8.3

620 22 2
                                    

"Oo, kasi hindi naman nainlove ang misis ko sa kanya non. Sa akin lang nagkandarapa si Mabel." pagmamayabang ni Mikee sa kapatid niya,"Ikaw naman yata ang mukhang affected."

"Of course not."

"Of course not ka riyan. Ikaw nga itong nakakainom ng ilang basong alak habang pinagmamasdan ang dalawa."

"Shut up Kuya. May Benjie na ako."

"Ah oo nga pala may Benjie ka na. Benjie na babaero at user."

"Kuya, dont say that. Boyfriend ko yun."

"Pero hindi mo mahal." ang sabi ni Mikee, "Wag mong lokohin ang sarili mo Ginny dahil alam mo sa puso mo kung saan ka magiging masaya."

"I love my career Kuya and I love myself. I want to be the president of the Dy's publication."

"Sa tingin mo doon ka magiging masaya?"

Tumango si Ginny, "Oo Kuya dahil kapag ako na ang nasa posisyong iyon, wala nang pwedeng makapanakit sa akin."

"Uy Ginny, ano ka pa namang babae ka kanina pa kita hinahanap." ang sabi ni Lj nang makita niya si Ginny na lumabas ng ladies CR ang mukhang pasuray-suray sa kalasingan.

Agad hinawakan ni Lj ang bewang ng babae dahil muntikan na itong matumba, "Ihatid na kita sa unit niyo."

"Anong feeling nang kausap mo ang Ate Mabel ko kanina? Nagthrowback pa."

"Ginny, lasing ka na."

"Parang hindi ka naman apektado nong makita mo si Ate Mabel... Ang daya naman... Samantalang ako... Affected na affected."

Natigilan si Lj sa sinabing yun ni Ginny.

"Nakakaselos pa rin."

"Eh di magselos ka. Para mas malaman mo kung kanino ka magiging masaya."

"Masaya? Utot mo. Hindi ako magiging masaya sayo kasi... Lagi mo akong pinaiiyak... Sinasaktan mo ang feelings ko."

Binuhat ni Lj sa likod niya si Ginny habang naglalakad siya papunta ng elevator upang bumaba sa parking lot.

"Utot mo Lj." ang sabi ni Ginny nang nasa loob sila ni Lj, "Lj... Lj... Lj lasing ako."

"So?"

"Lj sex uli tayo..."

Napatingin si Lj sa likuran niya kung saan buhat-buhat niya si Ginny. Nakapikit ito at nakangiti sa kanya.

"Sigurado ka ba riyan?"

Tumango si Ginny, "Yes, I want you. Let's have sex."

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon