24

638 20 2
                                    

"Sa Singapore?"

"Yes Madam, na trace po namin na sa Singapore po nanggaling ang mga litratong yan."

"Hayop na LJ na yan di niya talaga ako patatahimikin."

"Iniisip niyo po bang yung lalaking kasama niyo ang nagkalat din ng picture na yan?"

"Sino pa nga ba? Eh siya lang naman ang kumukuha niyan sa celphone niya eh." ang sabi ni Ginny.

"Pero Madam, kayo ba ng LJ na yan..."

"Of course not!" ang sabi ni Ginny, "Tinatakot lang ako ng lalaking yan kaya ako sumasama sa kanya."

"Pero Madam, hindi ka naman mukhang takot sa mga pictures na yan, ang ganda-ganda mo nga eh."

"Shut up! Anong alaman mo sa mga pictures na yan, pinilit niya akong magsmile!" ang sigaw niya sa kanyang sekretarya.

Napahawak si Ginny sa ulo niya, naguguluhan siya di niya alam ang kanyang gagawin, ikakasira ito ng career nya!

"Leave me alone muna. I need to think for a solution."

Sumunod ang mga staff niya at lumabas ang mga ito ng opisina niya.

Nagulat siya nang tumunog ang phone niya at bigla niyang kinuha ito nang makitang si LJ ang tumatawag sa kanya.

"Nagustuhan mo ba yung collage na ginawa ko?"

Nanggigil si Ginny sa sinabi ng lalaki. Masisira na nga ang career niya nakuha pa nitong mang-asar.

"Why did you do that?!"

"Gusto ko lang ipakita sa mundo kung saan ka talaga masaya... At iyon ay sa piling ko."

"Gaano kasiguradong mahal pa kita! At kung mahal pa nga kita wala ka ng pakialam don. Iwanan mo na ako! Tigilan mo na ako!"

"Hindi ko kaya... Im sorry."

"Ano bang gusto mong gawin ko ha? LJ naman! Wala na akong oras para sugurin pa kita riyan sa Singapore upang tigilan mo na ako!"

"Hindi kita titigilan hanggang hindi ka mapapasaakin. I want you back at hindi mo na kailangang magpunta ng Singapore para pigilan ako dahil hindi ako hihinto."

"A-anong ibig mong sabihin?" napatingin siya sa pintuan ng opisina niya. Parang may naririnig siyang kaluskos doon.

Madali siyang nagpunta ron at binuksan ang pintuan.

Bumungad sa kanya si LJ hawak ang telepono nito.

Nakanganga ang mga kasama niya sa Poise kay LJ. HIndi sila makapaniwalang nasa loob na ng office nila ang lalaki sa picture... Ang sinasabing other guy sa buhay ng boss nila.

"Im here." Binitawan ni LJ ang phone niya at sabay kabig sa bewang ng ex upang hagkan ito.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon