BEA'S POV
Tahimik lang akong nagkakape dito sa sulok habang tinitignan sila.
"Sabi ng doctor kailangang mapadali ang lahat bago pa tayo mahuli. She's in 50/50 and that's too risky" sabi ni kuya habang sinusuot ang jacket niya. Nakahanda na siya para umalis.
Madaling araw na ngayon pero lahat kami gising pa din dahil sa balitang nakapagpangamba sa amin lalo na kay kuya at kay ace din na hindi mapakali sa hinihigaan niya.
"Kami na ang bahala dito. Ang isipin mo ay si miss amira" sabi ni mama.
"Gagawin ko ma dahil ikamatay ko kung may mangyari sa kanya"
"Anak tumawag na sa akin sina jayson at cj. Nakahanda na ang paglipad ninyo. Pupuntahan ko muna ang mga doctor para sa pagbyahe niya sa labas" tumayo na ako sa sinabi ni papa.
"Gusto kong sumama" singit ni ace. Lumapit agad ako sa kanya nang umupo siya.
"Wala ka bang tiwala na maiuuwi ko siya dito?"
"Dapat ko nga ba siyang ipagkatiwala sayo?" palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa ni kuya. Inayos lang ni kuya ang cap sabay kuha sa singsing na binigay daw niya kay bestfriend nung kinasal sila. Wala kaming kaideya ideya nun sa balak niya!
"My wife. My responsibilities" awtomatiko akong napalingon kay nat nang pumasok na ang mga pulis. Alam na namin na darating sila.
"Ma'am kailangan na po namin kayong isama" lumapit ako kay nat na ayos na ayos na din. Lahat kami nakahanda na. Kay amira. Kay nat. Sa mga posibleng mangyari.
"O-okay sige" lumapit na din yung mga nurse para ihanda ang mga nakakabit sa kanya.
"Huwag kang magalala. Tutulong kami sayo pero ngayon sumama ka muna" mahinahong sabi ko habang tinutulungan silang ilipat siya sa wheelchair. Naaawa ako sa kanya dahil bata pa siya. Bakit ganito ang nangyayari?
"S-salamat p-pero dapat ko ngang pagbayaran ang lahat sa mga maling nagawa ko kay ate"
"You don't have to. I'm not letting anyone from amare's family to leave her" kahit paano'y napangiti ako sa isip dahil sa sinabi ni kuya.
"Hija. Sasamahan na kita hanggat wala pa sina jayson at cj. Sila ang magbabantay sayo doon"
"O-opo" pinosasan na nila si nat tsaka dinala na sa labas. Hindi ko maiwasang malungkot ng sobra sa mga nangyayari pero dapat lang dahil walang lugar ngayon ang napaghihinaan ng loob. Wag muna ngayon.
Kaming tatlo na lang ang naiwan dito kaya lumapit ulit ako kay ace.
"Ace sigurado ka bang maayos ang surgery doon?"
"Oo, kilalang kilala ko ang heart surgeon doon simula pa noon kaya malaki ang tiwala namin dahil madami na din siyang nagawang operasyon. Isa lang ang problema" napatingin ako sa sahig nang maalala ang sinabi niya kagabi kay kuya.
"Kuya paano kung pumunta kayo doon sa wala?"
"Pero huwag kayong magalala linc. Pinauna ko na doon si ava at hihintayin ka na lang niya doon. Alam niya ang gagawin kaya sumunod ka na lang sa kanya"
"Gagawin ko. Maraming salamat sa lahat" napatingin ako kay kuya sa sinabi niya na tumingin pa kay ace. Ramdam at kitang kita ko sa kanya ang lungkot at sakit plus yung namamaga pa niyang mga mata "I will go now. If possible I don't wanna waste any more minute in this country. Pinapadali na din ako ng mga doctor dahil kahit anong oras pwede siyang bibigay"
"Sige kuya. Magingat ka ha. Kami na ang bahala dito basta siguraduhin mong maiuwi mo si bestfriend dito" kinuha na niya ang sports bag niya. Aalis na sana pero sakto ding bumukas ang pinto at iniluwa nun ang walang ka malay malay na si ate zaira.
"Ano yung naririnig ko mula sa labas ha? Saan ka? Nasaan ang kapatid ko? Anong nangyari sa kanya? Saan siya linc?!" naiiyak na tanong niya. Nilapitan siya ni kuya at tinabig ang mga kamay bago pa siya mahawakan.
"Zaira. She's not in a good condition but for now I need you to stay here. Wait for us"
"Ano?!! Nasaan siya?!! Saan niyo siya dadalhin?! Gusto ko siyang makita! Gusto kong puntahan ang kapatid ko! Linc! Ayokong may mawala na naman sa pamilya ko!!" lumapit na din ako para alalayan siya dahil tinutulak niya si kuya.
"Zai. She will be fine" singit ni ace pero umiling lang siya kaya pilit siyang pinapaharap ni kuya.
"She will be fine. Ngayon hindi ko na hahayaang may mawala pa niisa sa inyo. Uuwi kami ng maayos" madiing sabi niya.
"Alam nating lahat walang kasiguraduhan yan! Handa akong ibigay ang puso ko sa kanya. Isama niyo ko!" tumahimik lang ako dito. Ganun din si kuya at mukhang may iniisip.
"Zaira, you don't have to do this. May mahahanap kami doon"
"Isama niyo ako! Nabuhay ako na puno ng mga kasalanan sa kanya. Ngayon handa akong pagbayaran yun lahat. She's my sister and I cannot let her die while I am still alive! Paano kapag wala kayong mahanap?!! Anong mangyayari sa kapatid ko?!!" inalalayan ko na siyang paupo sa sofa dahil nagaalala na ako sa kalagayan niya "Isama niyo ko!! Isama niyo ko!!!"
"H-hindi ate"
"Bea alam mo bakit ko gagawin to. Alam ko din yang nasa isip ninyo na mas nagaalala kayo sa kalagayan niya. Pati din ako kaya sana tuparin niyo ang hiling ko! Ito lang ang gusto ko! Sigurado akong hindi magugutuhan ni papá at ethan to kung hahayaan ko siyang mawala!" lumayo ako ng konti nang tumayo siya.
"Zaira" napahiloy nalang ako sa noo. Nasaan ba si duncan?! Balak pa sana naming sabihin sa kanya kapag maayos na lahat.
"Linc pareho tayong nagkasala sa kapatid ko. Ngayon kung hindi mo ako hahayaan parang hindi pa rin ako nakabawi sa kanya. Kailangan niya ang puso ko ngayon! Kailangan niya ako!"
LINC'S POV
"Sir may gusto po ba kayong kainin?" umiling lang ako sa attendant para umalis na.
Tumingin ako sa labas ng bintana at hinayaan na namang tumulo ang mga luha. Amare. H-huwag kang umalis nang hindi ako kasama. Huwag kang magpaalam nang hindi ako tinatanong. I-isasama mo ako kung nasaan ka dahil wala ding silbi kung iiwan mo akong magisa.
Tumayo ako at tinungo ang kinaroroonan niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at napaiyak lalo dahil sa mga nakakabit sa kanya.
If I didn't hurt you. If I-I didn't shouted at you. I-If I just understand your situation. You will not in this place.
"A-amare, please wake up~ I am begging. Don't leave me hanging again" pilit akong ngumiti sabay haplos ng konti sa pisngi niya. Sinuot ko sa kanya ang singsing at hinalikan yun "You will not gonna die. I promise"
"That's why I'm here to help my sister. I know you love her more than she know and we are the same. Gusto ko lang pagkatapos nitong lahat masabi mo yun sa kanya" tumitig lang ako kay amare at napaisip na naman. Lahat sila mahalaga sa akin lalo na sa kanya. Sila na lang ang naiwang pamilya niya. Kami.
"I'm sorry z. I just want her to be happy despite my decision. If you just know. I want her with me, with our family we will build--"
"I know all of that"
![](https://img.wattpad.com/cover/180227804-288-k680707.jpg)
BINABASA MO ANG
You're my special (COMPLETED)
General FictionSOMEONE'S SPECIAL BOOK 2 The 'pasta' or the 'carbonara'?