14- LAST DATE

630 25 2
                                    

Last Date...

"Wow! Talagang pinili mong sa Anawangin tayo maglast date noh. Alam mo ba kung saan tayo matutulog don sa tent." ang sabi ni Lj habang nagmamaneho si Ginny papuntang Zambales.

"I know, overnight lang naman tayo saka tinaon ko talagang alanganing araw para walang ibang tao."

Ngumiti si Lj sa kanya, "Gusto mo talaga akong ma-solo."

"Ayoko lang may makakita sa ating ibang tao tapos isusumbong tayo kay Benjie. Baka isipin pa non pinagtataksilan ko pa siya."

"Kung iisipin niya yun... Mahiya naman siya sayo."

Tumingin si Ginny kay Lj, "Just shut up okey."

Binaba sila ng bangkero sa Anawangin kung saan tama si Ginny dahil walang ibang tao sa isla kundi sila lang dalawa ni Lj.

"Galing ha, parang pinarenta mo talaga itong place para lang sa ating dalawa."

Ngumiti si Ginny, "Sabi ko naman sayo."

Agad naghubad ng damit si Lj at patakbong nagswimming.

"Woah ang sarap magswimming!!!" ang sigaw ni Lj habang naliligo, "Ginny halika na rito sarap ng tubig."

Inalis ni Ginny ang suot niyang T-shirt at shorts kung saan tumambad kay Lj ang suot na red two piece ng dalaga. Halos lumuwa ang mga mata niya pagkakita sa suot nito.

"Ang yummy mo ha." ang sabi ni Lj nang makalapit sa kanya ang dalaga.

Binuhusan ni Ginny ng tubig si Lj, "Sira tigilan mo ako."

"Ah ganon ha." at gumanti naman si Lj sa kanya.

Sumapit ang dilim at naglagay ng bonfire si Lj at tinayo na rin ang tent na tutulugan nila ni Ginny.

"Ayos talaga itong last date natin. Ang special nito,sa isang island kung saan natin nasosolo ang isa't isa, then bonfire tapos tent. Siguro after ng gabing ito mamimiss mo ako kaya ginawa mong ganito ka-special."

"Kulit mo rin noh, sabi ko sayo gusto kong makalayo sa mga tao dahil baka masumbong pa ako kay Benjie."

"Gin..." ang sabi ni Lj, "Alam ko..."

"Anong alam mo?"

"Na marami kayong babae ni Benjie Dy. Na niloloko ka niya. Bakit Ginny? Bakit mo siya hinahayaan gaguhin ka?" ang tanong ni Lj sa kanya.

"Kasi kailangan ko siya. Kailangan ko ang negosyo niya, kailangan ko ang poise."

"Hindi na ikaw ang Ginny na nakilala ko noon. Nasaan na iyon? Gusto ko siyang ma-meet uli."

"Sa tingin ko hindi mo na siya makikita... Ever."

"Pwede bang..." at inilagay ni Lj ang buhok ni Ginny sa likuran nito, "Pwede bang kahit ngayong gabi lang magpakita siya sa akin?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ginny kahit ngayong gabi lang, magpakatotoo tayo sa isa't isa." ang sabi ni Lj sabay haplos niya sa baba ng dalaga.

"Lj, please..."

Pipigilan sana ni Ginny si Lj pero huli na ang lahat dahil inangkin agad ni Lj ang labi niya.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon