Chapter 45

11 2 0
                                    

BEA'S POV

Tinignan ko muna siya mula dito dahil parang pasan niya ang mundo sa bigat ng balikat niya. Bumagsak siya sa counter at sinabunutan pa ang sarili. May sinabi siya sa bartender na agad namang inabutan ng bagong alak.

"AHH!!" sumigaw siya pero nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang mabilis na ininom ang alak at tinapon pa sa sahig ang baso!! Buti walang dumadaan sa likod niya!! Tumakbo na ako at umupo sa katabing stool.

"Ace? Haays bakit ka naglasing??!" sinulyapan niya lang ako at napasabunot na naman sa buhok niya.

"A-akala ko kaya ko bea" mahinang sabi niya tsaka umiyak pa lalo.

"Bakit ka umiinom ng ganitong oras?! Hating gabi na ace!?? Si bestfriend?! Lasing na lasing ka. Mukhang madami na ang nainom mo!"

"M-madami na nga pero nagiisip pa ako ng tama tsaka wag kang magalala natutulog siya bago ako umalis. Hindi ko muna siya kayang makita ngayon dahil b-baka umurong pa ako sa s-sinabi ko" bumuntong hininga ako at hinagod ang likod niya. Ang ikinagulat ko ay ang biglaang pagharap niya at walang pagdadalawang isip na niyakap ako--ng mahigpit.

"A-ace?" imbes ako maghahagod ng likod niya siya ang gumagawa nun sa akin! Kyaaaaa--sorry ngayon lang!!

"Shhhh Shhhh it's okay *hik* hmmmm" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Lasing ka" mahinang sabi ko at hinawakan siya ng mabuti dahil baka babagsak kahit konting galaw ko lang.

"Ikaw lang ang unang pumasok sa isip ko na makakatulong sa akin ngayon. Hindi ko alam pero magaan na ang loob ko sayo kaya salamat sa pagdating" lumanghap lang ako ng maraming hangin dahil mukhang nassuffocate ako.

"B-bakit mo ba naisipang pumunta dito? May nangyari ba sa inyo ni bestfriend?"

"Akala ko kaya ko bea! Kailangan kong magisip, kailangan ko munang makalimot, lilipas din to pero sobrang nasasaktan pa rin ako ngayon, oo mahal ko siya pero kailangan ko ring gawin to para sa kaligayahan niya. Mahal ko siya at papayag ako kung saan siya masaya" swerte ni bestfriend. Yumakap din ako pabalik at tinapik ang likod niya. Mas lalo lang siyang napaiyak sa balikat ko. Hays.

"Hindi mo ba siya kayang iwan ace?" n-nandito pa naman ako h-handang sumalo sayo, lumingon ka lang. Napakagat ako sa labi nang tumawa siya at inayos pa ang mukha sa balikat ko.

"Tanggap ko na una pa lang pero hindi ko kayang isipin na mawawala sa akin si amir. Matagal ko na siyang gusto at ngayong malapit ko na siyang makuha may isa namang gusto din siyang angkinin"

"G-gaano mo ba siya kamahal?"

"Simula nung bata pa kami" ibig sabihin matagal na din pala silang m.u nun hindi lang umamin?? Parte ng katawan ko naguilty dahil may konting kinalaman din ako kung bakit nagkamabutihan sina kuya.

Ilang beses siyang nagtangka na pumunta sa opisina pero pinipigilan ko siya. Tungkol sa simbahan, pinilit kong hindi niya malaman kaya ako mismo nagpabura agad nun bago pa umabot sa kanya.

"I'm sorry" napatingin ako sa cellphone ko dahil may nagsend sa akin kanina ng voice mail. Hindi ko kilala ang nagpadala pero ang mga boses SOBRA.

"Then why are you crying like that? hmm?"

"K-kase naging maswerte ako sayo, h-hindi ka nagkulang, binigay mo sa akin lahat, pinaramdam mo ace"

"Then why are you giving it to me? Do you love me?"

"I do ace, I really do"

Nakasalubong ko si kuya kanina at tinanong pero binalewala lang yun. Pati siya nakatanggap pero wala siyang pakialam basta nirereplayan pa siya ni bestfriend. Eh ako???! Selos na selos na ako! Nagdalawang isip pa ako na pumunta dito pero k-kailangan niya ako ngayon. Nagdalawang isip ba ako????

"Ako dapat magsorry dahil nadisturbo kita, dapat nasa bahay ka at binabantayan ang anak mo*hik*" niyakap ko siya ng mahigpit dahil bumibigat na siya.

"Ace?" tinapik ko ang balikat niya pero hindi kumibo. Tumingin muna ako sa bartender "Kuya anong oras po to magclose?"

"Bukas pa po ng alas 6" tumango na lang ako at inalis muna ang mga baso para doon siya ihiga, bigat niya kaya.

"Ace?"

"Hm?*hik*" inayos ko muna siya at napangiti dahil natitigan ko siya ng sobrang lapit. Mahimbing siyang natutulog.

"I love her--but I need to--let go" kumunot pa ang noo ko dahil hindi ko masyadong narinig pero unti unti ko namang narealize ang sinabi niya.

"Sasaluin kita pangako" nagulat ako nang dumilat siya. Ilang segundo kaming nagtitigan kaya napalunok ako.

Umayos siya ng upo at ginulo na naman ang buhok. W-what the! Akala ko natutulog na!! Ano ba to!!! Mabilis kong ininom ang baso sa harap niya at umiwas.

"Hey? Want to join us?" napatingin ako sa mga malalanding babae na pinalibutan si ace.

"No no no, taken! taken!" sabi ko at tinulak yung mga babae. Halatang foreigner. Napaenglish tuloy ng wala sa oras!!

"What?!"

"English ka kaya umalis ka na lang, taken na yung tao!" hindi na naman sila umangal at umalis lang.

Pabagsak akong umupo at inayos pa ang sarili ko. Woo! Tumingin ako kay ace na natawa ng konti habang nakayuko. Napangiti din ako at tinignan lang siyang uminom pa.

"Thank you"

"Wala--" abot tenga na ang ngiti ko dahil yumakap na naman siya.

"I need to rest, gisingin mo nalang ako" huminga siya ng malalim. Hinawakan ko lang siya ng mahigpit at hindi gumalaw. Kyaa!

"Nga pala ace, pinapasabi ni mama na bumalik na daw kayo ni bestfriend sa bahay. Mas ligtas kayo dun at mas nababantayan namin kayo, mahirap na mahiwalay kayong dalawa sa amin"

"Hmm" tumango lang siya. Madiin akong napapikit nang tumama ang ilong niya sa akin!! Kyaaa sorry talaga bestfriend!! Kinikilig ako sa f-fiancé mo!!

You're my special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon