8.2

638 20 0
                                    

"Alejandro?" ang sabi ni Mabel pagkakita sa lalaking dala-dala ni Ginny. Lumapit si Mabel sa dalawa, "Oh my gosh Alejandro ikaw na nga yan."

Tumingin si Ginny kay Lj. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksiyon. Kung may kaba sa mukha nito... May tensyon...

"Nice to see you again Mabel." nagulat si Ginny sa nakangiting bati ni Lj sa dating nililigawan. Napakarelax lang ng lalaki, chill lang parang wala lang sa kanya... Parang walang nangyari.

Yun na yun? Yun lang ang reaksiyon niya? Mukhang happy siya. It is so unfair! Samantalang ako nong nakita ko siya uli halos bumigay ang mga tuhod ko sa kanya.

"Wow ang guwapo mo." ang sabi ni Mabel, "Buti pala naisama ka rito nitong si Ginny sa Wedding anniversary namin ni Mikee."

"Oo nga eh. Nakakatuwa nga't isinama ako nitong hipag mo sa Anniversary party niyong mag-asawa. Hindi kaya gusto rin ni Ginny na maging part na ako ng famiy niyo?"

Napataas ng kilay si Ginny sa sinabi ng lalaki sa kanyang hipag.

"Just kidding." ang sabi ni Lj sa kanya.

"Look who's here! Alejandro!" ang sabi ni Mikee nang makita siya nito. "Andito ka na pala sa Pilipinas."

"Biglaang nadestino lang." ang sabi ni Lj kay Mikee.

"Grabe sa nakikita ko ngayon, pare mukhang ang layo na nang narating mo ha."

"Naku di naman. Nakapag-abroad lang pero simpleng empleyado pa rin naman ako." ang sabi ni Lj.

"Buti naman at okey kayo ngayon ng kapatid ko."

Ngumiti si Ginny sa kanyang Kuya.

"Sige Lj, enjoy our small party here. I-entertain pa namin ni Misis ang ibang guest." saka inakbayan ni Mikee si Mabel upang kausapin ang ibang guests nila.

"Ang sweet nila noh. Sana ganyan din tayo."

Tumingin ng matalim si Ginny sa lalaki, "Asa ka."

Pagkatapos umirap ni Ginny kay Lj ay nagtungo na ito sa buffet table upang kumuha ng pagkain.

Makatapos ng wedding program ay namataan ni Ginny na masayang nag-uusap sina Mabel at Lj sa isang table.

Hindi niya alam kung bakit parang bumalik ang dati niyang nararamdaman noon. Parang sumasakit ang kanyang dibdib... Parang gusto niyang lapitan si Lj at hilahin palayo sa hipag niya.

"This cannot be." uminom ng isang kupita ng ala si Ginny habang pinagmamasdan ang kilos ng dalawa.

"Ginny, drink moderately. Baka malasing ka niyan." sabay agaw ni Mikee sa wine na iniinom ni Ginny.

Ininom ni Mikee ang natitirang wine at umupo sa tabi ng kapatid.

"Look at them Kuya." at tinuro ni Ginny sina Mabel at Lj, "Are you not jealous with them."

"Not at all." ang sabi ni Mikee.

"Sure ka?"

"Oo, kasi hindi naman nainlove ang misis ko sa kanya non. Sa akin lang nagkandarapa si Mabel." pagmamayabang ni Mikee sa kapatid niya,"Ikaw naman yata ang mukhang affected."

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon