8

651 17 0
                                    

Inabangan ni Ginny si LJ sa labas ng hotel na iyon. Nang matanaw niya ang sasakyan ng lalaki ay napangiti siya, "Huh. Tignan lang natin kung mabobola mo pa ako ngayon. "

Inihinto ni Lj ang sasakyan niya sa tapat ng hotel at hinabilin yun sa valet upang ipark sa parking lot.

"Im glad you came." napatingin si Ginny sa itsura ng ex. Poging-pogi ito sa suot na puting polo na chinese collar at naka-gel ang buhok. Hindi rin maiwasan ni Ginny ang mapalanghap sa amoy ng ex. Lalaking-lalaki kasi ang amoy nito.... para tuloy ayaw niya ng yayain itong pumasok sa loob ng function room bagkus ay nanaisin na lang niya itong hilahin pumasok sa isang kuwarto ng hotel upang ma-solo ang lalaki.

"Bakit naglalaway ka?"

Nagulat siya sa tanong sa kanya ng lalaki kaya napahawak siya sa labi niya. Hala! Naglalaway nga siya kaya agad nitang kinuha ang panyo niya at pinunasan ito.

Natawa naman si Lj sa kanya, "Saan ka kaya naglalaway? Sa akin? Anong akala mo sa akin Lechon?'

Nanlisik ang mga mata ni Ginny sa sinabi ng lalaki. Ang kapal! Feel na feel niya talagang landiin ako ha. Huh... humanda ka mamaya... tignan ko lang kung makakapagsalita ka pa.

"May Lechon ngang handa sa loob. Nagutom tuloy ako. Halika na."

Inoffer ni Lj ang kanyang braso upang hawakan ni Ginny, "Di ba sabi mo escort mo ako."

Ngumiti si Ginny at saka isinabit ang braso niya kay Lj.

Pagpasok nila ni Lj sa maliit na function room ng hotel na iyon ay agad nagtinginan ang mga tao sa kanila.

"Andyan na si Tita Ginny!" ang sabi ng ngayo'y teenagers na kambal.

"Alejandro?" ang sabi ni Mabel pagkakita sa lalaking dala-dala ni Ginny. Lumapit si Mabel sa dalawa, "Oh my gosh Alejandro ikaw na nga yan."

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon