2

1.4K 25 0
                                    

"Kamusta ka na?"

Mapahinto siya at nakaramdam siya nang panginginig sa kanyang tuhod, "Ahmm... m-mabuti naman."

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan? Dahil ba sa nakaraan niya sa lalaking yun o dahil sa mas gumuwapo at naging mas appealing ito ngayon.

Nag-excuse ang lalaking yun kina Yannie at lumapit siya kay Ginny. Nagtinginan naman ang iba nilang kasamahan sa kanila, mukhang naiintriga sa namumuong tension between them.

"I heard that..."

"You heard na ikakasal na ako?" biglang sagot ni Ginny sa lalaki, "Yes that's true. Im engaged with Benjie Dy." Pagmamayabang niyang sinabi sa lalaki.

"Ah talaga." Ang sagot nito sa kanya, "Congrats and best wishes sa inyong dalawa."

"Salamat." Saka niya binulungan ang lalaking yun, "Am... LJ, puntahan ko muna yung ibang kasamahan natin, masyado na kasi tayong pinagtitinginan rito."

"Oh yes, sige. Nice seeing you again, Ginny." At saka ito lumayo sa kanya upang kausapin nila ang iba nitong kasama.

Agad napatakbo sa CR si Ginny at napatingin sa salamin, "Grabe... siya na ba yun?" Pinagmasdan niya ang kanyang sarili, "Naku, ano kayang itsura ko kanina? Mukha kaya akong namumutla kanina, magulo kaya ang buhok ko." Sabay labas ng suklay at make up upang i-retoruch ang sarili.

Sandali siyang napapikit, "Okey lang yan Ginny, past is past sabi nga nila. Ikaw na rin ang nagsabi sa kanya, youre engaged. Youre engaged Ginny kaya hindi ka na dapat maapektuhan." Huminga muna siya ng malalim at saka lumabas sa CR na iyon.

Makatapos niyang bumuntong hininga at mag-ayos ng kaunti ay patuloy pa rin ang kaba sa dibdib niya. Dumaan ang isang waiter na may dala na isang tray na kupita agad siyang kumuha ng isang kupita ng alak at ini-straight niyang inumin ito.

"Hey Ginny." Ang tawag sa kanya ni Yannie at napatingin ito sa hawak niyang kupita ng alak na walang laman, "Are you okey? OMG Ginny, Im sorry akala naman kasi namin hindi makakarating Pilipinas si LJ."

"Ano ka ba, okey lang yun. Di ba sabi ko naman sayo hindi na ako affected diyan kay LJ. Nakita mo naman kanina, nag-usap pa kami. We are okey." Dumaan uli ang isang waiter at kumuha muli ng alak si Ginny upang inumin ito.

"Are you sure?" nagulat si Yannie nang dire-diretsong ininom ni Ginny ang isang basong alak na iyon.

"Yah, oo naman. Don't worry about me Yannie, sige na, you can entertain our other batchmates." Saka umupo si Ginny sa isang upuan.

Pinagmasdan niya ang mga tao sa paligid ng room na iyon, ang kanyang mga kabatchmates.... Si LJ.

Napatitig siya kay LJ. Feeling niya parang teenager siya uli na dead na dead sa lalaki. Hay LJ... ang pogi-pogi mo pa rin, mas pogi ka pa nga ngayon eh. Hay Lord, ano ba itong iniisip ko? Dapat hindi koi to iniisip, dapat hindi ko siya pinagmamasdan, may sari-sarili na kaming buhay, naka-move on na kami pareho at higit sa lahat ayoko ng masaktan uli.

Napahawak sa noo niya si Ginny nang maramdaman niyang parang umiikot ang paningin niya.

"Gosh, tinamaan na yata ako." Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit kay Yannie.

"Oh Ginny, what's happening?"

"Yans, I think I have to go."

"Are you feeling bad Ginny?"

"No." agad na sinagot ni Ginny, "Ayos lang ako. Parang lang napagod ako, siguro I need to have some rest."

"Sige. Gusto mo pahatid ka namin sa sasakyan mo o di kaya ipapahatid na kita hanggang sa bahay mo, mukha kasing hilo ka na."

Pinalo ni Ginny sa braso si Yannie, "Ano ka ba, hindi ako nahihilo, kaunti lang naman ang ininom ko. Sige, mauna na ako." At saka lumabas ng kuwartong iyon si Ginny.

Nagmamaneho ng sasakyan si Ginny nang biglang huminto ang makina niya.

"Hala anong nangyari?" napatingin siya sa bintana ng sasakyan niya at napailing siya sa malakas na buhos ng ulan, "Pambihira kahit kailan malas talaga sa akin ang ulan."

Ngunit wala ng choice si Ginny kundi lumabas ng sasakyan upang silipin ang makina nito. Wala siyang bitbit na payong kaya wala siyang nagawa kundi magpaulan na lang.

Napaakap siya sa kanyang sarili dahil sa lamig,"Grabe ang lamig." Nanginginig pa ang buong katawan dahil sa ginaw, "Lord ano bang gagawin ko?"

Beep! Beep!

Napatingin si Ginny sa sasakyang bumisina sa kanya. Lumabas don si LJ na may dalang payong at agad na pinayungan ang dalaga.

Payong... ulan... si LJ. Parang tulad ng dati. And now what's next?

"LJ..." hindi niya alam kung bakit siya napangiti nang makita na parang superhero ang lalaki na sinaklolohan siya.

"Ginny, basang-basa ka..."

Hindi niya alam din kung bakit siya tumingkayad upang abutin ang batok ng lalaki upang halikan ito sa kanyang labi.

She closed her eyes.

Hindi niya ma-ideny sa sarili niya kung gaano niya na miss ang mga halik na iyon.

Hindi na rin namalayan ni LJ na nabitawan na pala niya ang hawak niyang payong at kesa payong ang hawakan niya ay mas pinili niyang hawakan ang mukha ni Ginny upang mas lumalim ang mga halik nito sa kanya at mas malasahan pa niya ang matamis na alak na ininom nito.

Sandaling naghiwalay ang kanilang mga labi at hinaplos ni Ginny ang basang mukha ng lalaki, "I love you, LJ."

Isang ngiti ang itinugon ni LJ sa kanya at muli siyang hinagkan sa labi nito.

"Hmmmm..." napaikot mula sa pagkakahiga si Ginny nang maramdaman niyang nakapalupot sa buong katawan niya ang isang makapal na blanket. Napamulat siya ng mata at nagtaka siya dahil hindi niya alam kung nasaang kuwarto siya.

"Wait... hotel ba ito?" ang tanong niya sa kanyang sarili saka sinilip ang katawan niya sa loob ng blanket, "Bakit wala akong suot?"

Agad siyang napaupo sa kama at pilit na tinandaan ang nangyari sa kanya nang kinagabihan non.

Ang naalala niya, nahihilo siya, medyo lasing, tapos huminto ang makina ng sasakyan niya at wala siyang choice kundi magpaulan upang silipin ang makina ng sasakyan niya. Then dumating si LJ, pinayungan siya nito, natuwa naman siya, bumalik sa alaala niya ang mga nakaraan nila ni LJ, maslalo na ang kiss in the rain.

Bigla siyang napatakip ng bibig niya, "Kiss in the rain. Nag-kiss in the rain kami ni LJ."

Napatingin siya sa pintuan ng CR nang bumukas ito at lumabas don si LJ na walang saplot na pang-itaas, nakatapi lang ng tuwalya at pinupunasan ang basa niyang buhok.

"Oh, Ginny, gising ka na pala."

Tinignan uli ni Ginny ang kanyang sarili, wala siyang saplot, tumingin siya kay LJ, wala rin itong suot at saka siya napasigaw ng "Waahhhh!!!!"

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon