6.2

777 18 1
                                    

Agad inalis ni Ginny ang kamay niya, "Tayo pa non, hindi na ngayon." At saka bumalik ang dalawa sa pinapanood na pelikula.

May isang eksena sa movie na pinapanood nila na raining scene tapos ay hinalikan ng bidang lalaki ang leading lady nito sa gitna ng ulan.

Binulungan muli ni LJ si Ginny, "Naalala mo ba yung first kiss natin? Yung kiss in the rain?"

Tinignan ng masama ni Ginny si LJ, "Ayoko ng maalala."

Natigilan si Ginny sa mga susunod pa ng eksena ng pelikula. Love scene na ito. Kung saan after mabasa ng ulan ang dalawang bida ay saka sila sumilong sa isang kubo, naghubad ng kanilang mga saplot sa katawan, humiga sa sahig ng kubo ang babae at saka umimbabaw sa kanya ang bidang lalaki. The scene is so hot at napalunok na lang si Ginny at napahawak sa batok niya. Naalala niya ang kailan lang na nangyari sa kanila ni LJ.

"Ganito rin kaya yun?" ang tanong niya sa kanyang sarili.

Bumulong muli si Lj sa kanya, "Ganyang-ganyan yun..."

Kinilabutan si Ginny sa sexy na boses ng lalaki. Para tuloy gusto niyang hilahin ang lalaki at dalhin somewhere at gumawa ng sarili niyang love scene.

Tinignan niya lang si LJ at nagconcentrate uli sa pinanonood nilang pelikula.

"Ginny, kape-kape naman tayo." Ang anyaya sa kanya ni Lj pagkalabas nila ng sinehan, "Like the old days."

Inayos ni Ginny ang suot niyang shades at tinignan si Lj, "Bakit ba ang hilig mong mag-throwback?"

Ngumiti si Lj sa kanya, "Wala lang. Masarap kasing balikan ang nakaraan."

Pumamewang si Ginny kay Lj, "Feeling mo naman bet na bet kong makipag-memory lane sayo."

"Ginny naman kung magsalita ka naman para namang di tayo naging masaya non."

"Kung magsalita ka Lj parang wala kang ginawang mali noon. Parang ang dali-dali mong sabihin ang lahat? Parang hindi mo ko sinaktan? O baka naman hanggang ngayon niloloko mo pa rin ako?"

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon