"LJ?"
Ngumiti si Lj sa akin.
"A-anong.."
"We invited him to come over here in NY Miss Ginny, magastos kasi kung uupa pa kami ng place sa Singapore for his interview. Buti na lang at nagkataong may seminar si Sir LJ dito kaya magkasama na lang kayo iinterviewhin."
"Huh... Ah... Buti na lang pala noh... Nice meeting you here, LJ."
"So lets start the interview."
Nagsimula ang pagrolyo ng kamera, pinag-usapan ang naging trabaho namin sa Pilipinas at kung paano kami napunta sa ibang bansa tapos yung pagsubok na pinagdaanan namin sa ibang bansa.
"So Miss Ginny, you graduated at.." nagulat ata si DIna nang mapatingin siya sa profile ko, "Oh, you have the same school, the same course at batchmates pala kayo ni Sir LJ."
"Yah, we are..."
"We are friends before." ang sabi ko kay DIna.
"Yes we are, boyfriend-girlfriend." ang sagot naman ni LJ.
Napatingin ako ng masama kay LJ.
"Malalaman din naman nila." ang sabi niya sa akin.
"Oh shocks I remember.." napahawak sa bibig niya si Dina, "You are in the... Oh shocks Im sorry about this."
"That's fine. Anyway past is past, di ba LJ."
Ngumiti lang si LJ sa akin.
After two hours ay natapos din ang interview sa amin ni Dina.
"So... Saan ka after this?" tanong sa akin ni LJ na kasalukuyang naka-check in sa hotel na iyon.
"Babalik ng office, may kailangan pa kasi akong tapusin na trabaho ron."
"Am... Hatid na kita sa labas. May dala ka bang sasakyan?"
Umiling ako, "Naka-taxi lang ako today."
Sinamahan niya ako palabas ng hotel at sabay kaming nagulat nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"OMG." ang sabi ko.
"Wait." lumapit si LJ sa isang attendant ng hotel at nanghiram ng payong saka niya ako pinayungan.
Napatingala ako sa payong na dala niya. Nice... Color yellow.
"Yellow umbrella." ang sabi ko sa kanya.
Napatingin rin siya sa payong na hawak niya at saka natawa, "Oo nga noh."
"Ang lakas ng ulan..."
"Sobra..." ang sabi niya.
Like before...
Like before...
"Ginny..."
Tumingin ako sa kanya.
"I miss you." tapos saka niya hinablot ang aking bewang at siniil ng halik sa aking labi.
And again... Kiss in the rain.

BINABASA MO ANG
9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVE
RomanceGinny is a well known personality, the daughter of the former president of the Philippines, ang editor in chief ng sikat na fashion magazine and fiancé ng isang bigating businessman. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay sa kanyang caree...