Chapter 37

10 2 0
                                    

AMIRA'S POV

Nagaayos na ako ngayon dahil maya maya lang aalis na din si ace.

"Hija saan ka?" ngumiti ako kay tita

"Maglakad lakad lang po" napatigil si ace sa pagaayos kaya lumapit ako sa kanya at ako na nagtuloy.

"At ayos na ayos ka?" umiwas lang ako ng tingin.

"Oo, sa mall ako pupunta"

"Sasama ako sayo"

"Naku wag na m-mapagod ka lang. Maglakad lakad lang ako" kinuha ko na ang bagong cellphone niya at ako na naglagay sa bag.

"Pero mukhang araw araw ka ding lumalabas, saan ka ba pumupunta?"

"Ha?? Ah eh ano kung saan saan, binibisita ko sina papá-- oo usually doon ako pumupunta"

"You sure?" hinawakan niya ang pisngi ko para pakiramdaman ang lagnat.

"Wala na bang masakit sayo?"

"Wala na ace salamat" hinalikan niya ako sa noo kaya niyakap ko muna siya "Diba may lakad ka pa? Pumunta ka na"

"Ihatid na kita" nanlaki ang mga mata ko at hinila siya papunta sa pinto.

"Wag na haays mamaya pa ako"

"Why?" papasok sana ulit siya nang isara ko ng konti ang pinto habang naiiyak na tumingin sa kanya.

"M-magccr pa ako! Oo ganun hehehe" bumuntong hininga nalang siya at hinawakan ulit ang pisngi ko.

"I'll go now, if something happen, call me okay?" nagflying kiss pa ako. Tumawa siya at naglakad na palayo. Humarap muna ako kay tita kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Tita mauna na ako"

"Sige hija" lalabas na sana ako nang may maalala ako.

"Ay yung bag ko pa po pala hehehe" matapos kong kunin yun ay tumakbo na ako pa labas. Sa ibang hagdan!!

Naglalakad lang ako. I am just wondering where he gonna take me? Tsk kung hindi lang dun sa pinakita niya kahapon hindi ako mapasama ngayon eh!

*beeep* nagulat ako dahil sa kotseng huminto sa tapat ko. Agad akong pumasok doon, baka may makakita pa sa amin!

"Now, where are we going?"

"You'll like it" napatingin ako sa kanya nang humalik siya sa may baba. Sh*t hindi ako nakareact!!

"Ano ba?! Ha?!" umakto ako na bubuksan ang pinto pero pinaandar niya lang ang sasakyan!! Hindi na ako kumibo at binalewala nalang yun.

***

"Linc? Why are we here?" hininto niya kase ang sasakyan sa likod ng simbahan.

"Let's go. The mass is about to start" sinundan ko lang siya ng tingin sa labas. Nataranta naman ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila palabas.

"Ayoko" sinara na niya ang pinto kaya umupo ako habang umiiling sa kanya "Ayoko"

"Why?" nagtataka siyang humarap sa akin. Hinawakan niya lang ng mabuti ang kamay ko.

"M-masusunog ako! Masama na ako nuh" parang batang sabi ko at tumingin na lang sa sahig. Hindi ko lang hinigpitan ang pagkahawak sa kanya dahil may sugat pa siya.

"No you're not let's go"

"Ayoko nga sabi!!" inalis ko ang kamay sa kanya at tumayo para buksan ang pinto ng kotse. H-huh ayaw!!!

"Problem amare?" lumapit siya sa akin. Bahagya akong tumagilid sa kanya dahil baka maiyak lang ako.

"Nothing, I just don't want to attend mass today--- open your car" palihim kong binubuksan yun.

"Tell me" tumahimik muna ako at tumingin sa loob ng kotse pero nakita ko lang ang repleksyon niya sa salamin!! Nakatitig lang siya na parang hinihintay talaga!!

*sigh* why does it hurt so much? Why does he need to do these to my family? Did I made a sin?

"Amare" mabilis akong humarap sa kanya at niyakap bago niya hawiin ang buhok ko.

"A-actually p-part of me is b-blaming h--"

"I knew you as a religious person. I saw you how hopeful you are when you prayed" he was right. Tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya dahil malapit na talaga akong maiyak!! Hinawakan niya ako sa bewang at pinalapit pa ng maigi.

"That was b-before" pumiyok na ang boses ko.

"Everyone has it's own misfortune"

"Bakit sa pamilya ko lang? Ang unfair naman ata!!" tuluyan akong naiyak.

"Hey listen to me" gusto ko sanang lumayo sa kanya pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko "Don't change from who you are before--and in the future. He is your hope in this world"

"Pero bakit sa amin nga lang nangyayari to?! Linc! Wala naman akong ginagawang kasalanan! Mabait sina kuya at papá!! Pero bakit sa kanila pa mismo nangyari to?!! Wala na akong tiwala"

"Everything happens for a reason. 'that' happened because there's something he want to happen. Wag mong sabihin yan"

"And what is that 'something'?? Me? Susunod kina papá??"

"That won't gonna happen! I won't gonna let that happen!"

"Then tell me that 'something'! He is mercil--" bago pa matapos ang sasabihin ko ay tinikom niya ang bibig ko gamit ang halik niya.

"You will see it not now but soon. There's no reason to be unfaith to him. Even me, still praying to get you" mahinang sabi niya. Umiwas ako at tumahimik na. B-bakit kailangan pa niya akong halikan?? Napakamot ako at mabilis na kinuha ang necktie niya.

"Y-yung make up ko nasisira" sabi ko at pinunas yun sa mukha ko.

"Do--"

"Aangal ka?? Pinaiyak mo ko!" hinayaan niya nalang ako kaya nagpatuloy lang ako sa pagpunas.

"I said let's go inside" napanguso ako. Sa kamay ko na siya humawak tsaka hinila na papasok.

BEA'S POV

"Cj! Saan na siya?" tanong ko nang makita silang dalawa ni jayson na nakatayo sa labas ng isang bahay.

"Bea/Ace" tawag nila sa amin. Si ace na nagbuhat kay emily kaya mabilis kaming nakalapit sa kanila.

"Dito daw huling nakita si nat kaso wala siya ng pinasok namin"

"Huh?" papasok na sana ako doon nang pigilan ako ni ace.

"It might be dangerous inside, let's stay here" tinignan ko muna silang dalawa ni emily. Humarap nalang ulit ako kay cj.

"Wala bang kahit anong lead para mahanap natin siya?" umiling lang siya at umakbay sa akin. Dinala niya ako medyo malayo sa kanila kaya nagtaka ako.

"We saw linc and amira earlier. May alam ka ba?" nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.

"S-seryoso?"

"Do you know something about this?" umiwas ako at sinilayan ng tingin si ace. Nagulat pa ako dahil nagtama ang tingin namin.

"T-tinulungan ko lang ng konti si kuya" nilipat niya ako sa harap niya para matabunan sina ace.

"Tinulungan? Are you both planning to break them? Both of you gone crazy about them. Nakikita mo gaano nila pinagkakatiwalaan ang isa't isa"

"Hindi h-hindi, hindi ko iniisip yan cj"

"Huwag kang gumawa ng kahit anong bagay na ikakasira nila, beatrice"

"H-hindi naman, h-hindi ko siya gusto" pagtatanggi ko at niyakap siya.

"I know you like him, don't deny it"

"A-ayos lang sayo?" kumunot lang ang noo ko nang hindi siya sumagot.

"NAT?!?"

"Kuya??!" mabilis kaming lumingon sa kanila.

"N-nat?!!!" napatingin din siya sa amin. Nabitawan niya ang plastic na hawak niya at mabilis na tumakbo.

"NAAAT!!" binitawan ni ace si emily para sumunod sa dalawa na humabol kay nat.

You're my special (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon