Chapter 38

11 2 0
                                    

BEA'S POV

Sumandal ako nang makapasok na kami ni emily sa kotse ni ace.

Nandito ulit kami kung saan namin nakita si nat kahapon. Nakatakas siya at yun ang nakakapagtaka dahil halatang may tinatago siya.

Alam naman to ni kuya pero si jayson ang inaalala namin dahil sobrang apektado sa kapatid niyang hindi na maintindihan sa pagtakas niya.

"I'm so tired standing there" ngumiti lang ako sa kanya nang tumingin siya sa akin. Nasa labas pa sina cj at jayson. Tinabi niya ang cellphone niya at kinuha si emily sa likod. Cellphone.

Flashback

"Dear beatrice" kunot noo akong napatingin kay kuya. Tatayo na sana ako sa pagkakahiga nang bumagsak siya at masaya akong niyakap ng mahigpit.

"Kuya! Ano ba?" reklamo ko dahil ayaw niyang bumitaw. Kakagising ko lang tapos ito ang bubungad sa akin? Napano to?!

"May sister beatrice, can I have a favor?" inis kong tinanggal ang kamay niya at tumayo na. Yayakap din sana siya kay emily nang unahan ko na siyang buhatin yung bata.

"Bakit ka nandito kuya?! Natutulog pa kami eh!" nagising din si cj sa kabilang higaan. Lumapit ako sa kanya para doon ihiga si emily.

"Linc? What are you doing?"

"Nah just a favor to my sister!" hinila niya ako palabas. Nagkatinginan lang kami ni cj "Tss that moron might get jealous if he found out you're seeing ace"

"Huh? Kuya bakit?" nakarating na kami sa kwarto niya. Humarap na siya sa akin.

"Tsss before I left yesterday, I saw him outside! Nagpapasundo ka sa kanya parati diba?" napansin niya atang nagulat ako kaya hinawakan niya ako sa magkabilang braso at ngumiti lang ng nakakaloko "That's okay sister~ walang masama doon~"

"Bakit ba kuya?"

"Favor"

"Ano nga?"

"You will meet him again, right?" tumango lang ako kaya yumuko siya saglit at naparang natatawa "Use his phone to text amare--"

"Kuya naman~"

"Tss you want me to tell HER personally that you are always seeing him? Ay oo nga pwede kong irason yun para makipagkita siya sa akin"

"Waa nagbabanta ka pa! Hindi naman ako tatanggi!"

"Now, find a way so she will come to my company again, please sister~" parte sa loob ko na gusto kong gawin yun pero yung sinabi ni cj kahapon!

End of flashback

"Magpahinga ka nalang muna, kaya na yun nung dalawa"

"Dada!" binuksan ni emily ang mga candy kaya nahulog ang laman.

"Haaay emily!"

"No, it's okay" napangiti lang ako sa kanya nang aliwin niya si emily habang isa isang pinupulot ang mga candy sa ilalim.

"Ahmm ace"

"Hmm?"

"DADA!" tinignan ko si emily dahil ang ingay waaaaa hindi ako makaconcentrate!

"Ano--"

"Dada!" waa dada ka ng dada! Hindi ka pa marunong magsalita! 3 ka na eh!

"Hindi ko kase alam saan tinago dito ni emily yung cellphone ko kaya pwede pagamit ng sayo?"

You're my special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon