5.3

876 22 0
                                    

Grabe... ang sexy naman non saka parang ang sarap ng whip cream... nakakainggit.

Napalunok si Ginny nang makita uli ang Frappe na iyon na nakalapag sa harapan niya.

Itinaas niya ang isang kamay niya at inilagay ito sa baso, napapikit siya.

Taksil ka Ginny... isa kang taksil... wag mo sabing inumin yan eh.

Binuksan niya muli ang mga mata niya at tinignan ang inuming iyon.

Pero ang sarap talaga nito eh... I have to obey my thirst!!! Sorry to myself.

Agad niyang kinuha ang inumin iyon at sinipsip ang straw.

"Ahhh.."

Napangiti si LJ nang makitang sarap na sarap si Ginny sa iniinom niya natawa pa nga siya nang mabilis na naubos ni Ginny ang inuming iyon at malakas pa itong dumighay pagkatapos.

"Ayos ba?" ang tanong ni Lj sa kanya nang naglalakad na sila palabas ng shop na iyon, "Na-miss mo noh."

"Am... medyo."

"Medyo ka pa riyan, na-miss mo talaga, kunwari ka pa."

Ngumiti lang si Ginny sa kanya.

Napahawak si Lj sa bulsa niya, "Shocks!"

"Ano yun?"

"Wait Ginny yung wallet ko nalaglag yata sa loob."

"Hala balikan mo yun baka may makakuha ng iba yon."

Mabilis na tumakbo babalik si LJ sa loob ng shop na iyon.

Pinagmasdan naman ni Ginny si LJ sa pagtakbo nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Nakita niyang may nagpadala sa kanya ng pictures kaya agad niyang binuksan ang mga pictures na ito. Hindi namalayan ni Ginny na nakabalik na pala sa likuran niya si LJ at tahimik na tinitignan ang mga pictures sa cellphone ni Ginny.

Nagulat si LJ sa mga litratong iyon... si Benjie Dy, ang fiancé ni Ginny na may kasa-kasama iba't ibang babae habang pumapasok sa hotel. May isa pang litrato ron na nakitang may kahalikang isang babae si Benjie. Napabuntong hininga na lang si Ginny sa mga litrato at saka may tinawagan sa phone niya.

"Hello. Yes I saw it na. Wala na talaga akong magagawa sa lalaking yan, ganyan na talaga siya, kung hindi ko lang talaga siya kailangan. Sige, thanks for your concern. Hindi mo na kailangang magpadala pa ng pictures sa akin, wala rin naman akong magagawa yan, I need to marry him. Sige bye." Lumingon si Ginny at nagulat siya nang makita si LJ na nasa likuran niya.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon