AMIRA'S POV
Tahimik akong nakaupo sa sofa habang nakatitig lang sa vase na nasa harap namin. Pinatong ko ang ulo sa balikat ni ace kaya inayos niya ang pagkakakumot sa akin. Itinaas ko ang mga paa para yakapin ang mga tuhod ko.
"Yaya ang pagkain po!" utos ni bea. Dinala nila kami sa bahay nila pero mas gusto kong sa apartment na lang kami.
"Miss, kumain po muna kayo" sabi sa akin ni yaya.
"Maraming salamat ebeth" si ace na tumanggap nung tray. Nagpapasalamat akong nandyan siya pero ayokong gumalaw, ayokong magisip ng sobra lalo na't tahimik lang siyang nakaupo sa kabilang side ko.
"Sina papa na bahala sa nangyari bestfriend, sorry" matamlay akong tumingin sa ginawang paghahanda ni ace ng pagkain.
P-papa? Sinong papa niya? Wala na siyang tatay diba? Napatingin kami sa may pinto nang makita si nanay na may kasama.
"Kamusta ka na?" lumapit si nanay sa amin at tinignan si ace "Hijo pwede bang ikaw na lang ang kakausapin namin?"
"Ah opo" inayos muna ni ace ang buhok ko at tumayo na sila.
"Ma sama ako" sabi pa ni bea.
Napatingin lang ako sa lalakeng kasama nila at ngumiti ng kaunti dahil baka bagong asawa yan ni nanay. Hmm pero kahawig niya ng konti si linc. Hindi ko na sila nakita kaya tumingin na lang ulit ako sa vase.
Flashback
"Alam mo hija hindi ka criminal type eh"
"P-po*sip*" pinahid ko ang mga luha ko at tumingin sa babaeng mukhang kaseng edad ko lang.
*clap* nagulat ako sa pagpalakpak niya na parang nagulat nang makita ako.
"Jackpot naman oh! Ikaw yung dating negosyante na may jowang gwapo!" pilit lang akong ngumiti tsaka inayos ang pagkakayakap sa mga tuhod ko.
"B-bakit?*
"Idol ko kayo! Sinusubaybayan ko po ang mga ginagawa mo, bago lang din ako dito kaya nahinto na!" lumapit pa siya sa akin kaya medyo natakot ako-- kase criminal sila? Pero nandito din ako kaya criminal na din ba ako? Umupo siya ng maayos sa tabi ko at biglang naging seryoso "Alam mo ba dumaan dito yung kapatid mo?"
"Si ate zaira?" kase nakulong din siya kaya ba--
"Hindi, yung n-- nat-- nathalia?" napatingin ako sa kanya at lumabas na naman ang mga luha. B-bakit?!! N-nakulong din siya?! Bakit?? "Basta basta na lang silang dinala dito ng mga pulis tapos alam mo bang sa likod pinapahirapan nila yung kapatid mo tapos pinipilit sa kung ano, rinig na rinig dito yung sigaw niya eh pero nanatiling tahimik ang mga pulis dito"
*sip*
"Kaya lang nakatakas siya. Ano yung kaso niya eh, ahmm yung murder ata? Sino ba gumawa nun? Sino ba talaga pumatay?" yumuko ako.
BINABASA MO ANG
You're my special (COMPLETED)
Fiksi UmumSOMEONE'S SPECIAL BOOK 2 The 'pasta' or the 'carbonara'?