11

570 19 2
                                    

Para namang ipinagkanulo si Ginny ng kanyang labi. Hindi niya maiwasang di sumagot sa mga halik na ginagawa ni Lj sa kanya.

Di na rin niya namalayan kung paano nakaupo ang lalaki sa kinauupuan niya at siya naman ay nakaupo paharap sa kandungan nito.

Nakapalupot ang dalawang braso ni Lj sa likod niya mahigpit siyang niyayakap nito at pinupush ang katawan nilang dalawa habang siya ay madiin na napapasabunot sa buhok ni Lj trying to push him towards her para mas lumalim ang halikang pinagsasaluhan nila.

"Oh my gosh Lj..." napapikit na lang nang mariin si Ginny nang maramdaman niyang tumungo na sa gilid ng leeg niya ang labi ng lalaki.

Maslalo humigpit ang pagkasabunot niya sa lalaki na parang ipinagsisiksikan niya ang ulo nito sa leeg niya.

"Ahhh Lj..." napatili si Ginny nang maramdaman niya ang paglapat ng mainit na dila ng lalaki sa tagiliran ng leeg niya.

Kring... Kring...

"Lj... May tumatawag sa phone ko..." ang bulong niya sa lalaki habang patuloy siya nitong hinahalikan sa kanyang leeg.

"Sagutin mo, I will do my thing here."

Inabot ni Ginny ang phone niya sa bag niya at sinagot ang tawag na iyon, "H-hello.."

"Ginny, Babe? Bakit parang hinihingal ka?"

Natigilan si Ginny nang marecognized niya ang boses na iyon. Agad siyang napatayo sa kandungan ni Lj, "B-benj... Im sorry medyo sick kasi ako, kagigising ko lang. B-bakit ka napatawag?"

Napalingon si Ginny kay Lj, nakita niyang nakayuko lang ito.

"I called to tell you na, Im going home." ang sabi ni Benjie sa kabilang linya.

"Youre what?"

"Going home. Babalik na ako riyan sa Pilipinas."

"Am..." lumingon uli si Ginny kay Lj. Nakita niyang tumayo ito at lumabas muna ng kuwartong iyon.

"Good." ang sabi niya rito, "SIge Babe, sasalubungin na lang kita sa airport."

"Sige Babe." at saka nito binaba ang phone.

Nang binaba na ni Ginny ang phone ay saka tumunog muli ang celphone nito at nabasa niya ang isang text mula kay Lj.

Kitain na lang kita sa parking lot.

Pagdating ni Ginny sa parking lot ay saka niya nakita si Lj na naghihintay sa tabi ng sasakyan niya.

"Pasensya ka na, tumawag lang si Benjie."

"I understand." ang sabi ni Lj.

"Anyway, I have to go back to the office. Thanks for our fourth date."

"Mahal mo ba siya?" biglang tinanong ni Lj sa kanya bago siya pumasok ng kanyang sasakyan.

"Anong klaseng tanong yan?"

"Ano bang sagot?"

"Oo naman."

"Mas mahal mo kesa sa akin?"

"What a question Lj!"

"Dahil hindi ko maramdaman na hindi mo na ako mahal."

"Kung mahal pa rin kita at mas mahal nga kita kesa kay Benjie sa tingin mo mas pipiliin pa rin kita kesa sa kanya. Lj, graduate na ako sa pagiging tanga sayo."

"Kaya mo yun Ginny? Kaya mong makisama sa isang taong hindi mo talaga mahal."

"Oo kaya ko. Dahil yung taong yun kahit saktan niya ako hindi ako naapektuhan. Hindi feelings ang kailangan ko ngayon Lj.. Kundi utak. Dahil napagod na ako sa paggamit ng feelings ko noon sayo." agad na binuksan ni Ginny ang pintuan ng sasakyan niya at iniwan si Lj sa parking lot na iyon.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon