AMIRA'S POV
Hinintay ko munang makapasok si ace sa kwarto ko bago buksan ang pinto ng kwarto ni nathalie. Mas mabuting doon muna siya kesa makita pa akong ganito!!
"Nat!"
"Ate?"
"I told you before, right?!!" sinara ko ang pinto para masiguradong hindi yun maririnig ni ace sa kabila.
"Ate I'm s-sorry, gusto ko lang tulungan si kuya linc"
"Kuya?! Kuya?! Kapatid mo ha?! You are not helping nat!! You're ruining everything!! Sana naman alamin mo yun!!"
"A-ate sorry talaga, akala ko makakapag-usap kayo ng maayos"
"Now tell me bakit napunta sa kompanya ang taong yun?!" yumuko siya at nilaro ang damit.
"Actually ate noon pa sila magkasamang nagtatrabaho nina kuya jayson, pumayag naman si mommy kasi mas lumalakas ang kompanya sa tulong ni kuya linc. P-pinaghandaan po ni kuya linc a-ang pagbalik mo a-a---"
"Wala akong pakialam kung naghanda siya! Alam mo ang tungkol sa agreement diba?!! Lahat ng kasangkot sa paglabag pwede kong kasuhan ano mang oras!!" napahimas na lang ako sa noo dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kaba. Hell!
"Sorry talaga" lumabas na ako at nakasalubong si tita. Hindi ko na sana siya papansinin pero hinawakan niya ang braso ko.
"Why are you shouting at my daughter?"
"It's only for us, wala ka na dun" pwersahan niya akong iniharap sa kanya. Hinilot ko na naman ang noo ko dahil naalala kong kailangan ko pa rin pala siyang respetuhin.
"Ayoko sanang magalit sayo amira pero nanay din ako kaya gusto kong malaman bakit kayo nagaaway ng kapatid mo"
"Sorry po pero pagod na po ako" binitawan niya ako at umiwas sa akin.
"Pasensya na, gusto ko lang ituring mo din ang mga kapatid mo ng maayos. In behalf of your father gusto ko ding umayos kayo"
"Wala na akong kapatid tita, mga anak mo sila"
"Hija, kailan mo ba matatanggap ang lahat?"
"Hanggat mamamatay po ako. Tapos na po ba kayo?"
"Bakit mo binawi ang kompanya hija?"
"Akin po yun dahil walang sa inyo. Mali atang binigyan ko kayo ng ganun dahil LAHAT yun pinaghirapan ni papá at pinatakbo niyo dun sa lalakeng kinamumuhian ko??!" bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Tita?" hindi niya pinansin si ace at tinapik lang ako bago pumasok sa kwarto niya.
"Hija sana naman maawa ka sa amin asawa din ako ng papá mo"
BEA'S POV
"Ano na?" tanong ko habang kausap sa telepono si nat. Nandito kami sa bahay habang inaabangan ang balita sa pagkikita nila nina kuya.
"Nagalit ng sobra sa akin ate bea eh sorry, akala ko makakalampas ako pero sobrang lakas talaga ng boses niya" bumuntong hininga ako kaya hinagod ni cj ang likod ko.
"Sorry din nadamay ka pa tuloy"
"Pinagbantaan akong kasuhan ate. Sorry talaga hindi ko na kayang kalabanin si ate. Ayokong maulit ang pagkakamali ko noon"
"Oh sige sige naiintindihan namin nat pasensya na" binaba ko ang tawag at tinignan sila. Nakuha ata nila ang ekspresyon ko kaya sabay sabay silang bumuntong hininga.
"Mga anak, siguro huwag niyo ng galitin si miss amira"
"Pero ma hindi naman siya ganyan dati" naiiyak na sabi ko. Kung alam niya lang gaano ko kagusto umiyak nang makita ang reaksyon niya nung unang kita namin. Yung tingin na kinamumuhian ako na parang nakakatakot.
*blag* napatingin kami sa pinto nang pumasok si kuya. Dumiretso siya sa taas habang tinatanggal ang necktie. Pinaghandaan niya to pero hindi namin inaasahan na ganito ang mangyari sa unang kita nila.
"Kuy--"
"Don't disturb me"
*blag* napapikit ako dahil sa lakas ng pagsara niya ng pinto.
Napatingin kami sa magazine na palagi naming kinokolekta sa tuwing involve si bestfriend. Kinuha ko yung isa at malungkot na tinignan ang litrato ni bestfriend at ace.
Kung alam niya lang kung ano at gaano ang hirap na pinagdaan ni kuya. Lahat kami apektado dahil hindi namin mabasa kung anong iniisip niya. Minsan umuuwi ng lasing o di kaya may sugat.
Nasagasaan pa nga siya noon pero umuwi lang dito at hindi na nagpaospital. Ang nirason ay iniisip niya si bestfriend.
Araw araw siyang pumupunta sa tapat ng bintana ng kwarto ni bestfriend para alamin kung nakauwi na ba siya. Sumunod pa nga siya sa new york kaso nung paglapag niya pa lang sa airport hinarangan na siya ng mga pulis.
Pero isang araw pinakaunang balita na narinig namin tungkol kay bestfriend 'new face of smith corporation, now officially handling the clothing industry' nagbago si kuya. Tinulungan niya ang sarili na bumangon at nangakong hihintayin ang pagbabalik ni amira. Pilit niyang pinapantayan si bestfriend dahil gusto niya balang araw, may magagamit siya para harapin siya ni bestfriend.
May tinulong din si mama.
AMIRA'S POV
Nakaupo lang ako dito sa opisina ng kompanya habang hinihintay ang pagdating niya. Sa labas ko pinahintay si ace dahil ayaw kong makita niya kaming magkasama. Alam ko masasaktan yun.
*click* nagpalabas muna ako ng mabigat na hininga at inayos ang mga papel nang hindi siya tinitignan.
"You're 10 minutes late" walang ganang sabi ko. Nakatayo lang siya kaya tumayo din ako para ihanda ang sarili "Now tell me what are your concerns"
"Let's talk about us amira" kinuha ko na ang bag at bumuntong hininga na naman.
"So I guess you are okay with what I want in this company? Everything will be change starting tomorrow, if you don't like it I will be your new boss and everyone should follow what I want"
"This is yours---"
"Don't worry. Hindi mo ako makakatrabaho dahil sa iba ko ito ipapahandle" dinaanan ko lang siya ng tingin pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"I miss you" bulong niya. Malakas ko siyang tinulak at pumunta sa pinto.
"YOU SHOULD KNOW YOUR LIMIT! I CAN FILE A CASE AGAINST YOU MR.DE LA VEGA!!"
"Amira let's work together. Let's talk about us, please"
"Are you crazy?!! Aren't you aware that I really don't wanna see your face?!"
"Amir?" lumapit agad ako kay ace at hinila siya palaba---
"Open. Open the envelop. It's in your drawer. I putted it there in case you will really leave me" nagtataka akong lumingon sa kanya dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy niya "Yung nakita mo noon buksan mo"
"Why would I?!"
"Buksan mo" si ace na ang humila sa akin palabas ng gusaling yun kaya nung makapasok kami sa sasakyan napahampas na lang ako sa harap.
"Calm down" niyakap ko siya at tuluyan ng nailabas ang kahapon ko pa gustong ilabas.
"He must know his place, ace"
"Shhh I know I know. What do you want to do?"
"Ipaalam natin sa lahat sa media na ikakasal na tayo" hinawakan niya ako sa pisngi habang nagaalalang tumitig sa akin.
"Are you sure?"
"Yes ace, he must know his limit and his place!"
"We can talk to your lawyer kung napipilitan ka lang na ipaalam sa lahat na engage na tayo" umiling ako at hinawakan siya.
"I just want a happy life ace with YOU" madiing sabi ko. Pinunasan niya ang mukha ko kaya napapikit na ako.
"I want that for you too. Okay I will call ava"
BINABASA MO ANG
You're my special (COMPLETED)
General FictionSOMEONE'S SPECIAL BOOK 2 The 'pasta' or the 'carbonara'?