Chapter 39

11 3 0
                                    

AMIRA'S POV

Napakamot ako sa batok dahil hindi pa rin nawawala ang sobrang bilis ng puso ko. Tinignan ko ang singsing at naimagine na namang siya ang nagpropose sa akin!! This is so alarming!!! VEERY ALARMING!!

"Ti amo" napahigpit ang yakap ko sa leeg niya tsaka sumiksik pa.

"Wag ka nga magsabi ng ganyan!"

"Ti amo amore" humarap ako at hinawakan ang piercing niya sa tenga.

"Sige tatanggalin ko to pagsasa-"

"Ti amo"

"Ahhhhh!" ilang minuto na kaming ganito pero ayaw niya akong bitawan. Para akong baby na binubuhat ng tatay!

"Ibaba mo ako" nakatingin lang ako sa likod kung saan sinara niya kanina ang blind mockup para hindi kami makita dito. Umiling lang siya kaya hinawakan ko ang peklat sa balikat "Sige na kase sabe"

"Say it amare" kainis! Madiin kong kinagat ulit ang leeg niya kaya napadaing na siya ng malakas.

"Ahhh!" mabilis siyang naglakad sa gilid at pinaupo muna ako sa cabinet. Hinawakan niya yun kaya nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng dugo.

"Hala sorry" tumingin ako sa sugat niya dahil seryoso lang siyang nakatitig sa akin na parang hindi pa makapaniwala sa dugong nahawakan niya "H-huwag ka ng tumingin sa akin ng ganyan! Hindi ko s-sinasadya!"

"That hurts" pinahid ko agad ang tumulong dugo pero napadaing lang siya ulit "Hssss that even hurts!"

"Sorry talaga" bumaba na ako sa cabinet para sumunod sa kanya. Huminto ako sa likod niya at nagdadalawang isip kung hahawak sa kanya.

"Go to the canteen and if you're done. Come back I need your help with these"

"Uuwi na nga lang ako!" baka makagat ko lang siya sa panggigil ko! Why I am acting like this? Nakakainis naman kase! Tampuhin na pala??!!! Akala ko ba mahal ako?! Tss.

"Finish these first before you leave" bumuntong hininga na lang ako at bagsak balikat na pumunta sa tapat ng mac niya.

"Ano gagawin ko?"

"Check if do you think that will be trend in the future. I will be more strict on decisions to make this company achieve the outstanding progress--I s-still want you to be proud of me for working in your company" yumuko ako para makita yun ng maayos. Matamlay ko lang na tinignan ang mga iba't ibang klase ng designs.

"Okay lang" komento ko. Umupo siya sa tabi habang nakapalibot sa likod ko ang isang braso niya at nakatuon lang ang atensyon sa pagsscroll "Uuwi na talaga ako!!"

"Yeah you're done" inupuan ko siya at inakbayan. Hindi niya pa rin ako pinapansin kaya tinapat ko na ang mukha sa kanya para hindi siya makatingin sa mac.

"Sorry na nga kase sabe! Hindi ko naman sinasadyang sugatan! Ikaw din may kasalanan dahil pinainis mo ako at ikaw nakagatan ko! Edi sana pinauwi mo agad ako, si ace maintindihan pa eh!"

"Kung ayaw mo pa. Ireview mo na lang o di kaya gumawa ka ng suggestions tungkol dyan" kinuha niya ang papel sa gilid at sumandal. I'm not the one should doing this! Bahala siya magtampo! Sinimulan ko ng itype ang mga suggestions ko.

Ilang minuto lang ay lumingon na ako sa kanya na nakahawak lang sa noo habang nagbabasa.

"As you said after I finish this uuwi na ako" dumako ang tingin niya sa akin at nagpalipat lipat lang sa mac.

"Let me review it" nagulat ako nang lumapit siya at kinulong na naman ako sa braso "Hmm you're quite good"

"Really? Maganda naman kase kaya hindi na ata kailangan ng suggestion" napakamot ako sa batok.

You're my special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon