23

676 23 1
                                    

"Suzane Lim..." napasandal si Ginny sa Swivel chair niya matapos marinig sa private investigator niya ang mga detalye sa babaeng yun.

Isang model nga si Suzane. Sa Shanghai pa lang ay nagdidate na sila ni Benjie, actually, isa sa mga steal pictures na nakuha ng detective ni Ginny ay si Suzane.

Lumalim ang relasyon nito sa kanyang nobyo kaya nang isang linggo na nagbusiness meeting si Benjie sa Xiamen ay nakipagkita ito sa babaeng yun.

"Anong balak niyo po? Totoo pong buntis si Suzane."

"Ayoko masira ang career ko nang dahil lang sa babaeng yun, malamang Benjie doesnt want it also."

Ding Dong!

"Benj.."

Nagulat si Suzane nang makita si Ginny na nakatayo sa pintuan ng condo niya.

"So you are Suzane? Mas maganda ka pala sa personal."

Napakunot ng noo si Suzane dahil hindi siya nakakaintindi ng tagalog.

"Oo nga hindi mo pala ako naiintindihan. Nakakatuwa naman, so pwede kong sabihin sa pagmumukha mo ang lahat ng gusto kong sabihin sayo."

"Im sorry but I cant understand Filipino."

"Natural tanga! Haliparot ka talaga!"

"A-are you telling bad things to me?"

"OO nimumura kita malandi ka. Kiri ka kasi kaya nabuntis tapos ano ngayon ha maghahabol ka sa isa pang malanding lalaking yun ha. Tapos pipigilan mo pa ang kasal ko... Mamatay ka sa inggit pero hindi papatali sayo yung gungong na yun dahil pampalipas oras ka lang niya. At yang bata sa sinapupunan mo? Sa tingin mo pananagutan niya yan? Hindi noh."

Nakita niyang humawak sa nakaumbok niyang tiyan si Suzane at parang sumasakit ito.

Bigla siyang nabahala nang makita niyang umiiyak sa sakit si SUzane, "A-are you okey?"

"I need to go to the hospital. Its really aching!"

Nang makita niyang namimilipit ang tiyan ni Suzane ay agad siyang nagpatawag ng tulong upang isugod ito sa hospital.

"The mother is just stressed kaya sumakit ang tiyan niya, kailangan nya lang magpahinga." ang bilin ng doctor sa kanya habang natutulog sa ward si Suzane.

Umalis na ang doctor at iniwan niya si Ginny para bantayan si SUzane.

Napahawak siya sa nakaumbok na tiyan ni Suzane, "Sorry Baby ha, pati ikaw nadamay ko."

"Is my baby fine?" ang tanong ni Suzane sa kanya nang minulat na nito ang kanyang mga mata.

"Yah, the doctor told me that you just need a rest. Im sorry Suzane, if you become in danger because of me."

"Its okey, I understand you. You Benjie's fiance. Though I dont understand what are you saying to me this morning I think you are really mad at me because Im stealing Benjie from you."

"Yah, that right." at hinaplos muli ni Ginny ang tiyan ni Suzane, "I will tell you something Suzane, the truth about Benjie, he is not a good man. He is not good for you and for your baby. I will pay you Suzane so you can take good care with yourself and with your baby. I believe Benjie might not support you, he is a womanizer and irresponsible."

"Ginny, if Benjie is not good for me, then why did you still want to marry him? Why did you want to suffer to that kind of man?"

Napayuko si Ginny. Tama si Suzane, bakit niya titiisin ang ganong klaseng lalaki? Ang kapal ng mukha nyang balaan si Suzane samantalang siya mismo ang hindi lumalayo sa lalaking yun.

"Suzane, I need him."

"I need him also, my baby needs him."

May point naman talaga si Suzane, wala naman siyang hahabulin kay Benjie para magstay pa rito, samantalang si Suzane mas malaki ang responsibilidad ni Benjie sa kanya.

"I you are saying the truth about Benjie then get away also from him. In that case I am convince that what you are saying about Benjie is true."

Sa puntong iyon ay naguluhan siya. Inaalala niya ang magiging kinabukasan ni SUzane at ng anak nito kay Benjie pero paano siya paniniwalaan ni SUzane kung siya mismo ayaw niyang pakawalan si Benjie.

"Madam!!!" ang sugod sa kanya ng kanyang sekretarya nang pumasok siya ng office, "May malaking problema!"

"A-ano yun?"

Kinuha ng sekretarya nya ang celphone nito at may pinakita ito sa kanya, "Kumakalat na po ang litratong ito sa internet!"

Halos bumagsak ang mundo ni Ginny sa litratong pinakita ng sekretarya niya.

Isa itong collage picture...

Mga litrato nila LJ.

Mula sa first date, sa pagiging escort nito sa anniversary ng kapatid nya hanggang sa last date nila sa Anawangin.

"Engaged former first daughter is dating another guy while he's fiance is away? Is this infidelity?"

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon