BEA'S POV
Kinuha ko si emily at pinaupo sa lap. Tinignan ko ang lalakeng bagong bago sa paningin ko. Matanda na siya, maputi ang buhok at nakakatakot ang awra!
Naguusap sila nina kuya ngayon sa may dining kaya napagpasyahan kong dito sa sala sila tignan.
Nagtataka pa ako kanina nang makita siya sa pinto. Tinawag ko si mama pero hindi ko inasahan ang reaksyon niya pati si kuya nang makauwi siya dito. Natakot pa nga ako nung una dahil seryoso lang ang mukha niya pero nagbago yun nang salubungin siya ni mama.
Masaya silang umiiyak habang tinitignan-- si papa. Papa? Hindi ko siya kilala kasi hindi ko siya naabutan, wala ding litrato.
"Kris, p-paano? Paano? Sino yung nilibing namin?"
"I don't know taw, pero desisyon ko yung ginawa ko dati"
"Pero paano mo kami nahanap?"
"Kalat ang balita niyo sa tv kaya hindi ako nagdalawang isip na puntahan kayo dito. Isang araw nagising ako sa isang tabing dagat, bumalik ako noon sa dating bahay nina alejandro pero wala na yung bahay, hindi ko alam paano ko kayo hahanapin noon, may tumulong sa akin kaya nakabangon ako ng kaunti"
"P-pa, do you know who's behind these?"
"Wala anak, ako ang nagpili nang gusto kong tahakin hindi ko inisip na may maiiwan pala ako dito, pasensya na anak, tawy"
"Wala yun, ang mahalaga nandito ka na, makakasama ka na namin"
"A-akala ko ba patay na siya?" yun na lang ang lumabas sa bibig ko at tumingin sa dalawa.
Napaayos ako ng upo nang lumingon si mama sa akin at sumenyas na lumapit ako. Binaba ko muna si emily at dahan dahang naglakad papunta sa kanila.
"M-ma?"
"Siya na ba?" nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Tinignan ko sina kuya at pareho silang nakangiti sa akin. Pati ako napapangiti na rin kahit gulong gulo pa ako.
"D-diba po p-patay na kayo?" kumalas siya sa yakap at humarap sa akin. Pinagmasdan ko siya ng mabuti at kahawig nga niya ng konti si kuya, yung kilay niya n-nakuha ko din.
"I thought about that too but no, I am still alive. I never imagine I can survive from this disaster. Sa ibang bansa ako namalagi noong nawalan na ako nang pag-asa na makita kayo" lumapit sina kuya at mama sa amin at nagyakapan kami. NOW I KNOW MAGALING MAGENGLISH SI KUYA. Dati na ba kaming mayaman? Si kuya na nagaaral sa private school? Waaaaaa!!
"Anak, buhay ang papa mo" naiiyak na namang sabi ni mama. Hindi ko alam pero parang nagugustuhan ko na dahil magkakaroon na rin ako ng tatay, yung kadugo ko.
Tinignan ko lang sila nang hilahin ni mama si p-papa papunta sa sala. Tinignan ko muna si kuya kaya napatigil din siya.
"I know you can't believe but it is really him beatrice, even I"
"K-kuya masaya ako" niyakap ko siya.
"Ngayon, isipin natin kung paano tayo babawi sa mga panahong nawala siya" tumango ako at pumunta na kami sa sala.
"Hello po/hi po" bati nina grace at santi. Nakaakbay lang si kuya sa akin kaya hindi na naaalis ang ngiti ko. I-ito ba ang pamilya? Kompleto kami.
"Sino tong dalawang batang to?"
BINABASA MO ANG
You're my special (COMPLETED)
General FictionSOMEONE'S SPECIAL BOOK 2 The 'pasta' or the 'carbonara'?