19.2

597 18 1
                                    

Dear Ginny...

Lumaban ka....

Alam mo naman my trauma ka sa kiss in the rain di ba?

Bakit di ka makalaban?

Bakit di mo siya maitulak?

Bakit di mo siya bayagan tapos tadyakan tapos tumakbo kang palayo sa kanya?

Dahil ba he is damn a good kisser...

At isa kang babaeng marupok na nahihibang sa mga halik at yakap niya.

Or dahil ang totoo niyan... Mahina ang puso mo dahil mahal mo talaga siya?

Ilang segundo ay naghiwalay ang mga labi namin at isinandal niya ang noo ko sa noo niya.

"I love you Ginny." ang sabi niya sa akin.

"Ayoko. Ayoko na kitang mahalin uli."

"Ginny..."

Inalis ko ang pagkahawak niya sa akin at tinalikuran siya.

"Ginny.."

Hinabol niya ako at niyakap niya ako sa likuran niya, "Sa akin ka masaya di ba? At hindi sa kanya?"

"Lj, Im begging you. Tigilan niyo na ako. GUsto ko ng kalimutan ang feelings ko sayo at magfocus na lang sa career ko."

"Ginny hindi. Hindi ganyan ang Ginny na nakilala ko non. Gusto kong bumalik ang Ginny na totoo kung magmahal, yung ipapakita niya sa taong mahal niya na talagang mahal na mahal niya ito. Magpakatotoo ka naman. Ibalik mo yung dating ikaw."

"Im sorry Lj, hindi ko na kayang bumalik sa dati. Kasi yung dating Ginny, grabeng masaktan. Ayoko ng masaktan Lj, ayoko na sayo."

Inalis ko ang mga braso niyang nakapalupot sa akin at saka ako tumakbo...

Tumakbo...

Nang malayong-malayo sa kanya.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon