3.1

1.2K 22 0
                                    

Balot pa rin ng makapal na blanket ay mabilis na tumayo si Ginny sa kama na iyon at agad na nagkulong sa CR na pinanggalingan ni LJ.

Sinarado niya ang pintuan ng CR at sumandal siya ron, "Lord, bakit po? Bakit niyo po hinayaang mangyari sa akin ito? Bakit niyo po ako hinayaang mahulog sa tukso?" hindi niya napigilang umiyak, "Anong gagawin ko nagkasala ako?"

"Ginny?" ang sabi ni LJ na kumakatok sa pintuan ng CR na iyon.

"Hala, kumakatok siya, naku po baka gusto pang manghingi ng isang round. Naku po anong gagawin ko?" ang sabi ni Ginny sa kanyang sarili.

"Ginny."

"LJ, please not now." Ang sagot niya rito.

"Not now? Eh gusto ko lang namang iaabot sayo yung mga damit mo, tuyo na kasi pwede mo nang suotin."

Tama si LJ, kailangan niya ngang magbihis ng maayos kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pintuang iyon at sinilip ang lalaki.

Nakasuot na ng puting T-shirt si LJ at shorts at inaabot sa kanya ang suot niyang black dress kagabi.

Kinuha naman ni Ginny ang damit niya sa lalaki, "T-thank you." At saka muling isinara ang pintuan ng CR.

"Ahmmm... ayos ka na ba?"

"A-ayos lang ako." Ang sagot niya sa lalaki habang sinusuot niya ang damit niya.

"Gusto mo ihatid na kita sa inyo."

Napahinto sa pagbibihis si Ginny. Naku po Lord, baka iniisip niya dahil sa nangyari sa amin automatic nagkabalikan na kami.

"No need, LJ."

Nang makabihis na ng damit niya si Ginny ay lumabas na ito ng CR at inabot niya ang blanket kay LJ na nakaupo sa kama.

"Salamat LJ ha, pasensya na sa abala." Kinuha niya ang bag niya sa isang table don, "Sige uuwi na ako."

"Am, Ginny wait."

Natigilan si Ginny at napapikit. LJ naman, wag na nating pag-usapan yung mga nangyari kagabi.

"Yung kotse mo pala, pinapick up ko sa malapit na talyer." At saka inabot ni LJ ang resibo at address ng talyer.

"Thanks ha." Ang sagot ni Ginny sa kanya at saka tumalikod sa lalaki.

"Ginny." Tinawag muli siya ni LJ na muling nagpakaba sa kanya, "Ginny yung nangayari sa atin kagabi."

Agad na nilingon siya ni Ginny, "Walang nangyari kagabi LJ. Kalimutan na natin yun. One night stand lang yun, sex lang yun."

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon