Chapter 9

19 3 0
                                    

AMIRA'S POV

Nakatulala lang ako habang paulit ulit na bumabalik sa isip ang mga nabasa kanina. P-Paano kung ginawa niya ito para patumbahin ako?

"Shhhh" hinahaplos lang ni ace ang buhok ko kaya humarap ako sa kanya at yumakap ng mahigpit.

Binasa niya din yung mga papel kanina. Wala siyang nagawa kundi ang patahanin lang ako. Pareho kaming nakahiga dahil kakagising ko lang sa matinding sakit. 

"This isn't good for you. Stop crying" kinuha ko lang ang papel para basahin ulit.

My children if you are reading this. I hope you will understand why I did this. Why I stole their name and power. It's not from us. Pinaghirapan yun ng asawa ni tawy. I made this letter after your kuya's incident. Natakot ako pero alam kong andyan si linc para sayo kaya ibalik niyo na sa kanila para mas ligtas ka at mas mabantayan ka niya kapag sila ang humawak ng lahat. Amira... I know you're smart enough so you knew my penmanship.

Nung namatay siya, nagkasundo kami na aakuin ko lahat. DAHIL PINILIT KO. Malungkot mang isipin pero ninakaw ko lang lahat. Sana mapatawad niyo ko. I am just a thief who wants a good family. Puntahan niyo si tawy at tanungin ang lahat. Sana maiintindihan niyo ko.

This paper indicate that everything that was under the name of smith will be taken away when the family of de la vega decided to take everything what they truly owned.

Land.

Capital.

Businesses.

Money.

Houses.

"Shhhh malalampasan mo din to" mahinang sabi niya. Umiiling lang ako.

"H-hindi ko kayang ilabas sa mundo ang totoo ace. P-Pinaghirapan to ni papá"

"Tutulungan kita, tutulungan ko kayo"

"Alam mo yung masakit? Yung nagaway kami ni ate para dito pero walang saysay lang pala lahat yun? Pinaghirapan ni papá at kuya lahat ng ito" nagpapasalamat ako na nandito siya sa tabi ko parati.

"Huwag kang magalala, aayos din ang lahat sa inyo"

"Sana nga ace"

"Anong plano mo ngayon?"

"Will you help me?" tumango siya kaya hinalikan ko. Kung saan saan na siguro ako pupulutin kung wala siya sa tabi ko parati!!

"I am willing just say what I can do for you"

"Pupuntahan ko siya ngayon sa kompanya" napatigil siya.

"Pagkatapos nito babalik na tayo"

"We should" sabay na kaming tumayo para magayos. Uuwi na kami pagkatapos nito.

***

Naglalakad na kami papunta sa opisina kung saan siya. Kanina pa ako nagtataka sa mga tingin na binibigay ng mga empleyado dito.

"Siguro tumatawa na ngayon ang mga stockholders dahil sa ginawa niya noong nakaraan"

"Sir, you can't just go inside" huminto na lang si ace at pinatuloy na ako. Bakit kailangan pa siya harangan???

"You won!" hinagis ko sa harap ng mesa ang mga sinulat ni papá "Or you really played everything to bring me down?!"

"A-amira"

"ARG! OO na alam ko hand written ni papá kaya ikaw na!!! Ano?! Dapat ba akong magpaparty?!!" tuluyan na siyang humarap sa akin at biglang nagiba ang ekspresyon. Dumako muna ang tingin niya sa kamay ko pero hindi ko na pinansin yun.

"H-how are you?" now he has this kind of tone? Walang gana ko siyang tinignan.

"I said you won. Pagmamay-ari niyo pala lahat, na magnanakaw si papá, kami tong dapat wala dito, na dapat hindi kita pinagtataasan ng boses, na dapat pati ako nakakulong, dinadamayan ang kapatid kong anak din ng magnanakaw, na wala akong karapatan na utusan ka. Ano pa ang gusto mong marinig mula sa akin?" umatras lang ako nang humakbang siya palapit.

"I-I just want you to s-stay with me"

"Babalik na kami sa new york para pagplanuhan ang kasal namin. Anyway kunin mo na ang dapat na sa inyo. I don't need your money I just need to be happy and I found it with ace sana lubayan mo na ako"

"Hindi ka pwedeng umalis!" nagulat ako dahil sa pagsigaw niya. Aalis na sana ako pero binuksan niya ang tv na nagpahinto sa akin.

"--balita po na ang negosyanteng si alejandro smith ay napatunayang hindi tunay na nagmamay ari ng lahat ng meron sila noon at hanggang ngayon! Kasalukuyan pong iniimbestigahan ng pulisya ang insidente noon sa punamaw na kilalang ka business partner na si Kristofer de la vega! Ngayon po kasalukuyang kinakausap ng mga pulis ang isa sa anak ni alejandro smith na si zaira smith!-" hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. H-how did h-he d-do that?

"Ang kapal ng loob mong sabihin sa lahat ang totoo!!"

"Diba dapat yan ang nararapat sa magnanakaw?! He will pay for what he did!"

"Edi ipakulong mo na din ako! Isa din naman ako sa gumamit ng kayamanan niyo!!"

"Gagawin ko! Huwag kang magalala!! Ikaw ang mabubulok sa kulungan! Tutal nakakuta na si z kaya siya ang tutulungan kong makalabas. I just played along with you but--" napalunok ako at humawak ng mahigpit sa doorknob. Tumawa siya ng konti pero kabaliktaran lang ang akin.

"W-wh--"

"Maganda ba ang larong hinanda ko sayo? Tignan natin kung anong mangyari sayo sa kulungan. Bubuksan ko ulit ang kaso niya at sisuguraduhin kong babaliktad lahat" mabilis akong umiwas ng tingin nang maramdamang gusto ng lumabas ng luha ko "Unless"

"Unless fvcking what?" parang natigilan siya saglit at kumurap muna ng ilang beses tsaka umiling ng konti.

"You will follow what I say or you can use me to change my mind. It's easy for you" may nilabas siyang papel kaya kumunot ang noo ko nang makita ang pirma ko doon. Humarap ako sa pinto para itago ang mukha "You can't say no, you signed what was written in the paper"

"Wala akong naaalalang pumirma ako" nat. Siya agad ang pumasok sa isip. Yung kontrata na pinirmahan ko!

"Wala man o meron nandyan pa rin ang pirma mo kaya sa ayaw o sa gusto mo susundin mo ako!" lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang batok ko.

"A-ano ba?!! Nasasaktan na ako Mr.de la vega!! Bitawan mo ko!" pilit niyang hinaharap sa akin ang papel kaya nagpupumiglas ako.

"BASAHIN MO!!" napapikit ako sa gulat. Kulang na lang ihampas niya sa pagmumukha ko yun.

"It's better to kill myself than reading those nonsense words!!! Get lost!" lumabas na ako at hinila si ace palayo.

BEA'S POV

"MA! Nababaliw na si kuya!"

"Maski ako rin anak, inakala kong itatago niya ang tungkol dito. Alam kong sobrang hindi nagustuhan to ng tatay mo kung nasaan man siya, naaawa ako sa mga nangyayari sa kanila anak"

"Maaa~ pagsabihan mo si kuya! Paniguradong nahihirapan na si amira ngayon ma!"

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ng kuya mo, anak"

*toktoktok* binuksan ko ang pinto pero mga pulis lang ang bumungad sa akin.

"Maaari ba namin kayong imbitahan sa katanungan?"

"P-po?" si mama na ang humarap sa kanila.

"Pasok kayo" sinundan ko lang sila ng tingin.

"Ma'am para po ito sa kaso ng asawa ninyo. Hihingi lang po kami ng konting sagot na magmula sa inyo"

"Sige, ano ba yun?"

You're my special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon