9

603 20 1
                                    

"Ahhh..." Inangat ni Ginny ang katawan niya sa kamang yun ibig niyang ipaubaya ng buong-buo ang katawan sa lalaki.

"Oh... Lj..." sunod-sunod na inhale exhale ang ginagawa ni Ginny.

She's panting. At kahit mariing nakapikit ang mga mata niya ay bagkas sa mukha nito ang excitement na kanyang nararamdaman.

Napahawak si Ginny sa kobre kama habang nararamdaman niya ang isang mainit na bagay na humahaplos sa balat niya particularly sa legs niya.

"Ahh... Lj... Please more..."

"Grabe, horny na horny na ito." ang sabi ni Vivian habang pinupunasan niya si Ginny ng warm towel sa legs nito at nakaupo lang sa isang tabi ng kuarto ni Ginny si Lj, "Tuluyan mo na kaya, mukha namang anong-ano siya sayo."

Umiling si Lj, "Lasing siya. Hindi ako nakikipagsex sa lasing."

Tumalikod si Lj nang hinuhubad na ni Vivian ang suot na dress ni Ginny at pinapalitan niya ito ng pajama.

"Akala ko pa naman makakagraduate na ako rito kay Madam ngayong staff na ako ni Sir Mikee, hindi pa rin pala. Anyway, nakakamiss din naman kasi itong baliw kong ex-boss." tumingin si Vivian kay Lj, "Na-miss mo rin siya noh."

Ngumiti si Lj sa kanya.

"Ikaw naman kasi, kung di mo siya sinaktan non eh di sana hindi ka niya na sinusumpa ngayon. Tignan mo nga itong gagang ito, mukhang adik na adik pa rin sayo eh."

"Vivian, sinong mas gusto mo? Yung Ginny ten years ago o yung ngayon."

"Ahmm.. Wala namang masyadong pinagkaiba. May pagka-maldita pa rin naman siya talaga pero mas prefer ko yung noon kasi noon pinaglalaban niya ang mga bagay na mahal niya... At ikaw yun." pinagmasdan ni Vivian ang dating amo, "Ngayon kasi mukhang hindi na siya nagpapakatotoo sa sarili niya."

Tumango si Lj, "Ako rin. Alam ko, nahihirapan na siya sa Benjie Dy na yun."

"Ano bang balak mo sa babaeng ito?" ang tanong ni Vivian kay Lj, "Aagawin mo siya kay Benjie Dy?"

Tumingin si Lj kay Ginny, "Kung yun ang dapat para maging maayos ang buhay niya."

"OMG, i-seseduce mo talaga itong ex bosing ko para magkahiwalay sila ni Benjie Dy!"

Tumayo si Lj, "Sige na Vivian, iwan mo na kami ni Ginny, ako na ang bahala sa kanya."

"Wait.. Wala ka namang binabalak na masama sa kanya di ba?"

Umiling si Lj, "Of course wala dahil kung meron hindi na kita ipapatawag para ayusan siya."

"Hmm.. Sabagay, may tiwala naman ako sayo." saka tumayo ng kama si Vivian, "Sige baka hinahanap na rin ako ni Sir Mikee. Ikaw ng bahala diyan ha." at saka lumabas ng kuwartong iyon si Vivian.

Nang makalabas ng kuwarto si Vivian ay saka nag-alis ng sapatos si Lj at tinabihan sa kama si Ginny.

Pinagmasdan niya ang dalaga habang natutulog ay inalis ang buhok na nakaharang sa mukha nito.

"Lj.. Shhhh.."

Napangiti si Lj, hinalikan ang exgirlfriend sa noo at saka siya nahiga at niyakap ang likuran nito.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon