17

561 20 0
                                    

Bumalik lang ang lalaking yun ay tila nasira na ang lahat....

Lahat ng plano niya... Ang mga pangarap niya... Pati na rin ang sumpang hindi na siya magpapadala sa pag-ibig.

She is just a failure... Bigong-bigo na siya sa mga nangyari...

Nabitag na naman siya sa pain ng Lj na iyon.

Sa coffee shop ay nakita niyang naghihintay don si Lj kaya pumasok siya ron at umupo sa harapan ng lalaki.

"Hey, akala ko ba last na natin yun. Bakit tila hinahanap-hanap mo na naman ako."

Hindi sumagot si Ginny at nilabas niya lang ang pregnancy test.

Nagulat si Lj nang makita ang dalawang linya sa pregnancy test.

"Paano nangyari ito?"

"Anong klaseng tanog yan Lj, tatlong beses nangyari sa atin yun natural may nabuong isa."

Binaba ni Lj ang test kit, "Imposible talaga."

"Ang kapal ng mukha Lj. ANong gusto mong palabasin bukod sayo ay may nakasex na akong iba nong wala si Benjie. Inaamin ko... Noong kasama kita nagpakacheap ako pero hindi naman ako kaladkaring babae."

"Im sorry Ginny pero imposible talaga ito eh. Why don't you check an Obgyne, baka mali lang ang pregnancy test na ito."

Naiyak si Ginny sa sinabi ni Lj. Para siyang binastos nito... Parang dinideny ng lalaki ang nangyari sa kanila.

"Shet Lj, akala ko pa naman nagpakatotoo tayo nong gabing yun. Akala ko pa naman totoong mahal mo na ako pero yun pala..."

"Ginny, hindi mo kasi ma-gets eh, imposible kasi talaga... Kaya I suggest magpa check up ka sa doctor."

Tumayo si Ginny at kinuha ang bag niya, "Gets ko na Lj, gets ko na na-ganyan ka. Wala ka talagang paninindigan." sabay lumabas na ito ng cofee shop na iyon.

"Miss de Silva." ang sabi ng OBgyne sa kanya, "Actually hindi ko ma-explain kung bakit ganon ang naging resulta ng pregnancy test na binili mo pero it seems that it has malfunction. Youre negative Miss de Silva."

Nagulat si Ginny sa sinabi ng Doktor. Tama si Lj, hindi nga siya buntis pero paano naman nakasigurado ang lalaki na hindi nga siya buntis eh tatlong beses ng may nangyari sa kanila... Fertile pa siya sa naunang dalawa.

Paglabas niya ng clinic ay nakita niya si Yannie na naglalakad sa lobby ng hospital.

"Hoy Ginny."

"Yannie, what are you doing here?"

Napatingin si Yannie sa clinic na pinanggalingan ni Ginny, "Parehas ba tayo ng doctor? Buntis ka rin?"

"Naku Yannie hindi." ang sagot niya rito.

"Ako kasi two months pregnant na."

"Wow, talaga congrats." ang sabi niya kay Yannie.

"Uy, nakalimutan ko na kamusta ka na pala after mong malasing sa reunion."

Nagulat siya. Bakit alam ni Yannie ang tungkol sa pagkalasing nya?

"A-ayos naman."

"Good thing kasama mo si Lj non. Humingi nga siya ng tulong sa akin na i-check in ka muna sa isang hotel para mahimasmasan ka saka nagworry kasi siya sayo dahil basang-basa ka ng ulan."

"Kasama ka sa hotel?" ang tanong ni Ginny kay Yannie.

"Oo, ako pa nga ang naghubad sayo tapos binalutan na lang kita ng makapal na blanket para hindi ka lamigin."

"Eh si Lj?"

"Andon lang sa labas. Alangan namang panoorin ka niyang nakahubad pero pumasok din siya kasi nasukahan mo siya kaya nagshower muna siya sa loob ng hotel room."

Naalala niya nang gumising siya ng araw na iyon balot na balot nga siya ng blanket at kalalabas lang ng shower room ni Lj.

"Noong kinaumagahan umuwi na lang ako agad kasi tinatawag na ako ng Mister ko kaya iniwan ko na ang kayo ni Lj. Anyway sabi naman ni Lj gumising ka rin naman agad non at bumalik sa trabaho."

Napahawak sa ulo niya si Ginny. It means... Walang nangyari talaga sa kanila ni Lj... Kaya siguro wala siyang maalala kasi wala naman talaga at kaya rin siguro sinabi ni Lj na imposible akong mabuntis dahil walang nangyari talaga... Posibleng ganon din yung second time... At ang totoo lang ay...

Shet! All this time niloloko lang ako ni Lj!!!

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon