4

1.1K 28 0
                                    

Bumaba ng parking lot si Ginny nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Kinilabutan siya at agad lumingon pero walang tao sa likuran niya mabilis siyang nagtatakbo at naramdaman niyang may mga yabag din na paa na parang sumusunod sa kanya kaya agad siyang lumingon uli, "Ano ba?!"

"Madam." nahimasmasan si Ginny nang makitang si Gina pala ang sumusunod sa kanya.

"Gina ano ka ba?! Tinakot mo ako bakit mo ba ako hinahabol?"

"Madam nakita ko lang po itong flash drive na ito na nahulog niyo kanina sa elevator."

Napatingin siya kay sa flash drive at agad iyong kinuha sa kanyang sekretarya, "Salamat. Sige na makakauwi ka na."

"Yes Madam." at umalis na si Gina sa Parking lot na iyon.

Pumasok sa loob ng kotse niya si Gina nang tumunog ang phone niya at sinagot niya ito, "Hello?"

"Hi Miss Beautiful...."

Kinabahan si Ginny sa mahiwagang boses na iyon for it seems familiar , "Sino ito?"

"Grabe." narinig niyang nagbuntong hininga ang lalaking nasa kabilang linya, "Nakakatampo ka naman... nakalimutan mo na ang boses ko."

"Eh sino ka nga?!" ang galit niya ng tanong sa kanyang mystery caller.

"I miss you Honey."

Maslalong kinabahan si Ginny He called her Honey.

"LJ ikaw ba yan?"

Narinig niyang tumawa ng malakas ang lalaki.

"LJ ano bang problema mo? Bakit mo ba ako ginaganito?" ang tanong niya sa lalaki.

"Di ba ako ang dapat magtanong niyan sayo bakit mo ako ginaganito? Nong isang gabi lang ang saya-saya natin tapos ipapa-ban mo ako sa office mo at binilinan mo pa ang sekretarya mo na para akong isang kriminal."

"LJ kalimutan na natin yun. Yung nangyari sa atin last night mali yun."

"Sa tingin mo ba madaling kalimutan yung gabing yun. Sa gitna ng ulan you kissed me na parang tulad nong mga teenager tayo You keep saying na mahal mo pa rin ako, na sobrang namimiss mo na ang mga yakap at halik ko."

Hindi na mapigilan ni Ginny ang maiyak gusto niya ng mabingi sa mga naririnig niya sa kanyang ex.

"Nararamdaman ko na you still longing for me Sabik na sabik ka sa akin the way you called me Honey, the way you touched me, the way you kissed me and the way you give yourself to me."

The way you give yourself to me. Hindi matanggap ni Ginny ang mga salitang iyon mula kay LJ.

"Tama na! LJ naman tantanan mo na ako. May sari-sarili na tayong buhay wag na nating ibalik yung kung anong meron tayo dati."

"Hindi ako naniniwala sayo, alam ko kagabi, kung may choice ka lang you want me back in your arms again."

"Shut up LJ, you are wrong. Hindi na ako yung naïve na teenager na naghahabol sayo non, iba na ako."

"Iba ka na? Yan ba ang inaakala ng ibang tao sayo ha? Na iba ka na. Well ano kaya ang sasabihin nila kapag nalaman nila ang nangyari sa atin kagabi."

Nagtaasan ang mga balahibo ni Ginny sa sinabi ng kanyang ex sa kanya. Sa tingin niya nagbago na ang lalaki, hindi siya makapaniwala na nasasabi ito ni LJ sa kanya, "Bina-blackmail mo ba ako?"

"Ikaw ang unang nagsabi niyan tungkol sa akin. Sinabi mo sa Sekretarya mo... ginagawa ko lang."

"At sa tingin mo naman matatakot mo ako? Sa tingin mo maniniwala sila sayo? Nagkakamali ka." Ang mapanghamon niyang sinabi sa lalaki.

"Ohhh... ahhhh...." Nagtaasan lalo ang mga balahibo ni Ginny nang marinig niya ang kanyang boses sa background ni LJ, "Oh Honey... give it to me... Ahh... Ahhh..."

Napahawak si Ginny sa bibig niya sa kanyang naririnig.

"Ang sarap talagang panoorin ng sex video natin, Ginny." Sabi ni LJ kay Ginny in his husky and sexy voice, "Alam mo, Honey, isang pindot ko lang sa computer ko kakalat na ito sa internet entitled Former First Daughter sex scandal with her ex."

"Ang sarap talagang panoorin ng sex video natin, Ginny." Sabi ni LJ kay Ginny in his husky and sexy voice, "Alam mo, Honey, isang pindot ko lang sa computer ko kakalat na ito sa internet entitled Former First Daughter sex scandal with her ex."

"Napakabastos mo." Ang nangigigil sa galit na sinabi ni Ginny sa kanyang ex, "Ano bang gusto mo para tumahimik ka?! What do you want? Tell me, magkano ba ang gusto mo?"

"Ouch! Kung magsalita ka naman parang wala tayong malalim na pinagsamahan. Alam mong hindi ako ganyan Ginny."

"Eh ano ngang gusto mo?!"

"Ikaw."

"Anong ako?"

"I want you Ginny."

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon