pantalon niya kaya nakikita ko ang brand ng boxer! Ano bang ginagawa niya dito? Akala ko s-snacks? Is he doing something?!

Hindi ko siya pinansin at pumasok lang tsaka nilibot ang paningin. Akala ko talaga kumakain siya ngayon at anong nagssnack siya ngayon? Ni wala nga siyang hawak na pagkain.

Lumingon ulit ako sa kanya na nakasunod ang tingin. Nakikita ko kase!! Salamin nga lahat! As in pati sa kesame!

"Can you put on your clothes first?"

"I-I am so sorry. I was about to change" tumalikod na siya.

Kumurap pa ako ng mabilis at sinikap na hindi mapatingin sa--namangha ako nang itinapat niya ang kamay sa salamin kaya bumukas yun at mga damit ang nasa loob!!! Woaah!!!

"Wait" nakuha din ang atensyon ko sa tagiliran niya. OH MY FVCK---gawa ko yan!!! Ako may gawa niyan!!!

Hindi siya gumalaw kaya lumapit ako at yumuko tsaka tinignang mabuti ang nagviolet na pasa niya. Pabilog yun.

"Don't mind it" hindi ko siya pinansin at kunot noong hinawakan yun. Tinrace ko sa daliri yung pasa kaya lumalala ang konsensya ko!! Malaki nga! Sabi ko na!! Bakit ko ba kase siya pinalo nung pamalo sa golf?!! Mas nakonsensya pa tuloy ako!!! Imbes na thank you lang sasabihin ko eh!

Tumingala ako dahil bumagsak ang kamay niyang may hawak na damit at nakatingin lang sa akin. Umayos ako ng tayo at alalang tumingin sa kanya.

"Does it still hurt?" ngumiti siya pero tinignan ko lang siya ng seryoso.

"Not until you came"

"I'm really so sorry for causing you that. I didn't mean to hit--I mean I intentionally" umiwas na ako dahil ngumiti pa siya lalo. Nasaktan na nga nangingiti pa!

"Haha I know but I love you, staying away from you is more painful than this bruise" hindi ko pinansin ang sagot niya at sinuri lang yun. Hindi ako nagmamanyak!! Hindi ko tinitignan ang calvin klein box-- what the fvck??

"Naipagamot mo na ba? Hindi mo dapat hinahayaan to, kosensya ko pa"

"No need, you don't need to worry anymore" mabilis kong nilayo ang kamay ko bago pa niya hawakan yun. Bakit ba ito nararamdaman ko? Natataranta ako---nagkatitigan pa kami!!

Lumipat na naman ang tingin ko sa balikat niya. That scar. Umakyat ang kamay ko kaya nagkatinginan na naman kami. Mabilis kong binaba yun at tumalikod sa kanya. What's with you amira?!

"What is this p-place?" pagiiba ko ng topic.

"Where I can eat alone"

"Kailangan ko ng umuwi agad. Ace doesn't know I came here. Where's my bag?"

"There" nilapit ko ang mukha sa salamin at pinanliitan pa yun ng mga mata para tignan kung meron ba. Teka salamin lang talaga! Nasa loob ba ang bag ko?

Narinig ko siyang tumawa ng konti pero umakto akong walang narinig. Mabilis akong humarap sa kanya nang maglakad siya.

Dumikit ako sa salamin dahil lumapit pa siya ng husto. Ilang pulgada na lang ang layo niya sa akin. Bumaba ang mukha niya at huminto sa may leeg ko. Pinakiramdaman kong parang inaamoy niya ako.

"L-linc!" lumayo na siya kaya tinignan ko ang salamin na bumukas sa tabi--I need to go home early but what I am seeing right now makes me want to live here!!!

Namamangha kong tinignan isa isa ang iba't ibang klase ng chocolates. Kinuha ko yung malaking dairy milk at napalunok na lang dahil sa pagtatakam.

Binuksan niya yung isa at sweets lang din ang laman! Napatingin ako sa kanya kaya nakangiti siyang tumabi.

"Can I have some at home?" tanong ko habang namimili ng masarap na hindi ko pa natikman. 

"From now on this is yours. Hindi ako papayag na maguwi ka but you can enter this place anytime you want"

"I love this" mahinang sabi ko habang iniimagine na kinakain ko ang mga to sa apartment.

"Bea was right, she'll like it" hindi niya ata agad ako napansin kaya pinagmasdan ko lang siyang nangingiti habang nilalaro ang damit na hawak pa niya.

"I will lea--" hindi pa ako natapos nang bigla siyang lumapit sa akin at yumakap habang nakasiksik sa leeg ko.

You're my special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon