LJ
"Boss dito lang po." pinahinto ko ang taxi na sinasakyan ko sa bahay ng mga de Silva.
Nagdoor bell ako at saka ako pinagbuksan ng kasambahay nila.
"Si Sir Mikee?" ang tanong ko sa kasambahay.
"Ay Sir Lj andyan po sa loob, hinihintay nga po kayo eh."
Ngumiti ako at pumasok ng bahay kung saan ko natagpuan si Sir Mikee kalaro ang isa sa mga alaga niyang aso.
"Hey LJ. Come here. Pasensya ka na at tinitrain ko lang itong si Pogi."
"Sir Mikee, babalik na si Benjie Dy."
Napatingin sa akin si Sir Mikee, "Sabi nga nila."
"Hindi ko na ba itutuloy yung pinag-usapan natin?"
"Depende yan sayo." ang sabi ni Sir Mikee sa akin, "Ano ba sayo ang kapatid ko?"
Ang totoo niyan... Salamat kay Sir Mikee at nadestino ako rito sa Pilipinas.
Sa Singapore pa lang ay kinausap na ako ni Sir Mikee tungkol sa nangyayari ngayon sa kapatid niyang si Ginny. Pina-imbestiga niya kasi si Benjie Dy at natuklasan niyang ang pangtataksil na ginagawa nito sa kapatid niya kaya nagalit siya at pinatawag ako.
Bilang dating ka-relasyon ni Ginny ay nabother din ako sa nalaman ko mula kay Sir Mikee. Alam ko kung gaano magmahal si Ginny, naranasan ko yun sa piling niya and she doesnt deserve Benje Dy, nor me.
Hindi ko naman kasi ginagawa ito para mahalin uli ako ni Ginny, gusto ko lang siyang tulungan... Ipa-realize sa kanya na hindi niya dapat idahilan ang nangyari sa amin before para di na magmahal ng tapat uli.
Na hindi dapat ginagamit ang isang relasyon para umangat siya sa career niya. Gusto kong makita ang dating Ginny na nakilala ko... Isang happily inlove.
"Ako kasi gusto kong makitang sumaya muli ang kapatid ko sa taong mahal niya." ang sabi ni Sir Mikee sa akin, "Ikaw ba?"
"Gusto ko rin siyang sumaya sa taong tunay na nagmamahal sa kanya." ang sabi ko kay Sir Mikee.
"Ikaw, anong balak mo? May iba ka pa bang plano para mabago ang isip ng kapatid ko?"
Hindi naman ako obligadong sundin si Sir Mikee pero sa puso ko gusto ko talagang bumalik ang dating Ginny na nakilala ko.
Pero paano ko gagawin yun kung nararamdaman ko pa ring mahal pa rin niya ako? Alangan namang sabihin ko sa kanya ... Ako na lang. Mahiya naman ako sa sarili ko di ba?
Initially ang plano ko talaga ay magpakita lang sa kanya pero dahil nga sa inakala niyang may nangyari sa amin nong gabing yun at parang takot na takot siya ay naisip ko tuloy ang five dates na ito.
Ano na nga bang gagawin ko... May isa pang date na natitira...
BINABASA MO ANG
9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVE
RomanceGinny is a well known personality, the daughter of the former president of the Philippines, ang editor in chief ng sikat na fashion magazine and fiancé ng isang bigating businessman. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay sa kanyang caree...